Download the book for free
Chapter 5
Author: MargaretzzzzHis girlfriend
Hindi na nakadating si Tin Tin nag text siya sakin na may pupuntahan daw siya bigla bigla nalang lagi lakad niya walang sche-schedule kung ano maisipan niya 'yun na.
Patapos palang ako kumain nang mapatingin ako sa dumaan na grupo ng mga babae sa harap ko na masama ang tingin sakin. Napakunot ako ng noo ng makilala sila 'yong dalawang babae sila nasa CR. Ngayon hindi na sila dalawa lima na sila.
Tumigil sila sa harap ko.
Ininum ko na yung tubig at inayos na ang gamit ko. Dahil napansin ko na hindi pa din sila umaalis sa harap ko at hindi pa din nawawala ang mga titig nilang napakasama.
Patayo na ako ng biglang nang hawakan ng madiin ang balikat ko ng isang babae kaya naman napaupo uli ako.
"Uhm, excuse me? What is your problem to me?" Mahinahon lang ang pagatatanong ko baka pag tinarayan ko siya baka lalong magka-away.
"Omy god! Why so hinhin magsalita!" halakhak ng isa pa sa likod kaya napatingin ako dun. Mahinhin na ba yun? Mahinahon 'yun uy! Umiinit na ang dugo ko sa nangyayari. Ngayon palang ako makakaranas ng gantong engkwentro sa buong buhay ko.
"Why so conyo?" Gustong gusto ko ng ibato ang salitang 'yan sakanya. Hindi ko na ginawa para iwas gulo.
"Excuse me uli ha sino ba kayo? Bakit kayo nandito sa harapan ko?" I said in a sarcastic way nahalata naman nila agad 'to dahil kitang kita sakanilang mga mukha.
"HA! HA! HA! I knew it Cess she doesn't know us because she is just a commoner here," said the girl behind the girl in front of me. Yumuko ako at napairap. They don't really know me I kept myself in a low profile. That is what I want in my life to be in a low profile.
"Yeah, Right." siya yung tinawag na Cess kanina ibig sabihin siya yung kalandian ni Jay? Cess ang pangalan? Ang pangit naman ng pangalan kasing pangit ng nagmamay-ari ng pangalan.
Ang kakapal ng mga make up nila akala mo may pupuntahang party!
"So ikaw pala yung kasama ng boyfriend ko kahapon sa mall kaya hindi nakasipot sa date namin si Jay," sabi no'ng Cess. Mag boyfriend, girlfriend na pala sila e.
Na issue pa nga!
"Bakit may pruweba ka ba na ako yung kasama niya?" Nanghahamon ang ginawad ko sakanya. Kahit na nakaupo lang ako ay kaya kong makipaglaban ng tingin.
"We're not here if we don't have!" Inis niyang sabi at sinenyasan niya ang isa niyang alipores na lumapit sakin at inilahad saki ang cellphone at nakalagay na ito sa IG account ni Jay. Nagulat ako sa nakita ko hindi ko akalain na may ganto pala siyang post.
May isa siyang post ko na kumakain sa Mang Inasal kahapon nasa labas siya nag kunan niya ang litrato na iyon. May ikanagulat pa ako yung caption niya na nagsasabing:
"Yeah, I found you." simple lang pero ang lakas ng dating sakin. What does he mean?
"Sorry I didn't know about that." pinal kong sabi at tumayo na pero this time tinulak na niya ako kaya dumulas ang inuupuan kong monoblock at nahulog ako sa sahig.
Nagkagulo ang mga tao sa loob ng canteen at madaming nakiusisa. Lalong kumulo ang dugo ko sa galit at inis.
"Ano bang problema niyo sakin ha?" Galit na tanong ko sakanila nginisian ako ni Cess ng nakakaloko.
"Alam mo? Ang landi mo kasi e may girlfriend na yung tao lalandiin mo pa?!" Galit na niyang sabi.
Humawak ako sa paanan ng lamesa para makatayo na ako na agad namang may humawak sa dalawang kamay ko para tulungan ako. Tumingin ako at si Caious lang pala kabarkada ni Jay.
"What's happening here?" Tanong ni Caious na hindi ko naman pinansin at hinarap ang Cess na kanina pa nangiirita.
"Hindi ko nga alam na may girlfriend si Jay at hindi ko akalain na ikaw pala pano kaya nagustuhan ni Jay ang isang katulad mo na parang araw-araw ay may pupuntahang party!" singhal ko sakanya.
Kitang-kita sa mukha niya na naiirita na siya.
"You bitch!" Sinubukan niyang lumapit para siguro saktan ako pero agad na pumagitna si Caious kaya hindi natulog ang binabalak niyang gawin.
"Umalis ka diyan Cai!" Umamba na naman na lalapit sakin si Cess. Hinawakan na ni Cai ang magkabilang kamay ni Cess.
"What's happening to you Cess?" Pagalit na tanong ni Caious kay Cess. Nilakihan ng mata ni Cess si Caious. Galit na galit na nga talaga. Yung mga kaibigan niya mga nakatingin lang sakanya. Kaibigan pa ba 'to? Hinahayaan ang kaibigan na mang -away o makipag-away. Kung sila lang ang
magiging kaibigan ko malaki na silang ekis sakin.
"Caious, nilalandi niya yung boyfriend ko!" Sigaw na naman niya.
"Cess, hindi ganyan si Angela. Alam mo naman siguro kung anong ugali ng boyfriend mo," sabi ni Caious.
"No she's flirting my boyfriend!" Apila pa niya. Kanya na nga boyfriend niya walang aagaw.
Kailangan ko na talagang magpaliwanang walang patutunguhan 'to kung patuloy lang ang sigawan namin dito. Nakakapukaw na din kami ng atensyon. At ayoko non. Baka makarating kila Ate at kila mama na nakikipag away ako takot ko nalang sakanila.
Asan na nga ba ang boyfriend ng babaeng 'to hindi ba siya dadating para awatin ang girlfriend. May pakpak ang balita imposibleng hindi makarating ito sakanya.
Madaming nakakakilala sakanya kaya napakaimposible kung hindi niya man lang mabalitaan.
Tinignan ko si Cess at ang mga kaibigan niya ng mataman. Ayoko makipag-away dahil hindi ako pinalaking ganto ng mga magulang ko.
Gusto ko siyang kausapin pero kulang na ang oras ko dahil kanting minuto nalang ay magsisimula na ang susunod kong klase. Kung magpapatuloy pa 'to baka malate na naman ako.
"Cess," tawag ko sakanya ng walang paga-alinlangan. Parang nagulat naman siya ng tawagin ko siya sa pangalan niya. Sa totoo lang hindi ko talaga alam kung ano ang buo niyang pangalan.
"Listen lady I want to explain what happen to us yesterday, but for now I need to attend my class and it's about to start. I know you know me but I don't know you, okay? Just message me in one of my social media account if you want me talk about it there or in personal and I'm willing to do it." Marahan kong sabi sakanya. Hindi ko na hinintay sagot niya inayos ko na ang gamit ko. Malapit na talaga akk malate. Hinarap ko si Caious.
"I'll go now, thanks Caious," sabi ko at hindi ko na tinignan si Cess ang mga kaibigan niya pero may narinig akong bulong-bulongan na paniguradong galing sa mga kaibigan niya.
"Weak naman" "Ano takot?" "Takot sayo Cess 'di ka kaya"
Isa 'yan sa mga narinig ko na bulong-bulungan. Hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy sa pagtahak ng daan palabas ng canteen. Nahawi ang mga nagkukumpulang mga tao na nakikiusisa sa mangyayari sa pagitan naming dalawa ni Cess.
Halos takbuhin ko na yung room ko para hindi ako malate. Late na nga kaninag first subject pati ba naman ngayong last subject late pa din. Dalawang subject na nga lang ang klase ko ngayon baka maging late pa ako parehas. Ang unpriductive ng araw ko ngayon. Hindi ko na nga
natapos yung research paper na dapat ay bukas ipapasa na hindi ko pa din tapos. Paniguradong magpupuyat ako mamaya para dito.
Pagdating ko sa floor ng room ko ay binagalan ko na yung lakad ko dahil ang sakit na ng paa ko sa kakalakad takbo na ginawa ko. Pagtapat ko sa pinto namin ay laking pasasalamat ko na wala pa ang ang aming prof. Bago ako maupo ay nakita ko si Jay na nakaubob sa lamesa niya. Andito lang pala siya papetiks-petiks yung girlfriend niya nakikipag-away ng hindi niya alam.
Umupo ako ng hindi ko siya tinitignan. Wala pa si Tin Tin baka hindi na 'yon papasok. May pinagkaka-abalahan nga siguro ang isang 'yon.
Dumating na yung prof namin at naka-ub-ob pa din si Jay sa upuan niya. Napansin siguro siya ni prof kasi namaptingin ito sa gawi namin.
Kinulbit ko si Jay baka pag hindi pa siya tumunghay ay pagalitan na siya. Hindi pa din siyan kumikibo.
"Jay," mahina kong sabi at niyugyog ang braso niya para siguradong gising siya.
Tumunghay na siya at inayos ang buhok niyang nagulo dahil sa pagtulog. Tinapunan niya lang ako ng isang malamig na tingin 'di ko na 'yon pinansin at nakinig na sa discussion.
Natapos na ang klase ko at masyado pang maaga. Naisipan kong tumambay sa Cafe' na malapit lang dito sa school. Nag order lang ako ng mocha na less sugar. Ayoko pang umuwi sa bahay dahil wala naman akong kasama sa bahay.
Tinawagan ko Tin Tin pero pinapatay niya ang mga tawag ko. Nababaliw na naman siguro 'tong isang 'to. May sikreto na naman siyang hindi sinasabi sakin. Pero kahit kaibigan niya ako hindi ko siya pililitin na sabihin niya sakin ang mga tinatago niya. Kailangan pa din naman ng privacy kahit parang magkapatid na ang turing mo sakanya.
Nagpasaya na akong umuwi. Habang nagdadrive ako ay biglang tumawag sakin si Tin Tin. Buti nalang at nakasuot na ang airpods ko.
"Hoy gaga asan ka na!" Bulyaw ko agad sakanya ng masagot ko ang tawag niya.
"Ange! Nakita ko si Vhone! May kasamang babae!" Halata sa boses niya na naiiyak na siya.
Si Vhone lang naman ang ex niyang babaero.
"Akala ko ba wala na kayong komyunikasyon niyang ex mo?!"
"Nakita ko siya kanina sa school kaya sinundan ko!" pagmamaktol niya.
"Pano nangyari yun e taga UST 'yung ex mo"
"Iyon nga din gusto kong malaman kaya sinundan ko siya!" nagulat ako sa sinabi niya kakaiba
talaga 'tong kaibigan ko siya na nakipaghiwalay siya pa ata ngayon ang maghahabol.
"Ano? Nababaliw ka na ba?"
"Minsan lang naman e,"
"Oh siya sige na nagdadrive ako bukas nalang tayo mag usap may sasabihin di ako sayo."
"Sige ba. Bye ingat sa pag drive!" Pinatay ko na ang tawag niya at nagpatuloy na sa pag drive.
Share the book to
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Latest chapter
Ending Scene Epilogue
Epilogue Nakaupo ako sa sofa ng biglang kumalabog ang pinto at agad na pumasok si Kuya na galit na galit. Lumapit siya sa'kin at agad akong sinuntok. Napayuko ako sa sakit. "Gago ka ba? Bakit mo ginanon si Angela? Nawawala ka na ba sa sarili mo? Umayos ka nga! 'Wag
Ending Scene Final Chapter
Final Chapter Pababa na ang eroplanong sinasakyan namin. Inip na inip na ako. Gusto ko na uling malanghap ang hangin ng Maynila. Apat na taon na din ang nakakalipas nang huli akong umuwi dito. Hindi na alintana ang sakit na natamasa ko nang huli akong umuwi dito. Dahil ang taong nanakit sa akin noon ay kasama ko na. Nagbibigay na muli ng saya sa'kin.
Ending Scene Chapter 35
Home Naiwan akong mag isa dito sa kwarto dahil hinatid ni Jay si Jace sa kwarto nila Ate. Nakahiga na ako at nakapikit na din ang mga mata. Hinihintay ko nalang na dapuan ako ng antok. Inaantok na ako kanina nawala lang dahil sa nangyari kanina. Hindi ko inaakala na mangyayari 'yon. Akala ko sa pisnge lang bakit napunta sa labi?
Ending Scene Chapter 34
Endearment Kanina pa kantyaw ng kanya si Kuya Jaycee at ate sa'ming dalawa ni Jay. Iniirapan ko nalang silang dalawa at si Jay naman ay tuwang tuwa naman. Pagkatpos ng pag uusap naman kanina ay agad niya akong hinabol at inakbayan na ako kaya hindi matigil ang dalawa sa pagkantyaw. Lumayo kami sakani
Ending Scene Chapter 33
Answer He's still complaining about the discount. Naiinis na ako hindi pa din siya tumitigil at nagsumbong pa talaga kila Ate. I thought they won't bother because they already knew hoe ungenerous am I, But I'm wrong. We're waiting for the shuttle to arrive na maghahatid sa'min sa The Hermitage Museum. Malayo ako sakanila. Inis ako sakanila hindi nila ako tigilan. Kampi-kampi silang tatlo at pinagtutulungan nila ako. Hindi ko alam kung anong pinakain ni Jay sa ate ko at ayos na silang da
Ending Scene Chapter 32
Discount Nakasimangot lang ako habang kumakain kami ng hapunan. Hindi ko sila pinapansin kahit na may pa ilan ilan silang tinatanong sa'kin. Sabi ko na nga ba at masama ang mangyayari sa trip na 'to! Dapat talaga hindi na ako sumama. Una palang malakas na kutob ko pero sumama pa din ako. Hays. Binili
Ending Scene Chapter 23
Promises Pat
Ending Scene Chapter 22
Family "I'm
