loading
Home/ All /Dominant Series 5: Intruder (Tagalog) /CHAPTER 11 - MUSCLES AND ABS

CHAPTER 11 - MUSCLES AND ABS

Author: VraielLajj
"publish date: " 2020-07-30 14:31:58

Isang tapik ang nagpagising kay Jackylyn sa kaniyang mahimbing na pagkatulog. Eksaktong si Theon ang namulatan niya na nag-aalala ang mukha. May gusto itong itanong pero pinili nitong manahimik saka siya nito niyaya na magpunta sila sa kabilang bahagi ng isla. Dalawang oras daw siyang tulog ayon kay Theon kaya nagkaroon ito ng panahon na maghakot ng mga gamit mula sa lumubog na yatch nila. Nakaya rin nitong gumawa ng munting kubol mula sa mga kahoy na napulot nito at tuyong dahon ng niyog mula sa kalayuan malapit sa bukana ng kagubatan papasok.

"You'll stay inside while I'll stay here." tinuro nito ang labas kung saan nito nilagay ang ilan sa mga napulot nitong kagamitan mula sa lumubog na yatch. May mga panggatong na rin itong nilagay at sa hinuha niya, pang-bonfire ito mamaya.

"Sure ka? Pwede naman ako rito sa labas kasi..."

"Come on Jacky, you're wounded." putol nito sa anuman sasabihin niya.

Tama nga naman. May sugat siya at hindi ito ang panahon para mag-insist siya sa isang bagay na alam niyang 'di nito papayagan.

Sumapit ang gabi. Prutas at isda ang kinain nila nang gabing iyon. Kanina pumasok mag-isa si Theon sa kagubatan at may dala na itong saging at singkamas paglabas para sa pagkain nila. Napahiya siya sa galing nito maghanap ng pagkain samantalang siya ay buong maghapon nakaupo. Ang lalaki rin ang gumawa ng bonfire at naibsan ang nararamdaman niyang lamig dahil na rin sa kaniyang sugat. Ang kwento nito, sanay ito sa survival mode kaya hindi na bago para rito ang ganitong buhay. Hindi siya makatulog sa loob ng kubol kaya nanatili lang siyang nakatitig sa ulap na puno na ngayon ng bituin. Napangiwi siya nang damhin niya ang kaniyang sugat. Buti at ito lang ang nakuha niya.

Nagpasya siyang tumayo at hindi maglikha ng ingay para hindi magising ang lalaki na mahimbing na ngayon na natutulog sa labas. Dahon ng saging ang sapin nito at nakaunan ito sa isang kamay. Mukhang pagod na pagod ito. Bago siya pumunta malapit sa dalampasigan, nilagyan niya ng panggatong para hindi mamatay ang apoy.

Malungkot siyang umupo sa buhanginan at napatitig sa kalangitan. Maraming nagkikislapan bituin at kahit papaano, gumagaan ang palibut. Iniisip niya kung hanggang kailan kaya sila ng lalaki rito sa islang ito? May tutulong ba sa kanila sakali? Mayamaya ay nagulat siya nang may tumabi ng upo sa kaniya.

"You should take a rest. Why are you here?"

Sumikdo ang kaniyang puso sa malamyos na boses na iyon ni Theon. Pinigilan niyang manginig. "Wala, nagpapahangin lang ako sandali. Babalik din ako agad. Kayo, magpahinga na kayo."

Napabuntunghinga ito. "I am, and then I saw you heading to the shore. Akala ko nag-sleep walking ka." Bahagya itong natawa sa sinabi at napakamot sa ulo. "Okay, I gotta rest for awhile. Don't stay here for too long Jackylyn. A boar might gonna eat you."

Bigla siyang natigilan sa sinabi nito. Baboy-ramo? "Meron dito?"

Tumango naman ito agad saka tumayo. Mabilis siyang napatayo at napasunod dito. Natatawa na lang ang lalaki sa kaniya at napakamot na lang siya ng ulo.

KUNG hindi pa siya nasinagan ang kaniyang mukha nang umagang iyon at naamoy ang masarap na inihaw na isda, baka ayaw pa niyang bumangon. Eksaktong paglabas niya ng kubol, ang nakahandang pagkain sa ibabaw ng malapad na bato. Eksaktong may saging, bayabas, at dalawang malaking inihaw na isda. Bigla siyang natakam.

"Goodmorning sleeping doll. Breakfast is ready."

Namula siya sa sinabi nito. Doll? Gusto niyang itanong iyon pero naunahan siya ng hiya. Ilang sandali pa ay naging ganado siya sa pagkain. Parang ngayon lang niya nasubukan maging tao sa subrang tagal na panahon. Nang araw na iyon ay tinulungan niya si Theon na maghakot ng mga bato at gumawa ng malaking help signal sa buhangin. Sana ay mabilis silang ma-rescue kahit wala naman siyang alam kung saan siya tutungo after nito.

Umupo siya sa malaking tipak na bato at pinagmamasdan ang naliligo na lalaki sa malinaw at asul na asul na tubig. Kung alam niya siguro lumangoy baka kanina pa siya nagtampisaw. Napapangiti siya sa tuwing umaahon ito at parang diyos na bumaba sa trono sa tuwing nagfi-flex ang muscles at abs nito sa katawan. Bago pa niya pagpantasyahan ang lalaki, bumaba na siya sa kaniyang kinauupuan at nagpasiyang maglakad-lakad at hanapin 'yun bag niya. Baka makita niya ito at kailangan niya ang laman n'on. Naka-sealed ang mga documents at pera niya sa isang plastic kaya alam niyang hindi nababasa ang mga ito.

Malaki ang isla kaya malayo-layo rin ang kailangan niyang lakarin pero halos maabot niya na yata ang dulo nito, walang bag niya ang kaniyang nakita. Matamlay ang balikat na bumalik siya sa kubol. Anong gagamitin niyang pera kung ganun?

"Looking for something?"

Saka lang niya napansin na tapos na pala si Theon maligo at sinuot nito ulit ang short pant na hinubad. May huli na itong isda at mga kuhang clam at shellfish. Inaayos nito ang mga 'to sa may kalakihang malapad na bato at sa ilalim no'n ay apoy. Magluluto ba ito?

"Magluluto ka?" gulat na tanong niya.

Natawa ito sa kaniyang inakto. "Yeah. Why?" 

Hinarap nito ang mga dahon na hindi niya alam kung ano ang mga pangalan at saan nito nakuha. May isang tipak na batong matulis ito sa isang kamay at hindi niya alam kung para saan din ito.

"Ano ang mga 'yan?" Lumapit siya rito at tiningnan ang ginagawa ng lalaki. Na-amuse siya sa nakita at hindi niya alam na pwede pala magluto sa ganitong isla na walang kagamit-gamit kahit kutsilyo. Kahit may alam siya sa kusina, pagdating sa lalaki pakiramdam niya parang kulang ang kaalaman niya.

"It's herbs and used to flavour food."

Napatango siya sa sinabi nito. Hindi niya alam ang pangalan ng herbs na ito. Napasunod ang kaniyang tingin sa bawat galaw nito at amaze na amaze siya. Mukhang sanay na sanay ito sa ganitong sitwasyon. Kahit siguro mag-isa lang ito, kaya nitong mabuhay. Siya kaya? Baka isang araw lang, wala na.

"And one thing, I love the shrimp soup you cooked. Masarap. Nagustuhan ng panlasa ko. Guess hahanapin ko ang lutong iyon," saad nito.

Napangiti siya ng hilaw. Akala niya hindi ito kumain. Hindi na lang siya sumagot. Hinihintay niyang maluto ang niluluto nito dahil amoy na amoy niya at takam na takam siya kahit hindi niya alam ang niluluto nito. Basta isdang nilalagyan ng mga dahon na pinag-chop nito.

"Kindly get me the soy sauce and vinegar."

"Ha? Meron tayo?" takang napatanong siya.

"Yeah, there's a store behind this forest." Tinuro nito ang kagubatan.

Naniwala naman siya at tumayo para sundan ang sinabi nito. Agad naman siyang pinigilan nito.

"I'm joking, hey!" Natawa ito. "Nasa tabi lang ng icebox. I'll pick those thing along the shore. Inanod. Good thing because we can still eat delicious foods for that. If you know what I mean..."

Para naman siyang napahiya pero natawa rin sa isipin na tumayo siya at sinunod ang sinabi nito. Naniwala talaga siyang may tindahan sa likod ng kagubatan. Napakamot na lang siya sa ulo at kinuha na ang pinapasuyo nito. Sana matagal matapos ang araw na ito para matagal din niyang makakasama ang lalaki kahit bawal at mali.

Want to know what happens next?
Continue Reading
Previous Chapter
Next Chapter

Share the book to

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Latest chapter

Dominant Series 5: Intruder (Tagalog)    Special Chapter

"Theon!" Hindi na kailangan lumingon ni Theon oara alamin kung sino ang tumawag sa kaniyang pangalan, alam niyang ang ex-wife niya ito. "Theon!" Masayang tumakbo si Amara papalapit sa kaniya para yakapin siya nang biglang humarang si Azael na asawa nito na nakasimangot ang mukha. "Back off, asshole." Humarang ito sa gitna at ito mismo ang yumakap babae ng mahigpit at bigla siyang binelatan. Ngumisi siya at mas lalong inasar ang lalaki. "Ang damot mo, ah! She's my wife way back then." nakakalokong saad niya. Jackylyn his wife was on her way to church. Nasa isang sikat na Recording Station pa ito. Ang pangarap nito na gustong maging singer, tinupad nila pareho basta sa gabi, magkasama silang dalawa sa kama. Ngayon sikat na sa industriya ang kaniyang asawa, paminsan-minsan ay nagdu-duet sila sa mga concert nito at maraming tao na pinakilig. 

Dominant Series 5: Intruder (Tagalog)    Final Chapter 37 - I'm Coming

Tatlong buwan ang nakalipas, kung nakakangalay lang ang ngumuti baka kanina pa nangalay ang mukha ni Theon sa kakangiti habang pinagmamasdan si Jackylyn na lumabas ng silid. Ito 'yung araw na pupuntahan nila ang lolo nitong nakakulong panghabang buhay sa Finland. Naging tahimik lang ang kaso ng matandang Don, hindi rin pinalabas sa kahit anuman News ang nangyaring patayan. Lahat ng mga leak footage sa nangyaring patayan ay binubura ng babaeng mahal niya at pinatiling tahimik ang lahat. "Laway mo," biro sa kaniya ni Jackylyn. "Napunasan ko na." ngumisi siya at irap naman ang nakuha niya sa dalaga. Doon lang din niya napansin na suot nito ang kwentas na binigay niya matagal na. Naglaho ang kaniyang ngiti at lumapit dito. "That necklace..." Napatingin naman ito sa suot nito at namumulang napangiti. "Oo, tinago ko. Maraming beses na gusto ko 'to itapon para kalimutan ka kaso hindi ko ma

Dominant Series 5: Intruder (Tagalog)    Chapter 36 - Popcorn

"Theon!" "Jacky!" Natigilan si Theon sa pagpasok sa loob ng plane nang makitang nakaumang ang improvised baston-gun sa kaniya ni Don Jukka. Sa kabilang kamay nito ay ang cigarette pipe at kampante itong humithit ng usok at binuga sa hangin. Natalo rin niya ang dalawang lalaking nakaharang sa kaniyang daraanan kanina. Sa pagmamadali niyang makuha ang babae, ginamitan niya ang mga ito ng nakakamatay na technique at 'yon ay hilain ng mapwersa ang lalamunan ng isa saka malakas na siniko ang puso. Habang ang isa ay pinuntarya niya ang leeg nito at pinaghahampas ang ulo sa bakal na hagdanan. Napahugot siya ng malalim na hininga. May apat na lalaking nakatayo at lahat ng mga 'to ay nakapamulsa habang naghihintay sa utos ng Don. Mula sa labas, dinig na dinig niya ang patuloy na pagpapatayan ng mga kasamahan niya at ito siya ngayon, naghahabol ng hiningang nakatayo sa harapan ng mga 'to. "Don't ever thi

Dominant Series 5: Intruder (Tagalog)    Chapter 35 - Go After Her

"Fuck!" malakas na mura ni Theon nang hilain siya ni Mordeccai pabalik sa pwesto niyang pagmamaneho. Nabunggo ang ulo niya kaya inis na binalingan niya ito at akmang babatukan. "Si Jackylyn!" turo nito sa daan. Mabilis siyang napasunod ng tingin sa kamay nito at nagpalinga-linga. "Biro lang." Gigil na sinapak niya ito sa ulo at isang malutong na tawa ang binigay sa kaniya. Nagseryuso siya sa pagmamaneho at mas binilisan pa ang takbo, kailangan nilang maabutan ang dalaga. Nakakatamad maghanap sa totoo lang, hindi siya mahilig sa larong 'Come And Get Me'. Nakakangilong tunog ng gulong nang huminto sila sa harap ng airport na sinasabi ng kaibigan niyang halos sumubsob na sa dashboard at nangangalaiting tiningnan siya ng masama. Inismiran lang niya si Mordeccai at agad ng lumabas sa sasakyan habang nakasukbit ang baril sa suot niyang pantalon. Shit! Gusto niyang sumigaw sa galit. Sa dam

Dominant Series 5: Intruder (Tagalog)    Chapter 34 - Save Jackylyn!

Napamura si Theon ng subrang lutong nang matamo niya ang isang malakas na sipa sa kaniyang tiyan. Hindi niya nailagan iyon dahil may dalawa pang sumugod para paluhurin siya. Fuck! Napaatras siya sa sakit pero agad din sinalo ang isang paa na muling sisipa sa kaniya at binalibag ito sa mga kasama nito. Tumawa naman ng subrang lakas sa kabilang linya si Mordeccai at pumalakpak. "That's it dupe! Iba talaga magagawa ng malandi mong puso, no?" "Shut up," pakli niya habang sinasalag bawat tira ng mga ito. "Mama mo shut up!" tinawanan lang siya nito at nawala. Fuck this. Kung patuloy pa siyang bwesitin ng mga hayop na 'to na wala yatang balak tantanan siya. Pwes, hindi rin naman nagpapabwesit ang kamao niya at paa. Nagpahid siya ng dugo na kumawala sa kaniyang labi at napangisi naman ang isa sa gumawa nito sa kaniya. Tumalim ang kaniyang mata sa isang lalak

Dominant Series 5: Intruder (Tagalog)    Chapter 33 - Where Is She?

KUNG nakakamatay lang ang tingin ni Jackylyn kay Don Jukka baka kanina pa ito natumba at nangisay. Hindi niya mabilang kung ilang beses niya itong pinatay sa isip kahit iisang dugo lang ang nanalaytay sa kanilang dalawa. Nagwagi itong dalhin siya sa Finland at pinasuotan ng malaswang damit na halos kita na ang buong kaluluwa niya sa subrang daring ng tabas nito. Nakaupo siya sa isang malambot na kama na kulay pula at tanging mapusyaw na ilaw ang nagbibigay ng liwanag sa bawat bahagi ng apat na sulok ng silid. Nakakadena ang kaniyang dalawang kamay at kahit anong gawin niyang palag, hindi siya makawala. Maraming lalaki sa malaking silid na iyon at kahit hindi niya nakikita ang mga mukha ng mga 'to, alam niyang mabibigating tao at hindi basta-basta ang mga nando'n. May cameraman na nakaharap sa kaniya at alam niyang naka-live siya sa darkweb. The auction will start soon ayon sa kaniyang lolo habang siya ay natuyo na lahat ng luha niya.&n

Dominant Series 5: Intruder (Tagalog)    Chapter 32 - Someone's Rescue Her

Eksaktong pagmulat ng mata ni Jackylyn, isang banyagang silid ang nagisnan niya. Napaupo siya at pinilit alalahanin ang nangyari. Saka lang niya naalala na may mga armadong kalalakihan ang sumugod sa apartment niya—sumikdo ang puso niya nang biglang bumukas ang pintuan at hindi niya napagha

Dominant Series 5: Intruder (Tagalog)    Chapter 31 - Ocean's Away

Nakatitig lang si Jackylyn sa kesame ng kaniyang kwarto nang matanggap ang mensahe ni Yx sa isang secured site kung saan sila nag-uusap dalawa. Wala siyang cellphone, wala siyang balak na magkaro'n kahit isa. "Congratulations." Hindi siya nag-abalang nag-

Dominant Series 5: Intruder (Tagalog)    Chapter 30 - You Okay?

Kunwari napatili siya ng malandi nang bumukas ang pintuan at kunwaring natumba. Mabilis pa sa alas-kwatro ang pagsalo ng lalaking target niya nang gabing iyon. Lihim siyang napangisi, its her chance! Once dadalhin siya nito kasama sa mga babae nito sa silid, magagawa niyang kitliin ang buhay nito

Dominant Series 5: Intruder (Tagalog)    Chapter 29 - Her New Assignment

"Here." May inabot sa kaniya ang binata na envelope nang salubungin siya nito sa lobby. Casual na umarte si Jackylyn sa harap ni Yx at tinanggap ang inabot ng binata. Nagpaalam na ito agad sa kaniya at nagtuloy-tuloy sa pagpasasok sa elevator paakyat sa 10th floor. Nagk

More Chapters
Download the Book
GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy