로딩 중
홈/ 전체 /Dominant Series 2: Luscious (Tagalog)/Chapter 9 - Try Me

Chapter 9 - Try Me

작가: VraielLajj
"게시일: " 2020-07-28 19:02:38

Agad siyang isinama ni Hudson sa lakad nito. Nakakapagtaka, hindi ba dapat magrereklamo ito? Sino ba'ng lalaki na papayag na magkaroon ng bodyguard na babae pa? Kilala niya ito at hindi ito basta-basta nagpapaapak kung pride ang pag-uusapan at kung iisipin, hindi lang basta pride inapakan niya ngayon araw. Proteksyunan ito? Gusto niyang matawa. Kung hindi lang dahil kay Yx at kung nagbasa lang din sana siya baka nakapag-back out pa siya.

Magkatabi sila sa passenger seat at pareho silang tahimik. Deritso lang ang tingin niya sa kalsada at gano'n din ang binata. This is the worst assignment she ever had! Napakuyom siya ng kamao. Sa lahat ng tao, bakit dito pa sa taong kinasusuklaman niya pa?

“From what agency you are Ms. Trunt?” 

Lihim siyang napaikot ng eyeball. Mas gusgutuhin niyang hindi ito magsalita pero dahil boss niya ito ngayon kaya kailangan niyang sagutin bawat tanong nito. “You can ask your mother, Doc. Hayes.” Takang napasulyap ito sa kaniya pero hindi niya na pinansin iyon. She's tired already to give a damn. 

“She looks exactly like you,” mayamaya'y saad nito na nanatiling nakatutuok sa kalsada ang mata.

Hindi siya sumagot. Tumingin lang siya sa unahan at nagdasal na sana ay dumating na sila kung saan ang kanilang deriksyon. Ang nakakabwesit lang talaga sa lahat ay 24/7 niya itong babantayan, it means lagi niya itong makikita.

Sinubukan niyang sulyapan ito at basahin ng palihim ang mga mata pero wala pa rin nagbago, ang hirap nitong basahin. Sa almost 2 years niyang pagkawala, napansin ni Abhaya na malaki ang pinagbago ng lalaki. Mas lalo itong naging hot and devilish handsome. Ang buhok nito ay naka-messy top cut at halatang kaka-shave lang nito dahil sa bango ng aftershave na gamit. Napailing siya at naalalang demonyo nga pala ang lalaki. 

Napakuyom siya ng kamao nang makita ang Hayes Group of Hospitals. Parang kinuyom ang kaniyang puso nang maalala ang nakaraan. Ilang gabi ba na umiiyak siyang natutulog at nagigising sa tuwing naaalala niya dahilan ng pagkawala ng anak niya? Dapat ngayon sana ay munting anghel na siya na ngumiti sa kaniya ngayon. Mabilis niyang binura sa isip iyon nang lumabas sila sa saksakyan nito. She's Kianna Trunt, and  ang dating Abhaya Kiene Sahada ay matagal ng wala. 

Nauna itong naglakad habang nasa likod lang siya. Pasulyap-sulyap siya sa bawat paligid at binabasa bawat kilos ng tao, wala naman siyang makitang kakaiba pero lahat ng mga mata ng mga madadaanan nila ay nakatingin sa kanila. Kung sabagay, naka-sunglasses pala siya. Gusto niyang matawa at mukhang naligaw siyang modelo sa araw na iyon kaya ang ginawa niya ay sinabayan ang paglalakad ng binata kahit ang lalaki ng hakbang nito. 

Namataan niya si Jackylyn sa lobby, nakabihis ito ng formal outfit at may bitbit na folder sa isang kamay. Kumindat ito sa kaniya bilang go signal. Tango lang ang naging sagot niya at nagtuloy-tuloy na sila sa elevator ng lalaki. Kung siya ang tatanungin, ayaw niya ng tumuntong sa hospital na ito. Ang daming masamang alaala na naiwan dito at inaamin niya, hanggang ngayon nasasaktan pa rin siya sa nangyari.

“May gusto akong linawin sa'yo bilang bodyguard ko.” 

“Shoot!” deritsahang saad niya habang paakyat na ang elevator sa 27th floor.

Sandali itong tumigil at napailing-iling sa kaniyang naging sagot. “Are you hundred percent sure you could handle this job? You are weak and——” sandali itong sumulyap sa kaniya, “A woman.” 

Napangisi siya ng wala sa oras. Hindi siya sumagot pero mabilis na umigkas ang kaniyang kamay papunta sa mukha nito pero mabilis din nitong nasalag na tila inaasahan na nitong gawin niya. But no, hindi pa siya tapos at dahil sila lang dalawa sa elevator at malaki ang espasyo, agad niyang tinabig ang kamay nito at ang isang kamay naman niya ang patama sa mukha ng lalaki. Tulad ng una, nasalag na naman ng binata kahit isang kamay lang ang gamit. 

Habang papaakyat ang elevator sa itaas panay atake naman ang kaniyang ginagawa rito habang puro ilag at salag ang ginagawa ng kaharap. Kamay at siko lang ginamit niya habang isang kamay naman ang gamit nito. Masyado yata siyang minamaliit! Pabilis nang pabilis ang kaniyang galaw at nabasag pa niya ang salamin dingding nang tumama ang kaniyang kamao ro'n.

Mabilis siyang umikot sa likuran ni Hudson at ginamit ang siko para sikuhin ang leeg nito pero nasalag ulit. Umigkas ang isang tuhod niya, tumama iyon sa hita ng lalaki at hindi nito napaghandaan ang kaniyang ginawa. Napaluhod ito at ang lawak ng ngisi siya. Muli siyang umatake para bigyan ito ng malakas na sipa sa mukha para lang hindi mapaghandaan ang biglang paghila nito sa paa niyang papasipa rito. 

Natumba siya at tanging sahig ang sumalo. Natanggal pa ang sunglasses na suot niya at tumilapon ito. Sumilay ang ngisi nito na parang pinapahiwatig sa kaniya na talo siya pero agad niyang ikinawit ang isang binti sa leeg nito at umikot para sakyan ito sa likuran at gamitan ng kakaibang technique. 

Si Hudson naman ang nasa lapag nakadapa pero wala siyang pakialam. Napangisi siya sa naramdaman pagkapanalo habang naka-lock ang dalawang kamay habang nasa likod siya at nakasakay. Hindi niya alam na masyadong awkward ang kanilang posisyon. 

“Now tell me, Mr. Hayes?” puno ng pang-uuyam na lumabas sa bibig niya ang katagang 'yon. 

Pero hindi niya nahandaan ang biglang pag-ikot nito na hindi niya alam kung paano nito nagawa dahil sigurado siyang mahigpit ang pagkaka-lock niya. Napasinghap siya nang makitang hindi maganda ang posisyon nilang dalawa! 

Nasa ilalim siya nito at nasa ibabaw ang binata at siya naman ngayon ay naka-lock both sides. Magkahawak ang kamay nila habang nakapinid sa kaniyang uluhan at ang bigat nito ay isa sa dahilan na nagpapatigil sa kaniya. Bullshit! Diniin nito lalo ang sarili sa kaniya para hindi siya makagalaw. She was lock! 

“Tell you what, Ms. Trunt?” tagos kaluluwa ang binigay nitong titig sa kaniya. Walang emosyon. 

Eksaktong bumukas naman ang elevator at nasa floor 27th na pala sila. Ito yata ang pinakamatagal na sakay niya sa elevator sa buong buhay niya. Tumayo naman ang lalaki na parang walang nangyari, pinulot ang attache case at naunang lumabas.

Sandali siyang napapikit at hinamig ang sarili saka pinulot ang sunglasses sa kalayuan. Do'n lang niya napansin na puro sugat pala ang isang kamay niya at dumudugo. Bago pa siya traydurin ng alaala, mabilis na siyang lumabas at sumunod sa lalaking Doctor. 

Nagpapasalamat siya at wala na talaga ang pagmamahal niya para rito. Pagkamuhi na lang at natira at balang-araw, gaganti siya sa paraan na masasaktan niya ito sa mas masakit pa na paraan. Nangako siya sa magulang nito na proteksyunan ang lalaki kaya gagawin niya sa ngayon na proteksyunan ito. 

Ang kailangan nilang gawin ni Jackylyn ay malaman sa madaling panahon ang sino ang gustong pumatay rito para makaalis na siya sa poder ng lalaki. Sa tuwing nakikita niya ang mga walang emosyong mata nito, nabibwesit lang siya. 

Nababagot na nakaupo siya sa couch. Hindi niya rin pinansin ang dumudugong kamay. Matagal na siyang manhid pero bakit sa tuwing naaalala niya ang nakaraan na matagal niya ng binaon sa limot, nasasaktan pa rin siya? Napailing siya, hindi iyon magiging hadlang sa lahat. Ang sakit na naranasan niya ang dahilan kung bakit siya naging ganito, bakit siya naging matapang, bakit niya nakayang tumayo sa harapan ni Hudson na parang wala lang. Sa tagal ng panahon, naging kaibigan niya ang sakit na laging umaalipin sa kaniya. 

Nagtaas siya ng kilay nang makitang tumayo ang binata at madilim ang mukhang lumapit sa kaniya, mabilis nitong kinuha ang kaniyang kamay. Saka lang niya napansin na may hawak itong medicine kit. 

“Thanks but no thanks.” Agad niyang binawi ang kamay. 

“Ako ang Doctor dito,” walang ganang sagot nito.

“At buhay ko ito, Doc. Hayes. Wala akong pakialam kung ikaw ang Doctor dito, dahil alam ko kung paano gamutin sarili ko. See? Walang wala itong sugat na 'to sa mga balang tumama sa katawan ko during my assignment. Pain makes me alive, Doc. Hayes,” seryusong saad niya at tumayo. Deritso niyang tinungo ang pasilyo patungong restroom para linisin ng personal ang sugat. Sisiw lang ito kung iisipin. 

다음 내용을 궁금하신가요?
이어 보기
이전 챕터
다음 챕터

에 작품 공유하기

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

최신 챕터

Dominant Series 2: Luscious (Tagalog)   Special Chapter

Natatawang pinagmasdan ni Abhaya ng palihim si Hudson na mabubuang na yata sa paghahabul sa tatlo nilang makukulit na tsiketing sa maluwang na bakuran ng kanilang mansiyon. Dalawang taon pa lang ang mga ito pero ang tatabil na at ang daming tanong. Hindi yata naubusan ng tanong lalo na ang nag-iisang prinsesa nila habang 'yun dalawang prinsipe nila ay tahimik lang ang isa at ang isa ay napaka-hyper. Tipong kinukulit nito ang isang kapatid nitong lalaki at doon pa lang bibigay ang isa para makipaglaro at sabay nitong paiiyakin at awayin ang nag-iisang babaeng kapatid. "Harper, Hnleigh! Come on baby, stop running. Daddy is tired. Mabubuang na yata ako." Agad naman tumigil ang dalawa at nagtitigan. Kumindat 'yun isang kambal nilang si Harper na subrang kulit at maloko sa kambal nitong si Hnleigh na sunod-sunuran lang sa gusto ng kapatid. "Daddy! They are running inside the house! Oh my daddy. They're so

Dominant Series 2: Luscious (Tagalog)   Chapter 40 - To Infinity And Beyond

Napangiti si Abhaya habang pinagmamasdan ang si Hudson na ngayon ay seryusong nagmamaneho. Nakatuon ang atensyon nito sa daan pero mayamaya lang ay napangisi ito at napailing-iling. "Thingking something?" amused na tanong niya. Ngumiti ito nang lumingon sa kaniya at ginanap ang kaniyang isang kamay at hinalikan iyon. "I still can't believe that you are mine again." "I can run away again and hide." Humigpit ang hawak nito sa kaniyang kamay. "Yeah, and I'll chase you again and again." "But what about Zerus? Pagkakaalam ko, gustong gusto niya ako." pang-aalaska niya. Alam niyang matindi ang galit nito sa binata. Iba rin magselos ang isang Hudson. "Damn! Don't mentioned that simpleton, he'll rot in jail." Hindi siya sumagot. Hinalikan lang niya ito sa pisngi at humilig sa balikat nito. "Love..."

Dominant Series 2: Luscious (Tagalog)   Chapter 39 - Hudson POV III

War was been declared. Kung siya rati ang hinahabol ngayon naman siya ang humahabol sa kaniyang kaaway. Hindi na siya mapapaikot tulad ng ginawa nito. Mahilig itong maglaro at ngayon siya naman ang maglalaro. Ang taya? Buhay. Natapos niya ang away sa pamamagitan ng tulong ng mga tanginang kaibigan niya. Basta patayan, laging present ang mga ito. Pero sa tuwing dumadaan sa isip niya ang huling engkwentro nila ng pinaka-mastermind sa Mexico, nakakaramdam siya ng kalungkutan. Part of it ay kasalanan niya kung bakit ang laki ng galit nito. “You killed my son, and you deserve to die.” nakangising saad nito kahit bugbug sarado niya ang mukha. Tuliro siyang napatitig dito. Hindi niya maintindihan ang pinagsasabi ng hayop na ito na ilang beses ng sumundo sa kaniyang buhay. “The fuck are you talking about!” Isang suntok pa ang binigay niya rito. Napaubo ito at n

Dominant Series 2: Luscious (Tagalog)   Chapter 38 - Hudson POV II

Island of Algiers, New Orleans. 03:13 AM. August 30, 2018 Napatitig si Hudson sa suot na wristwatch , hinihintay niya ang tamang pagsalakay. Gamit ang motorboat na ninakaw lang niya mula sa kung saan para makalusot sa kabilang isla ay naghintay pa siya ng isang oras. May dina-download pa siyang plano. “Saan ka?” Si Cuhen. “Hell, dude.” “Fuck you. Make sure you come home else, I'll burn the entire hell.” “Idiot. Gotta go! See ya when I see ya again!” Walang sabing pinatay niya ang cellphone. Hindi niya pinasama si Theon, hindi ito kasama sa away niya kaya hinayaan niya itong maghintay sa kotse kahit kating-kati itong sumama—— siya na ang umayaw. Hindi pwede. Mabilis niyang pinaandar ang sasakyan pandagat na gagamitin sa oras na iyon. He arrived

Dominant Series 2: Luscious (Tagalog)   Chapter 37 - Hudson POV

Hindi mapigilan ni Hudson ang mga luhang kumawala sa kaniyang mga mata. Habang pinagmamasdan ang pinakamagandang babae na ngayon ay marahan naglalakad sa pulang carpet, na kanina lang ay pinaliguan ng mga tsikiting ng mga puting rosas. His queen, the love of his life, the one whom he gonna spend his life with. After years of chasing, here they are at mangangako sa harap ng Diyos na mamahalin ang bawat isa mamaya sa altar. “Dude she's really beautiful,” anas ni Farhistt. Pabiro pa siyang siniko. “Thanks man but you still owe me a punch. Hanggang ngayon nanggigigil pa rin ako sa tuwing naaalala ko ang pag-kidnapped mo sa kaniya.” “Correction; tulong. Hindi kidnapped.” Hindi na siya sumagot dahil nasa harapan niya ang dalaga. He was fascinated by her beauty at sandaling tumigil ang oras nang maglapat ang kanilang mga mata.

Dominant Series 2: Luscious (Tagalog)   Chapter 36 - Petals

Biglang natigil sa pag-iyak si Abhaya nang maramdaman niya ang kamay na humaplos sa kaniyang buhok. Mabilis siyang napalayo kay Hudson at doon niya nasilayan na buhay ito at ang lapad ng ngiti. Kumikinang pa ang mga magagandang mata nito na parang nanalo sa lotto sa sobrang saya. Natuliro siya bigla at hindi alam kung ano ang gagawin nang oras na iyon. Akala ba niya at... Napatingin siya sa buong silid na iyon at lahat ay nakangiti sa kaniya. Nakababa na ang mga mask ng mga ito at kitang-kita niya ang kasiyahan at kilig sa mga mukha ng mga ito na parang nasa pelikula sila. Isa na ro'n sina Yx, Cuhen, Azael, Zyd, Theon at ang iba ay hindi niya na kilala kung sino ang mga ito. Kung gano`n, ang lahat ng mga nangyayari ay palabas lang lahat? Mabilis niyang pinahiran ang mga luha sa kaniyang mata. Umakyat ang dugo sa kaniyang ulo at bago pa siya kainin ng hiya at galit niya, mabilis niyang tinakbo ang pintuan papalabas sa nakakahiyang silid

Dominant Series 2: Luscious (Tagalog)   Chapter 29 - His Point Of View

“What happen here?” bungad ni Hudson sa mga nagkukumpulang nurse sa hallway. Napasigaw naman ang mga ito sa biglaan pagbungad niya. Namutla lahat ng mga hitsura nito at mabilis na nagtulakan kung sino ang unang magsasalita. Bigla siyang kinutuban kaya mabilis siya

Dominant Series 2: Luscious (Tagalog)   Chapter 28 - Loath You

“Please come back...” “I need you...” Gustong tingnan ni Abhaya kung kanino nanggaling ang boses pero mas pinili niyang huwag gawin. Nanatili siyang nakapikit at kasabay ang pag-flash back ng mga nakaraan.

Dominant Series 2: Luscious (Tagalog)   Chapter 27 - Wake Up

Panay linga si Abhaya nang magtago siya sa likuran nang malalaking paso ng mga halaman. Sinubukan niyang tingnan ang mapa na hawak pero dahil madilim, hindi niya makita kahit linya man lang. Fully loaded ang magazine na hawak niya pero gagamitin lang niya ito kapag gipit na siya. Ku

Dominant Series 2: Luscious (Tagalog)   Chapter 26 - You?

Dim na paligid ang namulatan ni Abhaya nang sandaling nagmulat siya ng mga mata. Ilang beses pa siyang kumurap para mag-sink in sa isip na ibang lugar ang kinaroroonan niya. Merde! Napabangon siya para lang mapabalik ng pagkakahiga dahil sa mahigpit na lu

더보기
작품 다운로드
GoodNovel

앱에서 작품을 무료로 다운로드하세요

다운로드
원하는 항목을 검색하세요.
보관함
검색하기
로맨스가상역사도시마피아시스템판타지LGBTQ+아놀드MM Romancegenre22- 韩语genre26-한국어 번역genre27-.请勿使用한국어 번역genre28-한국어 번역
단편 소설
하늘미스터리 추리현대 도시세계 종말 생존액션 영화SF 영화로맨스 영화피비린내 나는 폭력로맨스학원물서스펜스/스릴러상상력물환생현실 감정물늑대인간희망꿈행평화우정똑똑한행복한폭력적인부드러운강력한红安피비린내 나는 대학살살인역사적 전쟁판타지 모험과학 소설기차역
만들기작가 혜택공모전
핫 장르
로맨스가상역사도시마피아시스템판타지
연락처
회사 소개도움말 및 문의비즈니스
자료
앱 다운로드작가 혜택콘텐츠 정작품키워드인기 검색어작품 이뷰팬픽션FAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
커뮤니티
Facebook Group
팔로우하기
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
이용약관|개인정보