GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest
Home / All / Favorite Notification
Last Updated : 2020-10-05
Favorite Notification

Favorite Notification

Filipino
·
18+
·
Ongoing
By:  YourMissPatatas

22

Chapters
10
Ratings

187

Views
Synopsis
Si Clover ay isang babae na hindi nalalayo ang estado ng buhay sa iba. Gaya ng mga kabataan ngayon ay nahilig din ito sa social media, partikular sa Facebook site. Kabilang din ito sa mga taong naging sikat sa social media dahil halos araw-araw ay humahakot ito ng daang-daang likes. Marami na rin ang sumubok na ligawan siya sa kanyang Facebook account, ngunit palagi niya itong nire-reject. Para sa kanya ang mga lalaking nakilala lang dito ay hindi pwedeng seryosohin, puro landi-landi lang.Pero tila parang nag-iba ang ihip ng hangin at timpla ng kape ng makilala niya si Percy na parang may extended brain orb sa ulo, in short, abnormal, at palaging nanggugulo.Habang tumatagal ang communication nilang dalawa, ang akalang landi lang ay tila ba nag-iba.Is it possible to fall in love in social media?Kung sakali man, may kasiguraduhan kayang magtatagal ang relasyong binuo nila?
Share the book to

Chapter 1

Chapter 1

Ikadalawang linggo ng bakasyon, nakangiting bumangon si Clover sa kama niya at nag-inat. Handang-handa na siyang harapin ang panibagong araw na binigay sa kaniya ng Panginoon. 

"Good morning, God!" masiglang bati niya habang nakatingin sa itaas. 

Nakasanayan niya ng batiin ang Panginoon tuwing imumulat niya ang kaniyang mga mata. Everytime she wakes up in the morning, hindi nawawala ang kaniyang ngiti sa labi. Dabil binigyan pa siya ng biyaya upang magising muli, at pagkakataong mag-enjoy sa buhay. 

Napatingin siya sa kaniyang kanan, makikita roon ang study table niya kung saan nakalagay ang kaniyang cellphone. Mabilis na kinuha niya ito at nag-open ng Facebook. Hindi niya na muna pinansin ang mga notifications at messages dahil magpo-post pa siya.

"Good morning, Sunshine! Don't forget to spread your lips. SMILE!" 

Nakangiti niyang ibinalik ang cellphone sa study table. Clover decided not to check her messages for the time being, because she knows that most of them are from guys who want to court her. She believes that courting through social media would never seem appropriate in God's eye. Isang malaking HINDI iyon para sa kaniya. Paano mo malalaman kung sincere talaga ang tao sa panliligaw sa 'yo kung pangalan at pictures niya lang ang nakikita mo? Ugh. 

Umiling-iling na inayos niya ang kaniyang kama, pagkatapos ay pumunta na siya sa sulok ng kaniyang kwarto kung saan makikita ang isa pang mesa na naglalaman ng gamit para sa katawan at mukha. Nang kukunin niya na sana ang suklay ng mapahinto siya nang makita ang isang magandang pigura na nakatingin sa kaniya. 

"Alam mo, mas lalo kang gumaganda," wika niya sa harap ng salamin habang hinahaplos ang kaniyang malulusog na pisnge. 

Kinuha niya ang itim na suklay at isinuklay iyon sa brown at medyo kulot na buhok niya na namana niya pa sa kaniyang ina.

Nag-hilamos muna siya bago bumaba para kumain. Kanina niya pa naririnig na nagmamakaawa itong tiyan niya. Kailangan niya na itong pakainin. Nang makababa ay dumiretso agad siya sa kusina at doon niya nakita ang ina niya na ngayon ay nagtitimpla ng orange juice. 

Nakasuot ito ng leggings at isang nike na shirt. Malamang ay nag-jogging na naman ito. Nakagawian na ng ina ang mag-exercise kahit once a week lang. Kailangan daw ng katawan natin iyon, pero tuwing tumitingin siya sa salamin at pinagmamasdan ang hulma ng katawan niya ay naiisip niyang hindi niya na kailangan pang mag-exercise. Sa paningin ng kaniyang magagandang mata ay tama na ang katawan niya para tawaging 'sexy.'

"Good morning, ma!" bati niya sabay beso. 

"Maupo ka na riyan, kakain na tayo," utos nito.  

Silang dalawa lang ng kaniyang ina ang naroon sa bahay. Ang ama niya ay nagta-trabaho bilang isang seaman, kaya once or twice a year lang ito kung umuuwi, depende rin sa kontrata. 

"Siyanga pala, may bagong lipat diyan sa katabing-bahay," imporma ng ina na ngayon ay naglalagay ng kanin sa plato. 

Itinaas niya ang kaniyang paa at ipinatong ito sa inuupuan. Hindi niya rin alam pero sobrang komportable siya sa ganoong posisyon.

"Talaga? Sino raw?" tanong niya.

"Hindi ko alam, makiki-chismis nga ako mamaya sa labas," saad nito.  

Napadako at naningkit ang mga mata nito sa paa niyang nakapatong sa upuan, "Kailan mo pa ba 'yan titigalan, Cece? Kababae mong tao, ganiyan ka umupo!" 

Nagulat siya sa boses nito kaya bigla niyang naibaba ang paa, "Ma, ang sarap kayang kumain kapag gano'n ang posisyon," kontra niya.

"Masarap kumain? Bakit iyang paa mo ba ang kumakain o iyang bunganga mo?" Idinuro siya nito. 

"Oo na!" inis niyang sagot. Ayaw niya ng kontrahin ang ina dahil nasa harap sila ng pagkain ngayon, masama iyon. 

Mahirap talaga kapag day off ng ina, minsan lang sila magsabay kumain, lahat nakikita pa.

Nagta-trabaho ang kaniyang ina sa city hall kaya tuwing linggo lamang sila nagkakasama. Minsan na nga lang mag-day off, madalas niya pa itong makita sa labas na nakikipag-chismisan. Pero hindi niya na kinontra ang ina sa gano'ng bagay, naisip niyang kailangan din minsan nito maglibang.

Nang matapos kumain ay umakyat na siyang muli sa kwarto. 

"It's social media time!" bungad niya pagkapasok ng silid.

Kinuha niya ang kaniyang cellphone at tinignan isa-isa ang mga nag-message. Nang makita ang mga ito ay hindi nga siya nagkamali, mga lalaki iyon na tiyak na nagbabalak manligaw sa kaniya. 

Christian Tupaz: Good morning, Clover. 

Clover Clynn Delgado: Good morning? Tapos ano? Tatanongin mo ako kung ilang taon na ako, kung saan ako nakatira, kung may boyfriend ba ako? Tapos kapag sinabi kong wala, liligawan mo ako dito sa chat? Ilang minuto palang ang nakalipas tatanongin mo ako kung tayo na ba? Anong klaseng panliligaw 'yon? It's a NO.  

Christian Tupaz: Gusto ko lang naman sana na maging magkaibigan tayo. 

Clover Clynn Delgado: Maging magkaibigan? Tapos after a week sasabihin mong gusto mo na maging magka-ibigan tayo? There's a difference between the two, pero diyan nagsisimula lahat ng sakit na nararanasan ng tao. Also, I have branches of friends. Hindi mo na kailangang dumagdag pa. 

Nasanay na siya na may mga taong ganiyan kaya inunahan niya na. Nag-copy paste nalang siya sa chinat niya sa Christian na 'yon para i-send pa sa ibang nagcha-chat sa kaniya. 

Tinignan niya ang post niya kanina at nakitang nasa 500+ reacts na ito at may 200+ na comments. Minsan nagugulat nalang siya kung bakit sobrang daming reactor niya sa facebook.

Tinignan niya ang profile niya, "Sobrang ganda mo na ba talaga?" tanong niya habang nakikipagtitigan sa picture niya. 

Naagaw ang kaniyang atensiyon sa ingay na magmumula sa labas ng bahay kaya dali-dali siyang nagtungo sa bintana ng kwarto niya at sumilip. Sobrang lapit lang ng kabilang bahay sa kanila, mga ilang hakbang lang kaya hindi nakakapagtaka na noon ay may naririnig siyang mga ungol na nanggagaling sa kwartong nasa tapat lang din ng kaniyang kwarto. Ilang araw din iyon kaya hindi siya makatulog dahil sa curiosity kung ano bang nangyayari sa kwartong iyon. 

Napadako ang tingin niya sa kwarto ng kapit-bahay nila na pinanggagalingan ng mga ungol noon, nakita niya ang isang bulto ng lalaki na nakatalikod sa kaniya. Na-curious tuloy siya sa hitsura nito kaya gumamit siya ng spell niya. 

"Gamit ng kagandahan ko, inuutusan kitang humarap, ngayon na!" Winagay-way niya pa ang kamay niya sa ere na para bang may hawak na magic wand.  

Na-dismaya si Clover dahil kahit side-view man lang ay hindi nagtagumpay ang kapangyarihan ng kagandahan niya. Sinubukan niyang muli pero bigo pa rin siya, hanggang sa tuluyan nang umalis ang binata. 

"Hays nakakainis! Bakit hindi sa kaniya gumana samantala effective naman 'to sa ibang mga lalaki?" inis siyang tumalikod at umalis patungong higaan. Hindi man normal sa paningin ng iba pero nakasanayan na ni Clover gamitin ang spell niya kuno kapag nakakaramdam ng curiosity sa hitsura ng isang lalaki. Nakakapagtakang hindi tumalab ang powers niya sa lalaking 'yon. 

"Siguro kulang lang sa emosyon?" tanong niya sa sarili. 

Muli siyang naupo sa kama, hindi maalis sa isip ni Clover ang likod ng lalaki. Hindi niya tuloy maiwasang makaramdam ng inis sa dahil sa matinding kuryusidad na nararamdaman. Ngunit ang kinaiinisan pa ng dalaga ay ang katotohanang limitado ang powers ng kagandahan niya. At pinatunayan iyon ng lalaking kapit-bahay niya. 

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

  • Favorite Notification   Chapter 21

    Ang dating good-morning chats na galing kay Percy ay wala na. Wala ng natatanggap si Clover, naging inactive na rin ito sa social media. Kung gaano kabilis nabuo 'yong feelings niya para rito ay ganoon rin kabilis nawala 'yong kung ano mang meron sa kanila. Kahit ganoon ay patuloy pa rin ang pag-chat niya rito, nagba-bakasakaling makakatanggap siya muli ng chat mula kay Percy. Pero tila ba habang lumilipas ang araw ay nagiging malabo na 'yon na siyang rason kung bakit lalo lang siyang nasasaktan. Clover Clynn Delgado: Hi baby! Kamusta kana? |Clover is typing...| Clover Clynn Delgado: Sobrang miss na kita. |Clover is typing...| Clover Clynn Delgado: Nasa banyo ka na naman nu? Hahaha!

    Last Updated : 2020-10-05
  • Favorite Notification   Chapter 21

    Ang dating good-morning chats na galing kay Percy ay wala na. Wala ng natatanggap si Clover, naging inactive na rin ito sa social media. Kung gaano kabilis nabuo 'yong feelings niya para rito ay ganoon rin kabilis nawala 'yong kung ano mang meron sa kanila.Kahit ganoon ay patuloy pa rin ang pag-chat niya rito, nagba-bakasakaling makakatanggap siya muli ng chat mula kay Percy. Pero tila ba habang lumilipas ang araw ay nagiging malabo na 'yon na siyang rason kung bakit lalo lang siyang nasasaktan. Clover Clynn Delgado: Hi baby! Kamusta kana?|Clover is typing...|Clover Clynn Delgado: Sobrang miss na kita. |Clover is typing...|Clover Clynn Delgado: Nasa banyo ka na naman nu? Hahaha!|Clover is typing...|

    Last Updated : 2020-10-05
  • Favorite Notification   Chapter 20

    Alas nuwebe ng gabi ng muling mag-online si Percy. Gustong-gusto niya na itong tanungin. Kailangan niyang malinawan, dahil hangga't hindi niya nalalaman ang dahilan kung bakit nagkaka-ganoon si Percy ay mas lalo lang siyang nasasaktan. Clover Clynn Delgado: Percy? Percy Wilson: Yes? Clover Clynn Delgado: May problema ba tayo? Percy Wilson: Huh? What do you mean? Clover Clynn Delgado: Bakit ganito ka? Percy Wilson: Hindi kita maintindihan. Clover Clynn Delgado: Hindi rin kita maintindihan. |Clover is typing...| Clover Clynn Delgado: Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ka. Hindi ko alam kung bakit nitong mga araw ang ikli ng replies mo. Sa totoo lang, kaya ko namang intindihin 'yon e! Pero 'yo

    Last Updated : 2020-09-08
  • Favorite Notification   Chapter 19

    Tulala si Clover habang nakatingin sa bintana ng kaniyang kwarto. Gustong-gusto niya ng sagutin si Percy pero ayaw niyang isipin nito na easy-to-get siyang babae. "Aish! Sasagutin ko na ba o hindi?" tanong niya sa sarili. "Hindi ka sasagutin niyang bintana," salita ng tao sa likuran niya. Napabalikwas siya ng makita si Tashia na pasimpleng nakaupo sa kama niya. "Gusto mo bang mamatay ako sa takot?!" bulyaw niya. "Kung pwede lang sanang pumatay ng tao gamit ang pananakot, marami na akong napatay, isa ka na do'n," sabi nito habang nakatitig sa kaniyang kuku sa kamay na may kulay pula. "Ba't ba ang harsh mo?" Pumunta siya sa harap nito at nagpamewang."Hindi harsh ang tawag diyan," sagot nito. "Aish! Bakit ka ba nandito?" inis na umupo siya sa tabi nito."Umalis si mama, bored ako," wika nito.

    Last Updated : 2020-09-08
  • Favorite Notification   Chapter 18

    Gabi na nang mag-open si Clover ng kaniyang Facebook. Bumugad kaagad sa kaniya ang message ni Percy.|Percy Wilson set you nickname to B A B Y| Percy Wilson: Baby mo na talaga ako? Rawrr! Clover Clynn Del

  • Favorite Notification   Chapter 17

    Naglalakad na pauwi sina Clover at Tashia galing mall, bumili kasi sila ng bagong sapatos. Tuwing lalabas sila ay hindi puweding hindi sila bumili ng milktea. As usual, Taro pa rin sa kaniya at ang kay Tashia naman ngayon ay Hokaido."Tash?" pag-agaw niya ng atensiyon ni Ta

  • Favorite Notification   Chapter 16

    Hindi tulad ng dati, hindi nag-chat si Percy kay Clover no'ng gabi pagkatapos nilang mag-sagutan. Inaamin niyang mali siya doon, at nako-konsensiya siya sa ginawa niya. Kaya nag-open siya sa Facebook para humingi ng tawad dito. Clover Clynn Delgado: Percy? Galit ka?

  • Favorite Notification   Chapter 15

    Nakaramdam ng inip si Clover ay naisipan niyang papuntahin si Tashia sa kanilang bahay. Gusto niyang ibahagi ang mga pangyayari sa buhay niya nitong mga nakaraang araw, ayaw niya ng magtago pa rito dahil siya lang din naman ang mahihirapan.Nakita niyang online si Tashia ka

More Chapters

Reviews

no comment
No comment yet

Chapters

Read

Download

You might like

Si Orange (The Pinay Cinderella) Filipino
Luring Her Husband
The Psycho Heir (Tagalog)
Watch Your Feelings! (Tagalog/Filipino)
Witchy tale: The Oracle's Dream
Fulfilled Duties (Tagalog)
Si Orange (The Pinay Cinderella) Filipino

Si Orange (The Pinay Cinderella) Filipino

Yesha Lee

Si Orange, isang taong sasalamin sa lahat ng pag-uugali ng isang babae. Isang taong maihahalintulad sa isang punong hitik sa karanasan sa buhay. Kaakit-akit ang anyo, mabait, magalang, masunuring anak...pero sa kabila ng mala-anghel nitong mukha ay isang masamang kaaway, palaban at hindi sumusuko sa ano mang hamon sa buhay.Tunghayan natin at alamin ang kuwento ni Anastacia na nagsimula sa panahong siya ay inosente pa hanggang ang mga pagsubok ay dumating -- kabiguan sa pamilya, sakit ng loob, pagtitiis at maging pagkasawi sa pag-ibig---lahat iyan ay dadaanan ng ating bida pero hindi siya bumitiw kahit minsan.Ikaw, naranasan mo na ba ang mabigo? Naranasan mo na ba ang magmahal at umasa na mamahalin rin? E ang masaktan, dinanas mo na rin ba? Kung oo, may kakampi ka dahil narito si Anastacia, sa kabila ng lahat ay nanatiling nakatayo at taas-noo sa kanyang pakikibaka sa hamon ng buhay. Dahil iyan ang kahulugan ng pagiging isang tunay na babae ng kahit ano pa mang henerasyon.

download Si Orange (The Pinay Cinderella) FilipinoDownload the book on the App

To Readers

Malinaw na natatandaan ni Jiang Sese kung gaano kawalang-interes ang hitsura ng kanyang ama nang sabihin nito sa kanya: "Pagkaalis mo, huwag mong banggitin na ikaw ay mula sa pamilya Jiang, baka gumawa ka ng katangahan." Mas malupit pa ang fiance niya, pinupuna siya ng may masamang tingin sa mukha. "Jiang Sese, paano mo magagawa ang isang bagay na kasuklam-suklam?" Ang mga alaalang ito ay pumukaw sa isang mahina na si Jiang Sese.2  FEI

Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy