loading
Home/ All /Dominant Series 3: Ignite (Tagalog)/Chapter 4 - Comethru

Chapter 4 - Comethru

Author: VraielLajj
"publish date: " 2020-07-30 09:55:30

Sa nangyaring kahihiyan, wala na siyang mukhang ihaharap sa lalaki. At dahil galit din siya rito kaya iniwasan niya ito at pambihira na rin niyang makita ang kapatid. Halos hindi na nga niya nakita simula nang insidenteng nangyari sa kwarto niya pero nakadagdag tampo at inis iyon sa inosente niyang puso. Bwesit talaga ang kapatid niya! 

"Hey, Amara baby!"

Napalingon siya. Alam niyang si Theon ang tumawag. Kasama nito si Herrence na sobrang seryuso ang mukha. Himala na siguro kung makikita niya itong ngumiti but gosh, ang dalawang crush niya! Biglang naghugis puso ang mga mata niya habang nakatingin sa mga ito. Ang swerte ba naman ng araw niya!

"Yeah?" gayon pa man ay umakteng siyang casual sa harap ng mga ito.

"Gusto mo sumama?" Si Theon na nakangisi. Minsan nakakatakot din ang ngisi nito, parang asong ulol.

Tumingin siya sa wristwatch na suot. Maaga pa naman at isa pa, si Theon at Herrence ang kaniyang kasama. Mabilis siyang tumango at pumayag. Nagkibit naman ng balikat si Herrence na ngayon lang niya napansin na may bitbit na isang bugkos ng rosas habang chocolates naman kay Theon sa kamay. Nanlaki ang kaniyang mata at nagdududang napatingin sa mga ito.

"Omo! May relasyon kayo?!" parang tangang sambit niya.

Isang malakas na kutong ang kaniyang nakuha kay Theon. "Baklang twuuu!" pabirong irap sa kaniya ng lalaki. "Mag-pinsan kami."

Natawa naman siya ng malakas sa inakto nito. Bagay na bagay nito maging bakla saka biro lang niya iyon. Of cours, alam niyang magkadugo ang mga ito kaya nga pareho niya itong crush. Maliban sa ang gagwapo, ang gaganda pa ng mga mata. Hindi tulad ng kuya Azael niyang subrang dugyot. Napaismid siya nang maalala ang lalaki.

Mabilis siyang siyang inakbayan ni Theon nang pagiya na sila sa kotse na pag-aari nito na nasa parking lot. Buti pala talaga at nagpasiya siyang mag-window shopping at manood ng sine at dahil sinuwerte siya at nakita ang dalawang gwapong crush niya. May sariiling sasakyan si Herrence kaya sa sasakyan siya ni Theon sumakay. Ang awkward kasi sumakay kasama kay Herrence, parang laging pasan nito ang mundo at hindi ito umiimik maliban na lang kapag kausap nito ang pinsan nilang si Cuhen at kuya niyang si Azael.

"Saan nga pala tayo pupunta? Huwag mong sabihin na itatanan mo ako ah, hindi pa ako ready..."

Malakas na halakhak ang kumawala sa katabi niyang gwapo. Halos masamid-samid ito sa kakatawa. Namula naman ang kaniyang buong mukha. May mali ba sa kaniyang sinabi? Malay ba niya at itatanan talaga siya nito.

"Ang lakas talaga ng pang-amoy mo, Amara baby. Paano mo nalaman na itatanan na nga talaga kita?"

Nanlaki ang kaniyang mata sa sinabi nito. "Talaga? Pero hindi Theon! Gusto ko pang magtapos ng senior high at magagalit si mommy niyan, baka pwede pag tapos na ako." sabay hagikhik niya.

Mas lalong bumunghalit ito ng tawa. "Ewan ko sa'yo, Amara."

Hindi na siya umimik at hinarap na lang niya ang kaniyang cellphone. Umabot rin ng isang oras ang kanilang byahe dahil sa light traffic. Napansin niyang nasa Fobres Park sila. Naunang bumaba si Herrence sa unahan habang bitbit nito ang chocolate sa isang kamay. Hindi niya na hinintay na pagbuksan siya ni Theon, deritso na siyang lumabas at napaikot ang kaniyang tingin sa paligid. Isang modern mansiyon ang kaniyang nakita at subrang nagustuhan niya ang desinyo no'n kung kaninong mansiyon man itong pinuntahan nila.

"Sinong may-ari nito?"

"Bakit, bibilhin mo?" si Herrence.

Napanguso siya sa naging sagot na iyon ng lalaki. Kung hindi lang niya ito crush, naku lang! baka inaway niya na ito. Buti na lang at mababait siya sa mga crushes niya. Naka-akbay sa kaniya si Theon nang pumasok na sila sa loob ng kabahayan. Nagulat siya nang makitang kompleto ang mga ito. Ando'n ang pinsan niyang si Cuhen at girlfriend nitong si Florae at dalawang babae hindi niya kilala ang pangalan pero aaminin niyang ang gaganda ng mga ito na parang modelo.

Sa gitna ng round table ay nakahanda ang mga pulutan at junkfoods. Kulang na lang ay beer at kompleto na. 

"Where's the fucker Azael?" bungad agad na tanong ni Herrence.

Napakurap-kurap siya nang marinig ang pangalan ng kaniyang kapatid. Ibig sabihin, andito rin ito? Makikita niya ang asungot na bwesit na kuya niya? 

"Preparing our drinks," kiming sagot ni Cuhen. "Hey Amara sweety, good thing you're here." ngumiti ito.

Bigla naman siyang kinilabutan sa ngiting iyon na kaniyang pinsan. Hindi siya sanay na ngumiti ito sa kaniya dahil para rin itong si Herrence.  Ngiti na lang ang kaniyang tugon at nag-hi lang siya sa mga ibang panauhin na nando'n.  Naka-akbay pa rin sa kaniya si Theon nang lumabas galing sa kung saan ang kaniyang kuya at may bitbit na dalawang bucket ng San Mig light. 

"Drinks are ready fuckers——" Natigil ang anuman sasabihin nito nang tumama ang mata nito sa kaniya. Bahagya itong nagulat nang makita siya mostly sa kamay ni Theon na naka-akbay sa kaniya habang nakangisi ang huli na parang pag-aari siya. 

"Ito na 'yun flowers na pinasuyo mo." Binigay nito kay Herrence ang bulaklak.

"Akin ba 'to? " Bigla naman tumayo ang isang babae na hanggang balikat ang haba ng kulay blonde na buhok. Slim ito at mukhang manika kung titingnan. Deritso nitong nilapitan si Azael at binawi nang walang sabi ang hawak na bulaklak at tsokolate.

Napatanga siya. Hindi ba ito nabigyan ng bulaklak dati? Gusto niyang itanong iyon pero nanahimik na lang siya.

"Thank you, babe." 

Lihim na napakunot ang kaniyang noo nang lumapit ang babae sa kaniyang kuya at yumakap dito at humalik sa labi. Nagkukot ang kaniyang kalooban sa nakita. Ang landi! Pinilit niyang inalala ang pamilyar na mukha ng babae. Napataas ang kaniyang kilay nang maalala niya na, ito 'yun babae na kasama nito sa restaurant. Ang babaeng naging dahilan kung bakit walang Azael na sumulpot sa birthday niya at kung bakit wala na itong panahon sa kaniya na kapatid niya. Ito 'yun babae na sinasabi  nito na papakasalan nito kapag ready na. Bakit hindi niya gusto ang ideyang iyon?! Hindi bagay ang  mga ito at mukhang tingin niya, kagwapuhan lang ang habol nito sa kapatid niya.

"Who brought my sister here?" Walang emosyong tanong nito na sa kaniya nakatutuk ang mata. Hindi man lang nito pinansin ang babaeng parang tuko nang kumapit dito.

"Me!" Si Theon na nakangisi pa sabay taas ng kamay sa ere. 

"Fuck you." 

"Thank you."

"Tama na 'yan." Si Cuhen na inagaw ang boteng hawak ni Azael at walang sabing binuksan iyon. "Para sa bagong bili mong mansiyon at bagong babae..."

Sa kapatid pala niya ang mansiyon ito? Not bad. Para siguro ito sa babaeng papakasalan nito kaya bumili na nang sariling mansiyon. Napaikot siya ng eyeball at kinalabit si Theon na umupo na sila dahil sila na lang yata ang nakatayo. 

"Amara is only 17 years old! The fuck, hindi pwedeng uminom ang kapatid ko! You shouldn't have brought her here, idiot." Parang kulog na saad ng magaling niyang kapatid.

"Stop being protective! Pwede kong gawin ang gusto ko." Inirapan niya ito pero nang sumulyap siya kay Theon ay ngumiti siya ng matamis. Ewan kung bakit ginawa niya iyon sa harap ng mga ito. Trip niya lang. 

"Hayaan na natin ang kapatid mo, Amara baby." Kumindat sa kaniya si Theon at hinila na siya nito paupo sa sofa katabi si Herrence. 

Great! Katabi niya pareho ang kaniyang dalawang crushes. This is it! Mabilis niyang kinuha ang cellphone sabay sabing cheese sa gitna ng mga ito. Hindi niya sinali ang babaeng katabi ni Herrence. Nag-request pa si Theon na groupie daw, lahat nakangiti maliban kay Azael na pinagsakluban ng buong mundo ang mukha at hindi yata maipinta. 

Nagsimula na silang mag-inuman. Sa subrang inis niya dahil sa subrang kapit tuko ng girlfriend ng kapatid, nilagok niya agad ang boteng may laman alak. Napapikit siya sa subrang pait. First time niyang uminom at totoong subrang pait nga pala talaga. Parang naduduwal siya pero ayaw naman niyang mapahiya kaya nilunok niya iyon na hindi maipinta ang mukha. 

"Lit'l sissy, take it easy at baka malasing ka agad," maarteng saad ng girlfriend nitong pinangalanan niya sa isip niya ng malandi! Higad! 

"Sisiw lang ito 'no!" ngumisi siya. 

"Sweety..." si Cuhen. 

"Kuya kahit 17 years old lang ako, kaya ko 'to. Ako pa!" nag-thumbs up pa siya sa mga ito na tinawanan ng lahat maliban sa KJ niyang kapatid. 

Sandaling umalis sa kaniyang tabi si Theon at nagpatugtog ng mga bagong kanta sa stereo. Malakas iyon kaya napapaindak silang mga kababaihan at kasali siya ro'n. Nag-hugis puso ang kaniyang mata nang marinig na kumanta ang binata nang papalapit sa kaniya. 

Now playing... Comethru by Jeremy Zuckers

Napangiti siya ng subrang tamis nang umapila na sa ere ang chorus. Ah, she love it! Hindi niya napansin na ilang sunod-sunod na lagok ang ginawa ni Azael habang nakatingin sa malayo. 

Nag-enjoy si Amara nang mga sandaling iyon. Akmang kukuha siya ng panibagong bote nang mabilis pa sa alas-kwatrong pinigilan ng kapatid niya ang kaniyang kamay. Tinaasan niya ito ng kilay at wala siyang pakialam sa galit na nakikita niya sa mata nito. 

"Come on babe, let your sissy enjoy the night." 

Lihim na tumaas ang sulok ng kaniyang labi. Gusto sana niyang gayahin ang maarteng boses nito at irapan pero mas gusto niyang mapasakaniya ang hawak na bote na pinigilan ni Azael. 

"Put it down Amara."

Ngumisi siya at sinunod ang gusto nito pero mabilis na kumuha ang kaniyang kaliwang kamay na hindi nito napigilan. Tawang-tawa siyang bumalik ng upo habang hawak ang inumin. Agad niyang tinungga iyon at naramdaman niya ulit ang mapait na lasa nito pero unti-unti niya ng nagustuhan. 

Malanding pinisil naman ni Theon ang kaniyang pisngi at hagikhik ang kaniyang naging tugon.

"Fuck it Theon!" asik nito.

Tumawa lang ang binata pati siya. Ramdam niyang umikot na ang kaniyang paningin at nakaramdam siya na maiihi kaya nag-excuse siya sa mga ito na pupunta ng bathroom. Deritso lang siyang tumayo at hinayaan ang kaniyang instinct na ituro kung saan ang bathroom sa bahay na iyon.

Want to know what happens next?
Continue Reading
Previous Chapter
Next Chapter

Share the book to

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Latest chapter

Dominant Series 3: Ignite (Tagalog)   Special Chapter

"Theon!" masayang tumakbo si Amara para yakapin ang lalaki nang biglang humarang si Azael na nakasimangot ang mukha. "Back off, asshole." Humarang ito sa gitna at ito mismo ang yumakap sa kaniya ng mahigpit at biglang binelatan si Theon. "Ang damot mo, ah! She's my wife way back then." "EX WIFE." pag-emphasised ni Azael at nakahawak na sa kaniyang beywang. Nakasimangot pa rin ito at halatang ayaw lang siyang palapitin sa lalaki kahit may asawa na rin si Theon. "So? Kung hindi ko siya pinakawalan sa tingin mo magiging sa'yo siya?" Napairap na lang siya sa hangin at pumagitna sa dalawang lalaki na nagbabangayan. Nasa isang simbahan sila para umattend sa christening ng anak ni Doc. Hudson at Abhaya. Subrang cute ng triplets ng mga ito at subrang tuwa niya dahil kinuha silang ninang at ninong. It's been a 3 years pero wala yatang planong bigyan siya ng anak ng

Dominant Series 3: Ignite (Tagalog)   Final Chapter 50 - Kanta

Napapatitig si Amara sa napakagwapong lalaki na simula nung bata pa siya ay crush na crush niya na ngayon ay nakaupo sa kaniyang tabi habang hawak ang kaniyang kamay sa ilalim ng mesa at kausap ang kaniyang mga magulang at kapatid. Nasa loob sila nang isang mamahaling restaurant kasama ang magulang ni Azaela at kapatid nitong si Celestine. "Until now hindi pa rin ako makapaniwala that you two are inlove since then. God! Nakakalito pero I'm happy for the both of you and to Amara, mommy mo ulit ako and this time tuhanan na." Nakangiting siwalat ng mommy nila ni Azael. Nagpapahid ito ng luha at inakbayan agad ito ng daddy nila. "My, 'wag kang umiyak pumapangit ka." Pagbibiro niya at iningusan ang ina nang pinandilatan siya nito ng mata. Naka-plaster pa rin ang kaniyang kamay at paa kaya ang kasal nila ay mangyayari pagnaka-recover na ang kaniyang katawan at makapaglakad na siya. While Penelope and her parents was now behind

Dominant Series 3: Ignite (Tagalog)   Chapter 49 - Spongebob Square Pants

Hindi niya magawang kumilos basta ang alam lang niya ay nanginginig siya at gusto niyang pumatay ng tao. Putangina! "Papakasalan mo ang anak ko or kasama kang mamamatay sa babaeng iyan?" Isang kasa ng baril ang narinig niya pero hindi siya lumingon. Nanatili siyang nakatingin sa babaeng wala ng buhay na nakahiga. Kitang kita sa mukha nito ang matinding paghihirap na sinapit and that makes him mad. Tangina lang subrang sakit! "Sumagot ka!" malakas ang boses nito pero wala pa rin reaksyon na makikita sa kaniya. Nanginginig ang kaniyang kamay na hinaplos ang pisngi ni Amara at marahan hinawi ang buhok nito. Marahang nagsipatakan ang kaniyang mga luha at niyakap ito ng mahigpit. Sunod-sunod sa pagsipatakan ang kaniyang mga luha at hindi na iyon tumigil. Napahagulhul siya habang yakap-yakap ang katawan nito. Kung naging alisto lang ba siya kanina baka hind na ito nangyari. Kung sana naging mabilis siya sa paghabol sa mg

Dominant Series 3: Ignite (Tagalog)   Chapter 48 - Baby Shark Dududu

Ang lawak ng ngiti ni Azael habang papalabas ng silid ni Amara. Kanina pa niya pinipigilan ang kaniyang kilig at nung hindi niya mapigilan, parang timang siyang napasuntok sa may pader pero agad din napaaray. Ano ba! Nakakabakla talaga pero kinikilig siya na parang lalaking napansin ng crush niyang maganda. "Azael kalma ka lang, gwapo tayo at dapat chill-chill lang para cool tingnan." pakiusap niya sa sarili habang ang ngiti niya ay hindi mapuknat sa kaniyang hitsura. Pasimple siyang umubo at inayos ang sarili. Nakakadiri siya kung kiligin. Hooh! Kasumpa-sumpa! Matutulog na daw ang prinsesa niya kaya siya, matutulog na din pero sana dalawin siya ng antok nito. Baka hindi na siya makatulog nito sa subrang taas ng kilig hormones ng kaniyang katawan. Tumatawa siyang humiga sa sofa ng sala. Kumuha lang siya ng kumot sa kabilang silid at unan. Doon lang siya sa sofa matutulog sa gabing iyon. Ang nangyari, buong magdamag siyan

Dominant Series 3: Ignite (Tagalog)   Chapter 47 - Thank You Lord!

Busy sa pagkakalikot ng cellphone si Azael sa sala at naglalaro ng Candy Crush nang maramdaman niyang nagising si Amara based na rin sa pangalang tinawag nito. Theon! Bakit nga ba hindi niya binalian ito ng buto kanina at inilibing sa buhangin ang hayop na 'yun?! Hindi niya pinansin ang pagtawag nito, nanatili siyang naglaro sa kaniyang cellphone ng Candy Crush Saga. Level 10 na siya at kailangan niyang mag-match ng candies pero agad din niyang binagsak sa sofa at humugot ng hangin bago nagpasyang pumasok sa silid kung nasaan ang babae. Nagulat ito nang makita siya at hindi agad nakapagsalita. Nakatitig lang ito sa kaniya at kitang-kita niya ang malungkot na kislap ng mga mata nito. "A-azael..." Lumapit siya rito at walang ngiting tumango. Seryuso lang siyang nakatingin. "Tayo lang dalawa rito and if you asked me kung nasaan, hindi ko rin alam. All I know is iniwan ka

Dominant Series 3: Ignite (Tagalog)   Chapter 46 - Theon Gwapo

Masakit ang ulo ni Azael nang magising siya kinabukasan. Mataas na ang sikat ng araw at doon lang niya naisip na naparami ang kaniyang inum. Natampal niya ang kaniyang noo at dali-daling pumasok sa loob. Kailangan niya ng bumalik sa daungan at hindi pa niya nakakalimutan ang plano niyang dukutin ang lalaki na mas hamak na gwapo naman siya. Malabo lang ang mata ni Amara. Habang pabalik siya sa daungan, maraming plano ang pumasok sa utak niya. Mga estrahiya, tips at survival. Eksaktong pababa na siya sa kaniyang yacht nang may tumutok sa kaniya ng dekalidad na baril. Agad kumilos ang kaniyang kamay at nakipag-agawan. Nagsuntukan at basagan pa sila ng mukha nang maramdaman niyang may tumama sa kaniyang leeg. Napahawak siya kung saan siya tinamaan at ilang segundo lang ay namigat ang talukap ng kaniyang mga mata. "Damn! Pinahirapan tayo ng lokong 'to." "Good. Now he's asleep. Let's bring him."

Dominant Series 3: Ignite (Tagalog)   Chapter 29 - Best Acting Goes To

"Bye wife," Si Theon. Tinawanan lang niya si Theon sa tuwing tatawagin siya nito ng ganun at tatawa lang din ito sabay kamot ng batok. "Take care hubby." panggagaya niya sa tono nito. "Without kiss?" Pinakitaan ni

Last Updated : 2026-03-17

Dominant Series 3: Ignite (Tagalog)   Chapter 28 - 2nd War

Confirmed. May temporary memory loss si Azael at sandaling kumalma sa bagay na iyon si Amara. Ang ipinagtaka lang niya ay kung paano nito naalala na may bahay ito sa fobres park. Napatigil siya sa pag-jogging, nakita niya ang kaniyang kapatid na nag-jogging din tulad niya. Mabilis siyang nag-iba

Last Updated : 2026-03-17

Dominant Series 3: Ignite (Tagalog)   Chapter 27 - Azael

Walang emosyong nakatingin si Azael mula sa malayo habang pinagmamasdan ang dalawang taong nasa harap ng altar at nagpapalitan ng 'Yes' sa harap ng maraming tao. Hindi niya na tinapos ang seremonya at walang ingay na umalis sa loob ng simbahan. Nasa likod siya naka-pwesto at walang nakapansin sa

Last Updated : 2026-03-17

Dominant Series 3: Ignite (Tagalog)   Chapter 26 - I Don't Love You

Mabilis na lumipas nag buwan, natapos niya ang senior high school at agad siyang pinauwi sa Pinas ng kaniyang magulang habang si Trinity naman ay umuwi ng Canada. Magbabakasyon daw ito ng bongga at sisilipin ang kapogian ng crush nito pero after non ay susunod agad sa kaniya para raw tulungan siy

Last Updated : 2026-03-17
More Chapters
Download the Book
GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy