loading
Home/ All /Fulfilled Duties (Tagalog)/Chapter 2

Chapter 2

Author: disguisedname
"publish date: " 2020-08-11 23:29:45

BYEONGYUN’S POV

“Zero, oneul sigangwa nalssi,” Zero, today’s time and weather, nakapikit kong utos kay Zero.

“The time is 6:32 am. Humidity is 96%, 4% rain probability, precipitation is 0.01016 mm, wind chill is 26, dew point is 25, 6% cloud cover, and UV index is 0.”

“Kamsahamnida.” Thank you.

Dahan-dahan ay tumayo na ako mula sa pagkakahiga ko. Nilapitan ko na rin ang floor-to-ceiling na pinto at nagsisilbi na ring bintana sa aking kuwarto saka hinawi ang kurtinang nakaharang dito.

“Nalsi johjyo?” Nice weather, isn’t it? sabi ko sa oras na tumama ang sinag ng araw sa aking mukha.

“Ye, majjayo,” Yes, that’s right, tugon ni Zero.

Voice command ang bahay ko. At iyong kinakausap ko kanina ay si Zero, pangalang ibinigay ko sa kaniya.

Matapos kong pagmasdan ang labas ay hindi na ako nag-abala pang magsuot ng kahit na anong damit nang maisipan kong lumabas na mula sa aking kuwarto. Bukod sa ako lang naman ang tao rito ay puro lang naman mga babaeng robot ang kasama ko.

Nang marating ko ang kusina ay agad akong kumuha ng maiinom mula sa refrigerator.

“Byeongyuna! Byeongyuna!”

Mula sa aking likuran ay narinig ko ang isa pang boses ng babaeng robot, si Uno.

Uno is a humanoid, four feet and six inches tall, and weighed 70 pounds. Kumbaga sa tao, ang taas niya’y para lamang sampung taong gulang na batang babae pero matured at advanced si Uno. She could walk with or without voice command, could speak about thousands of words, and could move her head and arms. Uno’s body consisted of steel gear, a camera and monitor, and motor skeleton covered by aluminum skin. Kulay pink siya ngayon.

“Byeongyuna! Byeongyuna!” muli niyang pagtawag sa akin. 

Pagharap ko sa kaniya’y bitbit niya ang isang stripes na shorts dahilan para bahagya akong matawa.

“Uno-ssi? Mwohaneun geoya?” Miss Uno? What are you doing? natatawa kong tanong sa kaniya.

“Could you please wear your shorts, Byeongyuna? I hate seeing you walking around naked. Your thing is swaying.”

“M-mwo?” W-what? Mas lalo akong natawa. “My thing? My thing is swaying—ah. This?” sambit ko sabay turo sa aking alaga.

“I hate you! I hate you!” paulit-ulit niyang sabi saka nagpaikot-ikot sa kaniyang kinatatayuan. Bigla ring nagkulay pula ang kaniyang mga ilaw, senyales na naiinis siya.

“Alright. Give me my shorts, Uno. I’ll wear it.”

Doon ay lumapit siya sa akin saka niya iniabot ang shorts na kaniyang hawak-hawak.

“Your thing is swaying. Your thing is swaying. So disgusting! So disgusting!” aniya pa bago tuluyang bumalik sa sala.

Napailing ako’t muling natawa dahil daig ko pa ang may kasamang totoong babae. Ipinagpatuloy ko na rin ang pag-inom noong tubig saka muling bumalik sa aking kuwarto upang maghanda na sa pagpasok.

Isang oras pa bago ang unang klase sa umaga ay nakarating na ako sa school. Akala ko ay mapayapa akong makapaglalakad sa loob ng campus ngunit mali ako.

“Oppa!”

“Hi, oppa!”

“Ang gwapo mo naman.”

“Oppa, date me!”

“Hello, cute.”

“Can you be my boyfriend, oppa?”

Hindi ko pa rin lubos na maunawaan kung bakit ang daming gustong madikitan ako. Hindi naman ako Kpop member, hindi rin ako actor o model pero sa tuwing nasa school ako, nagiging instant celebrity ako.

Minadali kong isinuot iyong black face mask at iyong hood ng suot kong jacket saka nagmadali sa paglakad sa hallway.

Bakit ba kasi ang daming high school student na nakakalat sa college department?

“Si Byeongyun ba ‘yon?”

Tumakbo na ako nang makita kong lalapitan na ako ng iba pang grupo ng mga babaeng sa tantiya ko’y mga senior high school.

Yeah, I know I’m cute, but it irritates me everytime they want to squeeze me on the school hallways!

“Oh hey—aish!”

“Aray ko naman! Masakit sa pwet ha? Hindi mo ba ako nakikita?”

Inalis ko ang suot kong face mask at tiningnan kung sino iyong nabangga ko habang tumatakbo ako. Napangisi ako nang makita ko kung sino.

“Yeah, I didn’t see you. Ang liit mo kasi, midget.”

Pagtingala niya sa akin ay saka niya ako tinaasan ng kilay. Sabi niya, “Goliath? Anong itsura iyan? Mukha kang kidnapper! Saka teka nga, ako na lang ba lagi ang kailangang mag-adjust? Lakihan mo kaya iyang mga mata mong singkit!”

“I have no time to explain right now. Come on! Get up!” sambit ko nang mapansin kong hindi pa rin tumitigil sa paghabol sa akin iyong mga estudyante kanina.

“Saglit nga! Ang sakit kaya sa puwet!” reklamo pa niya na dahan-dahan pa sa kaniyang pagtayo. Nang mapansin kong malapit na iyong mga kababaihan ay tinulungan ko na si Deborah sa kaniyang pagtayo.

“Ppalli kaja!” Let’s go fast! sabi ko saka ko siya hinila upang tumakbo.

“H-hoy, sandali!” aniya saka ako pinisil sa aking kamay dahilan para matigil ang aming pagtakbo. “Ano bang problema mo? Bakit tayo tumatakbo? Bakit kailangang tumakbo?”

“I’ll explain later.”

“Oppa! Wait!”

“Anong later? Byeongyun ano—”

“Aish!” Tsk! Muli kong hinila si Deborah saka muling tumakbo.

Hindi ko alam kung sino o ano ang dapat kong sisihin. Should I blame my face instead?

“Teka, hinahabol ka nila? Walanghiya nga naman! Iba ka rin talaga—ahh!” Napasigaw na lamang siya nang dagdagan ko ang bilis ng aking pagtakbo.

Makaraan ang ilang minuto ay nagtago kami sa isang room nang pumihit kami pakaliwa matapos naming baybayin ang mahabang pasilyo.

“Bitawan mo na ako. Hindi na nila tayo mahahabol,” hinihingal at naiinis niyang sabi sa akin nang maisara ko na ang pinto. Agad ko naman siyang binitawan saka rin naghabol sa aking paghinga.

“Mian,” Sorry, sambit ko saka ko inalis ang suot kong jacket at mask.

Matapos niya akong irapan ay kaniyang sinabi, “Ano bang ginagawa mo, ha? Anong meron?” Namaywang pa siya’t tinaasan ako ng kilay.

“Hiding,” mabilis kong sagot.

“Hiding? Bakit? Dahil hinahabol ka ng mga fans mo?”

“They’re not my fans.”

“So anong tawag mo ro’n?” tanong niya habang inaayos ang kaniyang buhok. Dagdag pa niya, “Eh kasalanan mo rin naman kasi e. Kung hindi ka siguro ipinanganak na g—”

“Guwapo?”

Agad namang tumikwas ang kaniyang nguso dahil sa aking tanong. “N-nevermind,” sagot niya saka siya tumalikod. “Nasaan na iyon?”

Nang makita ko sa lapag ang kaniyang hinahanap na panali sa kaniyang buhok ay agad ko iyong kinuha.

“Found it,” sabi ko dahilan para bahagya niya akong lingunin. “Let me tie your hair. Ang ikli ng mga braso mo,” sabi ko saka pumuwesto sa kaniyang likuran.

“Talagang kailangang may panlalait?”

“Hindi kita nilalait,” pagtanggi ko saka hinawakan ang kaniyang buhok. “I’m describing you.”

“Siraulo—aray ko!”

“Huwag kang sumigaw! Baka may makarinig sa atin!”

“Ayusin mo kasi. Dahan-dahanin mo! Masakit kaya!”

“Just don’t move. Ito na, inaayos ko na nga. Saka hinaan mo iyang boses mo.”

Nang maitali ko ang kaniyang buhok ay saktong pagbukas naman ng pinto.

“Bro, anong ginagawa ninyo dito?” natatawang tanong ni Einon at Watt nang maabutan nila kami sa loob. Kapwa sila mga kaklase rin namin.

“Bakit kasama mo rito si Deborah?” tanong pa ni Watt.

“Akala ko CR ‘to. Mukhang naging motel na,” pangngisi naman ni Einon.

Agad na nanlaki ang mga mata ni Deborah nang mapansin niya ang aming paligid.

“T-teka, nasaan—ano ‘to? CR ng mga lalaki?” bulalas niya saka niya ako tiningnan nang masama. “Siraulo ka talaga, Goliath!”

“Sabagay. Sa ganda ba naman ng CR dito ay mukhang hindi CR,” sambit pa ni Einon saka iginala ang kaniyang paningin.

“Siraulo—aray ko!” biglang panggagaya ni Watt kay Deborah na agad namang sinakyan ni Einon.

“Huwag kang sumigaw! Baka may makarinig sa atin!” sambit ni Einon na ginagaya ang sinabi ko kanina.

“Ayusin mo kasi. Dahan-dahanin mo! Masakit kaya!”

“Just don’t move. Ito na, inaayos ko na nga. Saka hinaan mo iyang boses mo.”

Pinigilan ko ang aking sariling huwag matawa dahil sa ginagawa noong dalawa at sa itsura ngayon ni Deborah.

“Alam ninyo bang rinig na rinig kayong dalawa kanina sa labas?” natatawang pahabol ni Einon.

“Goliath!” sigaw ni Deborah. Mukha na siyang kamatis ngayon. Maliit at kulay pula.

“It’s Byeongyun,” nakangiti kong sabi.

“Naiihi na ako. Hindi pa ba kayo tapos?” usal ni Watt saka tumingin sa aming dalawa ni Deborah.

“Bwiset!” muling sigaw ni Deborah saka dali-daling tinungo ang pinto.

“Where are you going? Ayaw mo bang makakita ng lumilipad na ibon, Deborah?” pahabol na pang-aasar ko pa sa kaniya dahilan para linungin niya ako.

“Anong ibon? Maya? Iyong maliit at kulay brown?”

Wala na akong ibang narinig maliban sa malakas na tawanan nila Einon at Watt. Nakita ko rin ang pagngisi ng maliit na babaeng iyon bago siya tuluyang lumabas ng pinto.

“Bro, maliit daw iyan at kulay brown? King ina!”

“Iba rin ang tabas ng dila ni Deborah, pre. Malakas!”

Sinamaan ko na lamang sila ng tingin ngunit pagpihit ko patalikod ay pasimple rin akong napangiti.

Maliit? Tingnan na lang natin sa banda riyan kung alin ang mas maliit Deborah. Ang height mo o itong alaga ko. 

Want to know what happens next?
Continue Reading
Previous Chapter
Next Chapter

Share the book to

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Latest chapter

Fulfilled Duties (Tagalog)   Chapter 38

DEBORAH’S POVHalos mabiyak na ang aking ulo sa kaiisip kung ano’ng nangyayari. Ang gulo. Hindi ko alam kung bakit may nagte-text sa amin na may nagnakaw ng draft ko sa essay gayong nakita rin ito sa mga gamit ko. Ang dami kong tanong ngunit parang ang hirap hanapan ng sagot.“Sino ba kasi iyan? Totoo pa ba iyan o ginugulo na lang tayo?” reklamo ni Watt makaraang malaman nila na may nagpadala rin ng text message sa akin.Nakita ko kung paano gumalaw ang panga ni Byeongyun. Kita sa hitsura niya na napipikon na siya.“Hindi ko talaga alam na narito ang mga papel na pinagsulatan ko. Wala na akong matandaan,” sabi ko saka sinimulang ayusin ang aking mga gamit na nakakalat sa lapag. Agad naman akong tinulungan ni Einon.“Kahit ako ay naguguluhan na rin,” sambit pa ni Einon saka niya iniabot sa akin ang aking bag.“Ayaw ko na talaga ng gulo. Hangga’t maaari, sana huwag na

Fulfilled Duties (Tagalog)   Chapter 37

BYEONGYUN’S POVIlang minuto na naming pinag-iisipan kung kanino maaaring nanggaling ang text ngunit ni isa sa amin ay walang ideya.“Hindi ko alam kung sino iyan pero sa tingin ko, nasa loob lang ng classroom na ito ang nakakita sa nagnakaw ng piece mo,” sambit ko.Panay ang buntong-hininga ni Deborah habang nakatingin sa aking telepono. Hindi ko alam kung ano’ng iniisip niya.“Deborah?” tawag ko sa kaniya.Tumunghay siya ngunit hindi pa rin siya nagsalita matapos niyang makita ang text. “Hey, speak up,” untag ko pa sa kaniya pero nabaling lang ang aking atensyon nang magsalita sa aking likuran si Watt.“Sino naman kaya talaga ang nagnakaw ng draft mo?” tanong niya kay Deborah ngunit isang kibit-balikat ang isinagot nito rito.“Iisa lang naman ang puwedeng gumawa niyan.”Agad kaming napalingon kay Einon na naglakad palapit sa

Fulfilled Duties (Tagalog)   Chapter 36

DEBORAH’S POVPara akong nabunutan ng tinik kaya habang naglalakad ako patungo sa room habang nasa tabi ko si Byeongyun ay hindi ko mapigilang hindi mapangiti.Maayos na sila ni Bavi. Maayos na rin kaming dalawa. Magiging maayos na rin kaya ang takbo ng buhay ko sa paaralang ito?“Bakit mo na naman ako iniisip?”Agad akong napalingon sa katabi kong kapre at halos mapunit na rin ang kaniyang labi sa lapad ng kaniyang ngisi.“Ano’ng sinasabi mo?”“I don’t need to ask kung sino ba ang crush mo kasi for sure, ako iyon. Saka ang mga ganiyang ngiti? Ngiti ng mga iniisip ang kanilang crush. In short, ako ang crush mo, ako ang iniisip mo kaya ganiyan ang ngiti mo.”Napasinghap ako sa kakapalan ng kaniyang mukha.“Hoy!” bulyaw ko sabay duro pa sa kaniya. “Kailan ka pa nagsimulang kumorni nang kumorni, ha? Ang kapal ng mukha mo. Nakangiti ako kasi ok

Fulfilled Duties (Tagalog)   Chapter 35

DEBORAH’S POV “The Korean guy... Byeongyun,” usal ni Bavi. “Okay, look, Byeongyun. It’s... it’s not what you think.” Sa pagitan ng mga hikbi ko’y muli kong tinawag ang pangalan ni Byeongyun. “Byeongyun...” Nang mapalingon siya sa paligid ay mas lalong kumunot ang noo niya. Doon niya lang rin siguro napansin kung ano’ng hitsura ko ngayon. Tumakbo na siya palapit sa akin saka niya hinawakan ang magkabilang balikat ko. “Bakit... bakit ka umiiyak? Bakit ang dumi mo? Ano’ng nangyari? Ha? Answer me, Deborah!” untag niya sa akin ngunit hindi ko nagawang sabihin kung bakit. Dahil doon ay nilingon niya si Bavi. Agad kong hinawakan ang mga braso niya nang maramdaman kong tensyonado na siya ngunit hindi iyon tumalab. “You!

Fulfilled Duties (Tagalog)   Chapter 34

DEBORAH’S POVHabang nakaharap ako sa salamin at inaayos ang aking kurbata ay bigla kong naisip ang maaari na namang mangyari sa akin sa school.“Anak, may nakuhang sideline ang papa ngayon. Sabi niya, malaki naman ang bayad kaya ibibigay ko na muna itong isandaang piso sa iyo. Pasensya ka na, wala pa talaga tayo ngayon,” sabi ni Mama na nakasilip sa aking kuwarto.Inabot ko iyon mula sa kaniya saka nagpasalamat.Dagdag pa niya, “Noong nagpaalam ka sa akin na pupunta ka sa bahay ni Byeongyun, pumayag ako para makapag-usap na rin kayo. Ilang araw kitang napansin na matamlay at narinig din kitang bumubulong na hindi pumapasok si Byeongyun dahil nag-away kayo sa school. Alam ko, may pinagsamahan na kayong dalawa kaya naiintindihan ko kung nagalit ka sa papa mo tungkol sa... sa pera. Masaya ako na maayos na kayo ni Byeongyun ngayon at hindi na rin masama ang loob mo sa papa mo.”“Mama, magsisikap ako

Fulfilled Duties (Tagalog)   Chapter 33

BYEONGYUN’S POV“May isa pa pala akong dapat sabihin, Byeongyun. About Bavi,” aniya.“Bavi?”“The guy you saw in the library with me.”Napakamot ako sa ilong nang wala sa oras bago ako tumango.“So? What is it? Boyfriend mo na?” seryoso kong tanong.Nang umiling siya’y nakahinga ako nang maluwag.Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit dapat pa naming pag-usapan ang lalaking iyon. Wala naman talaga dapat akong pakialam ngayong alam kong hindi naman niya iyon boyfriend.“Hindi ko siya boyfriend. Kaibigan ko si Bavi. Remember noong pumunta tayo sa restaurant ng ate mo? He’s the guy we saw na sinabi kong guwapo. Iyong kamukha ni Bright—”I interrupted her the moment I realized na kailangan pa pala talaga namin siyang pag-usapan.How c

Fulfilled Duties (Tagalog)   Chapter 32

DEBORAH’S POV“I was jealous, midget.”Hindi ko alam kung ano ang dapat kong i-react pagkatapos kong marinig iyon.Seryoso ba ito o panaginip?“Nagseselos ka? Paano? Bakit?” nauutal kong tanong sa kaniya.P

Fulfilled Duties (Tagalog)   Chapter 31

DEBORAH’S POV“Coffee?”Napalingon ako kay Byeongyun na nakatayo ngayon sa aking harapan habang dala ang dalawang kapeng kaniyang tinimpla.Iniaabot niya sa akin iyong isa.“Salamat,” tugon ko sabay abot niyon mula sa kaniya. Mul

Fulfilled Duties (Tagalog)   Chapter 30

BYEONGYUN’S POV“Alam mo, naniniwala na ako. Naniniwala na ako na... na ikaw na ang makakasama, makikita, at makakausap ko araw-araw Byeongyun. Ikaw...”Halos malagutan ako ng hininga dahil sa narinig ko. Pinilit kong huwag gumalaw sa puwesto ko kahit ngalay na a

Fulfilled Duties (Tagalog)   Chapter 29

DEBORAH’S POVAbot-abot ang kabog ng aking dibdib dahil sa pagkaladkad ni Byeongyun sa akin.“Byeongyun, sandali! Kanina pa tayong nag-uusap! Saan mo ba ako dadalhin? Hoy!”Pilit kong inaalis ang pagkakahawak niya sa braso ko ngunit mas malakas siya kumpara

More Chapters
Download the Book
GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy