loading
Home/ All /MISANTHROPE: When a Badass Breaks the Rule/Chapter 3 FIRST DAY OF SCHOOL 2

Chapter 3 FIRST DAY OF SCHOOL 2

Author: Jeby Ann Honrado
"publish date: " 2020-08-16 17:31:08

Pagkapasok na pagkapasok namin ay naupo na ako sa pinaka komportableng upuan para sakin. Pinaka gilid sa gawi ng pinto at pinaka likod din. Dito kasi ay tapat ng bintana at malapit pa sa exit door.

Ayos to dahil mukha namang sinusunod dito ang tamang paggamit sa mga bagay-bagay. Nakasara kasi ang pintuan sa likod ko at pagpasok palang ay makikita mo ng disiplinado ang mga estudyante dito pero syempre, siguradong may mga eepal dito.

Yung mga kabataang nagpapayamanan na akala ko mo may naipatayo ng sariling negosyo. Wala akong magiging problema kung hindi nila ako papakialaman. Lalo na nitong nakaraang 6 na buwan ay talagang pati sarili ko ay kinakalaban ko pa minsan. Tss.

Most of them are the kind of individuals who mind their own businesses. That's very good for me since, I may not be an anti-social (nakikipag usap naman ako pag sila ang nauunang magsalita), but I really abstain myself from doing social interactions.

Pero mukhang mababago ang atmosphere sa room na ito dahil sa kakulitan ng pinsan ko.

Dumukdok lang ako sa arm ng upuan ko since maaga pa naman talaga at dahil first day, for sure hindi pa ganun ka pormal ang set up. I heard Scarlet approaching and put her bag beside my chair pagkatapos ay nagtungo siya upang makipag kilala sa mga kaklase namin.

Pag matagal ko ng nakakasama ang isang tao, I can already distinguish his/her footsteps among the others.

Wala naman akong balak matulog dahil nag aamok talaga ako pag nabibitin sa tulog. Alam ko namang any minute from now ay iingay na ang paligid at magdaratingan na ang iba pa.

Ayoko talagang pumasok dahil puro self introduction ang mangyayari at ayoko ng nagpapakilala. Ayoko ng kahit na anong first time actually, they are very uncomfortable kaya gusto ko din ng may sariling mundo.

Isang first lang naman ang gustong gusto ko, at yun ay ang maipaghigante ang mga magulang namin ni Scarlet.

Ikinuyom ko ang mga kamay ko at humingang malalim dahil baka mawalan ako ng kontrol sa sarili. Kalmado naman akong tao kaya minsan lang mangyari yun. Kapag pinili at ginusto kong manakit dahil deserve naman yun nang taong manggugulo sa kapayapaan ko.

Sa training namin dati ay magkakasabay kaming magpipinsan at dun ka pipili ng kabakas (partner) mo. Ayoko ng may alagain kaya wala akong pinili maski sino pero hindi ako tinigilan ni Scarlet kaya napapayag nalang ako nung mawala ang parents namin.

Kung hindi ako papayag ay mapupunta kami pareho sa control center at napaka boring nun. Ayaw din ni Scarlet dahil mahilig nga siyang makisalamuha at ayaw niya namang puro computer ang kasama niya araw-araw.

Halos lahat din kasi ng kasabayan namin nun ay natatakot sakin. Tss

Si papa lang ang lagi kong ka sparring nun, ayaw akong ipartner ng mga tita ko sa mga anak nila, baka daw mabalian ko.

Nung una ay nainsulto talaga ako kaya minsan ay pinagdidiskitahan ko sila ng sadya, pero pinagsabihan ako ni papa at pinaintindi ang sitwasyon ko.

Dati pa man ay napansin na daw nila lolo na kontrol sa emosyon ang problema sakin dahil pag ayaw ko sa isang bagay ay bigla ko nalang iyong sisirain, itatapon o sisilaban. Kaya dinisiplina ko din ang sarili ko dahil ayaw ko namang maging sakit sa ulo.

Nang alam kong kalmado na ako ay nagmulat na ako ng mga mata at sinulyapan si Scarlet. Simula noong araw na nakagaanan ko siya ng loob ay nagagawa ko ng maglabas ng mga personal na intindihin sakanya. Nasobrahan nga yata ako ng bait at minsan ay hindi na talaga siya nakikinig sakin.

Ang kabakas ay ang magiging kakampi mo sa lahat ng bagay. Maaari ring maging pinaka mahigpit na kaaway dahil babantayan niyo ang isat isa kung mangangahas ba itong sumuway sa ultimate rule.

Dalawang buwan ko na ring alam na tinamaan na ng lintik tong abnormal nato dahil alam ko namang syota niya ang isa sa mga Cullen, nalaman ko lang ng marinig kong magkikita na daw sila sa school ng sweetie niya.

Wala din naman akong balak ipahamak tong kumag na to kaya babantayan ko nalang.

Nabalik naman ako sa kasalukuyan ng umingay na ang paligid at nauukupahan na ang mga bakanteng silya.

Nagpaalam na rin si Scarlet sa mga bagong kakilala at umupo na sa tabi ko. Nagkwento siya tungkol sa mga napagusapan nila at ipapakilala niya din daw ako pero maya maya ay sumimangot siyang parang bata ng mapansing hindi naman talaga ako nakikinig. Natawa nalang ako ng bahagya sa itsura niya.

Maya-maya pa ay may isang magandang babae ang pumasok sa room namin. Slim body, short hair at kapansin pansin ang maganda niyang paraan nang pag ngiti. Maaliwalas ang mukha niya kaya mukhang hindi naman mapapabilang to sa pasakit ngayong taon.

"Magandang araw sa inyong lahat." masayang bati niya. Alam ko na kung anong subject to. "Good morning Mrs.Tagacay" bati ng lahat maliban sakin. Kahit papano ay alam na namin ang mga pangalan ng mga magiging guro namin, nakalagay na sa schedule.

"Papahintulutan ko lamang ang paggamit ng wikang Filipino at dayalektong Tagalog sa aking klase" mahinahon at nakangiti niya pa ring sagot.

"Dahil unang araw, gaya ng nakasanayan ay kailangan niyong magpakilala pero gagamit kayo ng isang pirasong papel at lalapitan niyo ang limang estudyante sa silid na ito at sila ang una ninyong kikilalanin. Kayo ang pipili upang maging interesante ang unang pagpakilala" Hindi ba nangangawit panga neto? Kanina pa siya nakangiti.

"Maliwanag ba?" Pahabol niya pa.

"Maliwanag po." Mind you, si Scarlet ang pinaka masaya dito, pinaka dinig ang boses e.

Nagtayuan na ang lahat, maliban sakin syempre. Mamaya na ako pag konti nalang ang nakatayo. Ganun din naman si Scarlet. Nauuna nila kaming lapitan ni Scarlet at iniaabot ang kanilang papel, nakangiti naman sila kaya pagkatapos ni Scarlet ay nagsulat nalang din ako ng pangalan.

Yung unang lima na lumapit sakin ay sila nalang din ang nilagay ko sa papel ko para di na ako tatayo. Bwahaha.

Nang maramdaman kong may nakatingin ay sinulyapan ko sila at nakita ko ang grupo ng kababaihan na masama ang tingin samin.

Hindi ko nalang sila pinag aksayahan ng oras pero tong katabi ay matamis naman silang nginitian. Sigurado akong ito ang unang makakaranas ng kamalditahan ni Scarlet. Napailing nalang ako habang palihim na natatawa.

Natapos ang maghapon na puro ganun ang ginawa. Magbibigay ang mga guro ng papel atsaka namin isusulat ang mga pangalan namin.

Student's move dito kaya kami ang lumilipat ng room at nagiiba din ang classmates depende sa schedule. Apat na minor subjects 1 hour bawat isa, P.E na isa't kalahating oras, tsaka major na 2 1/2 hours.

Magkapareho kami ng P.E ni Scarlet kaya ayos na din dahil magkakasabay kami lagi kapag uwian.

Want to know what happens next?
Continue Reading
Previous Chapter
Next Chapter

Share the book to

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Latest chapter

MISANTHROPE: When a Badass Breaks the Rule   CHAPTER 14 Library

Scarlet's POVHuhuhuhuhuhuhu. It's Saturday today at naiiyak talaga ako. Kasi naman e nawala nalang bigla si insan tapos malaman laman ko kay tito na inaayos na pala niya yung gusot sa mga businesses namin.Lagi siyang ganyan. Sinasarili niya ang mga problema kaya nakaka badtrip siya. Pwede nama

MISANTHROPE: When a Badass Breaks the Rule   Chapter 13 FLAG CEREMONY

It's been 2 months after that meeting. Nagkasundo kami na magpaunlak ng interview but I firmly disagreed sa getting to know each na sinasabi nung kambal. I know myself kaya naman wala man akong karanasan ay may ideya na ako sa nararamdaman ko kapag nasa paligid ko yung Westmont na yun. As I have said, I want this to be natural and free. Isa pa, yung magkasintahan lang naman ang iinterviewhin. I need to think really hard kung anong gagawin sa tukmol na yun.

MISANTHROPE: When a Badass Breaks the Rule   Chapter 12 PLAN

Nasa malalim na pag iisip ang lahat pagkatapos ng rebelasyon sa mga problemang kinakaharap ng pamilya. Habang ako ay nagpipigil ng inis sa aking silya. Bakit kami ang poprotektahan? Tss. Nakakalalaki naman tong misyon na to.I'm rooting for her. Nakuha niya ang stage 1 ko ng walang kahirap hirap. I'm really hoping for this to work.

MISANTHROPE: When a Badass Breaks the Rule   Chapter 11 SITUATION

Kumakain na kami at hindi talaga inaalis ng Westmont na to ang tingin sakin. Hindi ko naman pinapakitang naaapektuhan ako kaya gumaganti ako ng titig.Timing is everything honey. Just wait, I'll make things fair later.Siya ang unang bumitaw para sumubo at kitang kita ko ang pag angat ng labi at bahagyang pag iling niya. N

MISANTHROPE: When a Badass Breaks the Rule   Chapter 10 MEETING the CULLENS

I'm stunned. Nandito siya. Nandito ang first in command ng mga Cullen. Hindi ko pinahalata ang pagkagulat at pinagpatuloy kong maglakad with all the gracefulness I have. I don't know why I felt the need to impress this man infront of me. Gusto ko na after ng meeting na ito ay hinding hindi niya ako makakalimutan. Gusto ko na kapag nagkita kami sa school o sa kahit na saan ay mapapalingon siya sakin dahil sa pagkikitang ito.Bago ako umupo ay humalik muna ako sa pisngi ni tito at umupo sa tapat ng lalaking ito. Tumingin ako sakanya at nakita kong n

MISANTHROPE: When a Badass Breaks the Rule   Chapter 9 FIRST STAGE

Kahihiga ko palang sa kama ko when father call for a meeting. Kararating lang namin from France, actually pinilit lang ako ni bossing na sumama. Gusto ko ng pumasok para makita si sweetness kaso dinadarag na ako ng kakambal ko kaya sumama nalang ako'Hayy. Ang ganda ganda niya talaga, madami na akong chiniks pero hanggang dun lang. When I met Scarlet, I finally said to myself that she's the o--.

MISANTHROPE: When a Badass Breaks the Rule   Chapter 7 DANGER in HER NAME

Hunger Cafe.

MISANTHROPE: When a Badass Breaks the Rule   Chapter 6 THE BOYFRIEND

Pagkawalang pagkawala ng linya ni Belle ay pini

MISANTHROPE: When a Badass Breaks the Rule   Chapter 5 FIRST ENCOUNTER

"I'm in." Bulong ko sa device na magsisilbing communication namin ni Scarlet. "Got you darling."

MISANTHROPE: When a Badass Breaks the Rule   Chapter 8 MISSION's STEP 2

Nasa pangalawang subject na ako at nakakabagot sa sitwasyong meron ako. Mukhang ku

More Chapters
Download the Book
GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy