loading
Home/ All /Heartless (Gangster Series #2)/Chapter 2

Chapter 2

Author: VioletNube
"publish date: " 2020-08-31 11:41:59

Chapter 2

Love

"Aella, yung crush mo oh!"Mabilis ang mga mata kong nag tungo sa pintoan ng canteen dahil sa turo ni Shane na kaibigan ko.

Natigil ako sa pag inom sa Milk tea na hawak ko kanina pa dahil nakay crush na ngayon ang buong atensyon ko.

"Nasaan kaya si Chase, bat hindi nila kasama?"

Hindi ko nilingon si Shane dahil gusto kong titigan lang si Keane na nakaupo na ngayon, malayo sa amin. Nasa apat na table ang layo namin.

Kailan ba niya ako mapapansin?

"Aella, may girlfriend na ata yung crush mo."Rinig kong medyo mahinang boses ni Shane. Hindi ko siya nilingon kaya niyogyug niya ang balikat ko.

"Ano ba, Shane!"Pagalit kong sabi. Natatawa lang siya dahil sa reaksyon ko. Itong babaeng to talaga!

Inirapan ko siya at uminom nalang sa milk tea ko. Tama nga siya may girlfriend si Keane at katabi niya ngayon.

Sanay na naman ako na may girlfriend siya, palagi naman. Matagal ko na siyang crush. Ewan, hindi ko alam kong crush o simpling pag hanga pa ba itong nararamdaman ko para sa kanya kasi tuwing may makikita akong babae na katabi niya lang o hinahawakan niya ang waist ng babae ay nasasaktan ako.

Yung feeling na parang sinasaksak yung puso ko ng paulit-ulit. Hindi na ata to normal.

"Aella, nakikinig ka ba?"Nakita ko ang kamay ni Shane na iwinagayway sa harapan ng mukha ko.

Tumalim ang mga mata kong nakatingin sa kanya, panira talaga kahit kailan!

"Ano na naman ba kasi?"Naiinis kong sabi. Naiinis ako dahil sa nakikita ko ngayon mas naiinis pa ako kay Shane ngayon. Gusto ko ng pumatay talaga.

Ngumuso siya sa harapan ko."Sali ka daw sa singing contest next week sabi ni Ma'am."

Kumunot noo ako. Hindi ako nag salita kaya umasim ang mukha niya at tinapik ako sa balikat.

Mapanakit talaga siya, dati pa yan. Mag best friend kami simula pa bata kasi mag best friend yung mommy niya at mommy ko kaya mag best friend narin kami.

Hindi talaga maiiwasan ang pananakit niya kaya minsan pag tumatawa siya ay dumidistansya na ako sa kanya kasi baka higit pa sa sapak ang makuha ko galing sa kanya.

"Sali ka daw, representative ka sa section natin."

Bakit ako? Nandyan naman si Bianca, si Miguel at si Angelina bakit ako? Nakakahiya e. Baka manood si crush. Baka hindi ako makapag concentrate.

"Si Bianca nalang kung hindi si Angelina o si Miguel. Pass mo na ako ngayon."Walang gana akong tumingin kay Shane na namimilit ang mga mata."Alam mo Shane sa sobrang galing kong kumanta baka ako na naman ang manalo, wala ng space ang aparador ko para lagyan pa ng award."Biro ko kaya sinamaan niya ako ng tingin.

"Nag a-adik kana siguro, Aella! Walang hiya to, sumali ka! Dapat go lang, wag ka ngang kj. Sali ka! Sabihan ko si ma'am na sasali ka."Mabilis na kinuha niya ang phone niya at tinext si ma'am. Wala na akong magagawa.

Kailangan ko din kasing mag pabango sa adviser namin kasi nakagawa ako ng kunting kasalanan. Kunti lang naman. Nag ce-cellphone kasi ako habang nag ka-klase siya. May ka text ako e, di panaman ako snob na tao.

Tumingin ako sa direksyon nila Keane. Nakita ko ang mga mata niyang mapang akit kahit kailan. The way he smirk. Shit! Makalag-lag panty talaga.

"Hay nako, Aella kahit kailan hindi ka niyan titignan."

Lumipat ang tingin ko kay Shane na kumakain na ng pizza. Nilalaruan ko ang straw sa labi ko habang nakatingin sa phone ko na nasa mesa.

"Kailan kaya..."

Day dreaming again.

Hindi naman masamang mangarap kahit minsan. Nakita kong tumayo na sila Keane at lumabas sa canteen. His been my crush for almost 5 years now pero parin ako napapansin. Hindi kasi ako vocal pag dating sa crush-crush na yan pati din si Shane tahimik lang pero si Crystal? God! Ang bunga-nga nun, parang ass ng manok.

Ang vocal non kasi, minsan na nga niyang sinigawan si Keane sa parking lot.

"Keane, crush ka ng kaibigan ko, ito oh"Sabay turo niya sa akin. Nakakahiya na. "Si Aella Monteverde, mahal ka na niya! Isang hi naman dyan!"

Umaarte akong walang alam sa nangyayari pero sa loob-loob ko nag wawala na ang mga paro-paro.

Ngumisi siya sa akin at pumasok na sa kanyang sasakyan. Nginisihan niya ako? He smiled at me. Ang saya saya ko na non.

Kinuha ko ang phone ko sa mesa at tinignan ang nag message. Tumingin ako kay Shane na nakatingin din sa phone niya. Nagkatinginan kami at sabay na ngumisi.

"Walang pasok!"Masayang sabi ni bago ako hinila palabas ng canteen."Shopping!"

"Wala akong pera!"Pumipiglas ako sa hawak niya pero mapilit siya.

"Ano kaba, akin to. Chill."Itinulak na niya ako sa sasakyan niyang SUV.

"Palagi mo nalang akong nililibre. Nakakahiya na."

Pinalo na naman niya ang balikat ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Mapanakit!

"Wag kang mag alala, pag naging singer kana ako na naman ang ililibre mo."

Sumimangot ako."Singer ka dyan, di nga ako pinapayagan ni mommy na sumasali sa singing contest maging singer pa kaya?"

Narinig ko ang buntong hininga niya."Diba pangarap mong maging singer? Hindi naman kay tita yan para sa sarili mo yan, gawin mo ang gusto kasi baka mag sisi ka pag hindi mo ginawa."Hindi siya nakatingin sa akin. Nakatingin siya sa phone niya. May ka chat na naman atang lalaki.

Pinag cross ko ang mga braso ko at tumingin nalang sa harapan ng sasakyan. "Hindi ko malalabag ang gusto ni mommy sa akin, Shane."

"Bahala ka..."Makahulugan niyang sabi. Hindi ko nalang pinansin.

Nakarating kami sa SM mall at agad kaming dumiretso sa make up section. Hindi naman ako mahilig sa make up, itong kasama ko lang ang meron.

Pulbo at tint lang, okay na ako.

"Ano bang magandang shades ng lipstick? Itong plum or strawberry?"Pinakita niya sa akin ang hawak niyang lipstick na parang bumbila ng ilaw ang disenyo.

"Yang strawberry kasi bagay sayo."

Tumango-tango siya. Bagay sa kanya dahil maputi siya. Manipis ang kanyang labi.

"Sayo tong plum..."Bago pa ako makasagot sa kanya na hindi ko naman kailangan ng lipstick na ganun ay nasa counter na siya nag babayad.

Umupo nalang ako sa sofa para hintayin siya sa pag babayad. May isa pa kasing ang daming pinamili kaya natagalan si Shane.

"Babe, do you love this color? It's pretty, right?"Hindi ko sinasadyang marinig ang usapan sa likuran ko. Ang sweet ng boses ng babae.

Tumingin ako sa salamin na nasa harapan ko para tignan ang tao na nasa likuran ko at nakita ko ang lalaking pinapangarap ko at ang...girlfriend.

"The red one, it suits to you."Malamig ang boses niya. Nakita ko ang pag tingin-tingin niya sa paligid. Sila lang dalawa ng babae ang mag kasama at dito pa talaga sa make up section.

"I'll buy this."Humalik siya kay Keane bago umalis. I pursed my lips ang look down.

"Hoy, sine na tayo."Kinalabit ako ni Shane.

Pagod akong tumango at tumayo na. Hinawakan niya ang braso ko bago kami nag lakad papunta sa sinehan.

"What's wrong with you?"

Nag buntong hininga ako. Straight lang ang paningin ko. "Nakita ko si Keane at yung girlfriend niya at..."Hindi ko tinapos.

Hindi ko nakita ang reaksyon ni Shane dahil nasa daan ang tingin ko.

"Tapos?"

Tumingin ako sa kanya at sumimangot. "Hinalikan siya nung girlfriend niyang malandi."

Kinalas niya ang hawak sa akin at mabilis akong pinalo sa likuran.

"Aray! Ano ba, Shane ang sakit ah!"

"Alam mo, Ae mag move on kana kasi. Hanap kana bagong crush. Wag na yang Gangster na yan!"

"Move on kahit hindi naging kami? Nice!"Biro ko sa matabang na salita.

"Tanga!"

"Sinong tanga!?"Mabilisang tanong ko.

"Ikaw, sino pa ba? Tayo lang naman nandito. Duh."

Mas lalong tumalim ang tingin ko sa kanya. Grabi na siya ah. Inirapan ko nalang siya at naglakad kami uli.

Mabilis kaming nakarating dito sa sinehan. Pumili kami ng Action-Romance na movie dahil na kaka-attract talaga ang mga lalaki doon.

Yung tipong e sa-save nila ang minamahal nila. Makikipag barilan, suntukan sa mga kalaban para lang maligtas ang mga mahal nila sa buhay.

Nakaka-kilig.

Mabilis na natapos ang movie. Hinatid ako ni Shane sa bahay, may pinamili pa siyang akala ko sa kanya yun naman pala para sa akin.

Mga damit at pag kain. Hindi naman kami nag hihirap. Trinatrato akong mahirap ng babaeng yun.

Thankful nadin naman ako na nag karoon ako ng kaibigan na katulad ni Shane. Sobrang bait ngalang mapanakit.

"Oh, saan ka na naman galing?! Bakit ang tagal mong nakauwi?!"Sigaw ni papa ang naabutan ko na naman.

Palagi nalang talaga. Wala ng bago. Sanay na ako sa sigawan dito sa bahay. Sanay na rin akong palaging sigaw ang sundo sa akin dito pag kauwi ko.

"Mag hugas ka ng mga plato doon! Puro gala lang ang nasa isip mo! Mag linis ka!"

"Opo."

Dinala ko ang pinamili ni Shane sa kwarto ko at mabilis na umalis para mag hugas ng plato at mag linis.

Napatingin ako sa mesa na wala na namang tinira para sa akin. Okay lang naman.

Natapos ako sa lahat at nakita ko si papa na naninigarilyo at nanonood ng TV.

"Pa? San po si mommy?"Mahina ang boses ko sa kanya dahil natatakot akong saktan na naman niya ako.

"Nasa kwarto natutulog."Simpling sagot niya.

"Pa? Wala na po bang pag kain?"

Tumingin siya sa akin. Nag iba ang mga mata niya. Nagagalit na naman siya.

"Ano sa tingin mo? Kasalanan ko bang wala ka ng pag kain dyan? Kasalanan mo yan puro gala lang nasa isip mo!"

Pumikit nalang ako at hindi siya sinagot. Pumunta ako sa kwarto at kinuha ang mga pinamili ni Shane kanina na para sa akin.

May mga junk foods at donuts. Ito nalang siguro ang kakainin ko. I don't have a choice.

Mag tiis ka!

Anak kalang sa labas!

Anak ako sa labas ni mommy. May pamilya na kasi siya yung tinatawag kong papa at may dalawang anak sila.

May half brother ako sa totoong papa ko pero hindi ko naman kilala. Gusto kong malaman kong sino ang totoong papa ko pero ayaw niyang sabihin, iniisnaban niya lang ako.

Kinuha ko ang phone ko at nakita ang message ni Crystal at Shane sa GC namin.

Shane Lim: Kainin mo yan! Ae.

Crystal Felix: Wag papagutom, Ae! Sorry, wala ako kanina. Alam nyu na...

Napangiti ako sa dalawang ito. Alam nila ang sitwasyon ko. Kaya laking pasasalamat ko na nakilala ko ang dalawang to.

Me: Thank you for taking good care of me. I love you both so much.

Ang swerte ko sa kanila.

Want to know what happens next?
Continue Reading
Previous Chapter
Next Chapter

Share the book to

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Latest chapter

Heartless (Gangster Series #2)   Chapter 47

Ilang segundo ko siyang tinignan ng walang imosyon bago ngumiti at humuwak sa kamay niya."No, I'm not mad."Kumunot ang noo niya. "You are mad at me. I'm sorry. "

Heartless (Gangster Series #2)   Chapter 46

Mabilis nag daan ang mga araw. Award show na mamayang 7 at 4 naman ang red carpet. Nag hintay ako na ayain ako ni Keane na makapartner sa red carpet pero walang dumating kaya wala.Nag prepare na ang mga ka team ko sa gown at sa buhok ko na iniklian, hanggang balikat nalang ito at kulay light brown pa. Kahapun hindi kami nag Kita ni Keane at ngayon Ewan ko kung makikita ko siya.

Heartless (Gangster Series #2)   Chapter 45

The audience shouted. At sumabog narin ang social media sa Dami at sunod-sunod na mga comments.Tahimik lang akong nakikinig sa mga audience na nag sisigaw dahil sa kilig. The two host also scream as soon as I answered."Oh my God, Kailan pa?"

Heartless (Gangster Series #2)   Chapter 44

Miss Kleo's smile wide. And the audience went wild. Hindi pa nga nila alam kong sino, paano kong 10 years old palang si Kyzo. Mabuti at matanda ng tatlong taon sa akin yun."What's his name?"The audience asked."He doesn't like being famous or being known sadly, I will keep his name for myself."

Heartless (Gangster Series #2)   Chapter 43

May mga audience sa harapan, nakikita ko din ang iilang mga banner na may mukha ko.Todo sigaw sila kanina pero ngayong tumugtog na ang kakantahin ko ay natahimik naman sila.I fell by the wayside like everyone else

Heartless (Gangster Series #2)   Chapter 42 (0.2)

I woke up at 3 Am in the morning because Villa called me so early. Now, it's 4:30 Am. Tapos na akong maligo at mag bihis ng komportabling damit.White jeans and camouflage turtle neck long sleeves and a pair of boots."This early really?"Kunot noo kong sabi ng makita si Villa sa labas ng bahay.

Heartless (Gangster Series #2)   Chapter 42

Nagulantang ako sa pag hawak ni keane sa kamay ko na masa paa ko nak

Heartless (Gangster Series #2)   Chapter 41

"Aella, are you together?"Kyzo asked. Napahint

Heartless (Gangster Series #2)   Chapter 40

Naririnig ko ang boses ni daddy sa kabilang linya. M

Heartless (Gangster Series #2)   Chapter 39

"Why? Why should I tell you?"Naguguluhan kong tanong

More Chapters
Download the Book
GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy