Download the book for free
Chapter Four
Author: Seera MeiTumigil kami sa isang pinto malapit sa maid quarters. anong gagawin namin dito? May kinuha ito sa bulsa niya' Susi? bigla naman akong kinabahan! oh no, H'wag niyang sabihin? oh geez Eunice ang isip mona naman! pero bakit kase dito? bakit may kwarto pa? Kahit sabihin ikakasal na kami ayoko pa gawin ang bagay nayon!
Nang mabuksan niya ang pinto hinatak na ako nito papasok sa loob at binitiwan.
Napapikit ako dahil sa takot geez ano bang gagawin namin dito?
"What are you doing? para kang t*nga." Huh? Dahan dahan kong minulat ang mata ko, Bumungad sakin ang mukha niya, Nakakunot noo ito. Pero sandali anong sabi niya? ako t*nga? Bubungangaan ko sana siya kaso tinalikuran ako, bastos! pero napanganga ako ng makita ko ang itsura ng kwarto.
"Wow!" Namamangha kong saad. Pinag masdan kong maige ang kabuuan ng kwarto. Iba't ibang klase ng paintings, ang gaganda!
Kanino kaya ang mga to? bakit dito nakatago?
"Come here Aaliyah!" Napapitlag ako dahil sa pag sigaw ni travis, bakit kailangan sumigaw! nag eenjoy pa ako sa tinitignan ko! Naiinis akong lumapit sa kanya.
"Sit down." Busangot akong naupo sa upuan na nasa tapat niya. "Ano bang pag-uusapan natin? bakit dito mo pa ako dinala?"
"Dahil pribado ang pag- uusapan natin para sating dalawa lang to, naiintindihan mo?" kahit nagaalinlangan tumango ako.
"Alam mo naman ang dahilan kung bakit tayo ikakasal diba?" tumango ako.
"For the company at sa kagustuhan ng mga magulang natin." muli akong tumango.
"Pwede ba? deretsuhin mona ang gusto mo ipunto?" dami pang segwey e.
"Alright, alam mong hindi kita mahal at si mayell ang mahal ko. Pag kinasal tayo magiging maayos na ang takbo ng kompanya. I want you to know that our marriage will last only one year." Napatigil ako dahil sa mga sinabi niya, Kailangan talagang ipa-mukha sakin na hindi niya ako mahal? tapos isang taon lang ang itatagal ng kasal namin? wow! pinag-isipan niya talaga? pero sige, isang taon kung isang taon, Sa isang taon na'yon. Kahit hindi mo ako mahal, ipapakita at ipaparamdam ko naman sayo kung gaano kita kamahal.
"Kung isang taon? paano ang pipirmahan natin na marriage contract? Sila tito at tita? hindi ba nila malalaman 'yon?"
"Don't worry about them, at ako ng bahala sa lahat. Tandaan mo ikakasal lang tayo, mag asawa lang tayo sa papel Aaliyah, At isa pa pala' Pag kinasal tayo, pag andyan ang parents natin we pretend to be sweet kailangan maisip nila na nag-iimprove ang pagsasama natin. pero pag wala sila hwag na hwag mo ako lalapitan, Dito tayo titira sa bahay nato' Means iisang kwarto lang tayo. Hindi tayo mag-tatabi, ikaw ang hihiga sa kama at ako sa lapag. Hwag kang mag alala lagi naman wala ang parents natin kaya malaya natin magagawa ang mga gusto natin gawin dito sa bahay, pag wala sila sa guest room ka matutulog,pero pag nandito sa kwarto ko. Gusto ko lang mag-kaliwanagan tayo. Naiintindihan mo ba Aaliyah?" Tumango na lamang ako, wala na akong masabi. planong plano niya na pala. At ang sakit lang balewala lang ako sa kanya. Dahil lang talaga sa kompanya nila kaya ganito. Kahit nasasaktan at nahihirapan. Tumayo na ako' Baka hindi kona kayanin pa. Sobrang bigat na sa dibdib.
"Ayun lang ba?" tumango ito. "Alright, hwag ka mag-alala tatandaan ko lahat ng sinabi mo. Pwede na ba ako umalis? baka hinahanap na ako ni trish."
"Ok." Mabilis akong tumalikod at naglakad papunta sa pinto, Hindi ko akalain na ganito ka travis, hindi ko alam bakit ikaw pa yung minahal ko ng sobra sobra, pero kagaya nga ng sinabi ko kanina kahit hindi mo ako mahal' ipaparamdam at ipapakita ko sayo kung gaano kita kamahal..
"Wait Aaliyah." napatigil ako sa pagbukas ng pinto ng tawagin niya ako. Hindi na ako nag abala pang lumingon.
"Tandaan mo aaliyah sekreto lang lahat ng pinag-usapan natin." Hindi ko na inabala pang sumagot sa kanya, basta ko nalang binuksan ang pinto at lumabas.
At sa pag labas ko..
Doon tumulo ang mga luhang kanina kopa pinipigilan...
****
Eunice pov
"Bes sigurado kana ba talaga? pwede kapa umatras?' Nilingon ko ang kaibigan ko na kanina pa kabado.
"Trish pwede ba kumalma ka nga."
"Paano ako kakalma? naiinis ako sa nangyayare sayo! Naiipit ka sa problema ng pamilya namin, Yes' masaya ako dahil magiging sister in law kita at alam kong mahal mo si kuya travis, kaso sa mga sinabi mo sakin pakiramdam ko mahihirapan ka pag pumasok ka sa kasalan na'to."
bumuntong hininga ako' mukhang nagkamali akong sinabi ko sa kanya ang pinag-usapan namin ni travis nung nakaraan, Ilang araw na rin niya ako kinukulit, Siya ang nangangamba para sakin. Hindi ko kase kayang mag-tago sa kanya ng sekreto' Siya lang kase ang nakakaintindi sakin, siya lang ang napag kakatiwalaan ko. Hindi lang bestfriend ang turing ko kay trish para kona rin siyang kapatid. Kaya kahit na sinabi ni travis na sekreto lang ang mga pinag-usapan namin' hindi ako sumunod' Gusto kong alam din ni trish yon, Walang lihiman saming dalawa,open kami sa isa't isa.
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang dalawang kamay nito. Kanina pa siya balisa,nangangamba para sakin.
ngumiti ako ng tipid.
"Sino ba sating dalawa ang ikakasal bes? ikaw ang mas kabado satin dalawa e" natatawa kong sabi "..Don'tworry about me ok? ilang araw kona rin pinag-isipan 'to. Handa na ako sa kalalabasan ng naging desisyon ko. tsaka isang taon lang naman 'to then babalik na ulit sa dati." bumuntong hininga siya at tipid na din na ngumiti.
"Hay mukhang wala na akong magagawa nakapag desisyon kana talaga e, Basta nandito lang ako' babantayan kita dyan sa magaling kong kuya."
Sabay kaming napalingon sa pinto ng bumukas ito, Niluwa si tita kim na nakangiti.
"Ready na kayo girls? aalis na tayo."
"Yes tita tapos na po." Nakangiti kong saad, Lumapit naman samin si tita,
"Napakaganda mo iha, bagay na bagay sayo ang simpleng white dress na suot mo' Napaka swerte ng anak ko sayo." bigla namang uminit ang pisnge ko dahil sa papuri ni tita.
"Thank you tita," Hinawakan ni tita ang kamay ko at tipid na ngumiti.
"From now on call me mommy alright? ikakasal na kayo ngayon ni travis, Magiging isang pamilya na tayo." Napangiti ako, ang sarap pakinggan' nakakagaan ng kalooban. Magiging isang pamilya na kami.
Pero hindi ko maiwasan na malungkot, kung alam lang nila ang pinag-usapan namin ni travis, hayyy. Ang saya saya pa naman ng mga magulang namin, kaso isang taon lang ang bisa ng kasal namin. Isang taon lang akong magiging parte ng pamilya nila. Isang taon ko lang madadala ang apelyido ng anak nila.
"Ok po mommy."
"Much better! Let's go girls!"
Parehas kaming hinawakan ni mommy kim sa kamay at naglakad kami palabas ng kwarto ni trish.
Ngayon ang araw ng kasal namin ni travis, Sa isang judge na kilala nila tito troy, Andoon na sila mommy at daddy pati sila travis at tito troy, kami nalang ang kulang.
Eto na eunice ikakasal kana sa taong mahal mo, pero hindi ka naman mahal. Hayyyyy
Share the book to
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Latest chapter
His Secret Child (Tagalog) EPILOGUE
LAST CHAPTER Trish povOh my god! totoo ba 'to? Hindi ko mapigilan na hindi maiyak. Habang kumakanta si jacob, Isa isang naglapitan sila mommy para abutan ako ng bulaklak, Pati si trishana ay nakangiting inabot sakin ang bulaklak. Sa totoo lang mahal ko naman na talaga si jacob noon palang pero natatakot ako, Natatakot ako masira ang pag-kakaibigan namin, Kaya isinantabi ko ang nararamdaman ko para sa kanya, hanggang noon ngang umalis sila kuya papunta sa maldives doon umamin sakin ang mokong. Mahal daw niya ako at kung pwede manligaw. Pitong buwan na niya akong nililigawan, Humahanap lang ako ng tyempo, kase naman lagi din nasisira yung araw na tuw
His Secret Child (Tagalog) Chapter Sixty Four
"Bakit ba ang daming nag chachat sayo na babae ha?!""Love hindi ko naman sila nirereplyan e, mga anak 'yan ng mga ka business partner namin. Alam mo naman sa larangan ng business, May mga reto r—""Edi lumabas din ang totoo! mga nirereto sayo!? Edi naging babae mo nga! Mga dinate mo!""W-what?! No! Love hindi sa ganoon 'yun. Aist! bakit kase nag chachat ang mga yan e! Sige ibablock ko lahat ng babae nayan, Ikaw,si mommy, Si Ali, Sila tita kim at tita erin nalang ang ititira kong friends ko. Please wag kana magalit oh,"Umismid lang ang kapatid ko,Mukhang hindi ako pwedeng maki-singit ngayon, Mukhang malala ang away nitong dalawa. Akma na akong tatalikod ng makita ko ang asawa ko na papalapit.Nakangiti ito, Akala ko ba ay natutulog ito? bakit nandito na siya? Sinalubong ko siya."Wife, Akala ko natutulog ka? Bakit nandito ka?" Imbes na sa
His Secret Child (Tagalog) Chapter Sixty Three
Napakasarap pag-masdan pag nakikita mong masaya ang mga mahal mo sa buhay. Ganito pala ang pakiramdam pag napunta ka sa tamang tao, Makukuntento kana at wala kanang hihiling pang iba.Kung iisipin, Wala talaga akong nararamdaman noon kay Aaliyah, Wala sa isip ko na magkakagusto ako sa kanya, Dahil ang turing ko lang sa kanya noon ay kapatid.Pero naging mapag-laro ang tadhana, Pinag-kasundo kami ng mga magulang namin,Sa una hindi ko talaga tanggap dahil may mahal akong iba. Pero kalaunan habang nakikita ko ang ginagawa niya para sakin, ang pag-aasikaso niya kahit lagi ko siyang sinisigawan noon. ay nag-iba. Unti unti kong naaapreciate lahat ng ginawa niya, Hindi ko nga lang pinapahalata, Lagi kong pinapakita sa kanya na galit ako.Hindi ko alam na sobra kona pala talaga siyang nasasaktan dahil mahal niya pala ako, Doble o triple ang naging sakit sa kanya ng mga ginawa
His Secret Child (Tagalog) Chapter Sixty Two
Dahil sa ginawa ni aaliyah na pag patong ng kamay sa dibdib ni travis, inangat niya ang isang kamay at hinawak sa kamay ni aaliyah na nasa dibdib niya. "Magpahinga na tayo baby.." "Hmmm." Mahimbing na nakatulog ang mag-asawa na magkatabi. **** Lumipas ang mga araw na todo pa rin sa pag-aalaga sa asawa si travis, Hindi na muna ito napasok sa trabaho at pinapaasikaso nalang niya lahat ng gagawin sa secretary niya, Hindi na rin ito umuuwi, Nagpadala nalang ito ng damit sa mga magulang nila. Ayaw nitong iwan ang asawa, N
His Secret Child (Tagalog) Chapter Sixty One
"At mukhang sa sinabi mo trish, planado rin ang kaguluhan sa event." Seryosong sabi ni jacob, Napakunot noo naman ito, "Gulo? nagkagulo sa event?" tumango ito bago umayos ng tayo at namulsa. "Yes. Matapos ang speech nila travis, nag patuloy ang show, nang nasa kalagitnaan na may biglang sumigaw na may bomba daw. Nag-kagulo ang lahat, Buti nalang malapit lang ako kela trishana kaya agad ko silang naalalayan at nailabas. pero bago yon nakarinig ako ng putok ng baril, Binilin ko sa driver niyo na ihatid sa mansion ang mga magulang niyo at si trishana, Tapos hinanap kona nga kayo, At doon ko nakita si travis na hawak hawak si Aaliyah, At sa mga sinabi mo trish, napag tugma tugma ko lahat, Sinadya ang nangyare, Ginulo ang show para hindi makapag focus sainyo ang tao, para hindi mahalata ang ginawa ni mayell, At y
His Secret Child (Tagalog) Chapter Sixty
Makalipas ang isang oras.. Muling lumabas ang doctor. Nagtayuan ulit sila at lumapit dito. "Ok na po, stable na ang pasyente. Ililipat nalang po siya sa room niya, Pati po ang donor, kailangan ng pahinga dahil maraming dugo ang nakuha sa kanya." nakahinga ng maluwag ang lahat "Thanks god." "Thank you doc." Tumango lang ito sa kanila bago bumalik sa loob. Inasikaso na ni tra
His Secret Child (Tagalog) Chapter Fithteen
Tahimik na kumakain ng almusal sila eunice, Kanina pa hindi maganda ang pakiramdam nito, Pinilit lang nitong tumayo para makapag-handa ng almusal p
His Secret Child (Tagalog) Chapter Fourteen
Patungo ang mag-asawa kay trish na ngayon ay may kausap na lalaki. Nakatalikod ang lalaking kausap nito.
His Secret Child (Tagalog) Chapter Thirteen
Magsasalita sana siya kaso naunahan siya ni travis.
His Secret Child (Tagalog) Chapter Twelve
Kinabukasan
