loading
Home/ All /Dominant Series 2: Luscious (Tagalog)/Chapter 12 - Her Background

Chapter 12 - Her Background

Author: VraielLajj
"publish date: " 2020-07-28 19:07:57

“I can't track the shooter,” agarang sagot ni Jacky sa kabilang linya.

Hindi na siya umimik. Ang ginawa na lamang niya ay pinaharurot ang sasakyan at nakipag-agawan ng pwesto sa mga sasakyan. Thanks God at wala ng bumaril sa kanila. Talagang desidido na ang kalaban nito na itumba ang binatang Doctor pero mukhang hindi sangayon ang panahon na mapaaga ang pagkamatay nito.

“Slow down.” 

Hindi niya pinansin ang walang kaemosyon nitong boses. Nakaupo na ito ng maayos at nakatuon sa kalsada ang mata.

“Slow down or I'll fire you right now?” 

“Bakit 'di mo subukan?” 

“Ms. Trunt——” 

“I'm driving.” Binagalan niya ang pagpapatakbo. Tingin niya ay malayo na sila sa disgrasya. Lihim niyang sinulyapan si Hudson, tahimik ito at malalim ang iniisip. Gusto niyang arukin ang utak nito pero hindi niya talaga kayang basahin ang isip ng lalaki. 

“Next destination?” 

“Cemetery,” saka nito sinabi ang lokasyon kung saan. 

Napakunot siya ng noo. Ano naman ang gagawin nila ro'n? Maghuhukay na ba ito sa sariling paglilibingan? Natawa siya sa naisip. Pwede nga rin siya ang maghukay para hindi na ito mapagod. Tahimik sila buong byahe. Pagkatapos ng araw na ito, bibisita na yata siya sa Mental Institute. Nakakabaliw ang pangyayari! 

Huminto na sila sa bukana ng pribadong sementeryo at hinintay niyang lumabas ang lalaki pero nanatili lang itong nakatingin sa bukana na parang may malalim na iniisip. Tahimik lang si Abhaya, at lihim na pinag-aralan ang mukha ni Hudson. Tama ba siya sa nakita niya? Nakikita niyang nasasaktan ito pero ilang sandali lang ay naglaho agad.

“Wala akong matrack. Malinis gumawa ang taong gustong papatay kay Doc. Hayes,” boses ni Jacky ang kumuha sa kaniyang atensyon. 

Hindi siya sumagot. Sinimulan niyang paandarin ang makena. 

“Mansion,” ikling saad nito. 

“Shoot!” Sinimulan patakbuhin ang sasakyan sa maluwang na kalsada. 

Habang nasa pribadong silid naman ng underground si Hudson kasama ang kaniyang AI robot. Hindi basta-basta ang silid na iyon, lahat ng mga inimbento niya nung kabataan ay nandoon pero dahil busy siya sa pamumuno ng kaniyang Hospital at negosyo kaya wala na siyang panahon pa.

Tiningnan niya ng maigi ang bala ng baril na ginamit sa kaniya kanina na muntik na yatang dumali sa kaniyang buhay. Malinis. Walang mababakas na fingerprint. Pero isa lang ang nasa isip niya, disidido na ang taong nasa likod ng lahat ng ito na patayin siya. Binuksan niya ang laptop at ganun din ang AI niya na pinangalanan niyang Travis. Ito ang pina-locate at pina-access niya sa lahat na nangyari kanina. 

Sa tatlong oras na pag-scan nito sa bawat building sa mga cctv footage, may nakuha siyang lead pero hindi malinaw dahil nakasumbrero ito at naka-mask. Napabuntunghinga siya sandali at napasandal sa kinauupuan. Kung sino man ang gustong bumangga sa kaniya, siguraduhin lang nito na mauunahan siyang patumbahin dahil kung hindi, baka pati libingan nito ay ipagkakait niya sa sementeryo. 

“Travis save that files.” 

“Files saved,” ganting sagot ni Travis. 

Hinarap niya ang laptop at binasa ang impormasyong nakuha, “Kianna Trunt,” wala sa loob na binanggit niya ang pangalan ng dalaga. 

Kianna Trunt, 25 years old, Single, Half pinay and half british... 

Itinigil niya ang pagbabasa. Natuon ang atensyon niya sa larawan nitong. Nakangiti ito sa larawan pero nababalot ng lungkot at sakit ang kislap ng mata. Inilabas niya ang larawan ni Abhaya na matagal ng nakatago sa kaniyang drawer at itinabi sa larawan ni Kianna. Kung may nag-iba man, iyon ay ang buhok at ang aura ng mukha. Abhaya looked innocent, angelic and fragile. Kianna on the other hand is wild, fearless and death seeker. He had this gut inside na ang babaeng natutulog sa silid na katabi ng kaniyang kwarto ay iisa, pero pwedeng hindi rin dahil ang nakilala niyang Abhaya ay laging nakangiti at puno ng pagmamahal sa kaniya. 

Lahat ng information ni Kianna Trunt ay pina-download niya kay Travis, babasahin niya lahat ng ito ngayon gabi. Saka niya na iisipin ang taong gustong magpapatay sa kaniya, una muna niyang kilalanin ang babaeng nasa poder niya ngayon. 

“Hey?” bungad niya kay Farhistt nang tumawag ito. 

Hindi sila gaanong close ng lalaki. May sarili itong mundo at si Cuhen lang ang kinakausap. Habang si Cuhen lang din ang kinakausap niya at si Azael. Paminsan-minsan lang sila nag-uusap dalawa kung and'yan ang grupo. 

“Kumusta? Okay ba ang private bodyguard na pinadala ng kakilala ko?” 

Natigilan siya at napatitig sa kaniyang cellphone kahit hindi naman niya nakikita ang mukha ng lalaki. Kahit hindi sila gaanong close sa isa't isa, alam niyang nakangisi ito ngayon dahil babae ang nagbabantay sa kaniya. Damn! Nakakapanindig balahibo pa naman pag ito ang mang-aalaska sa kaniya dahil kulang na lang, bayaran niya ito para lang magsalita. 

“Fuck! Gotta go, I'm busy.” Pinatay niya agad ang kaniyang cellphone at sinimulan halungkatin ang bagay na dapat niyang halungkatin ngayon gabi. 

Napabangon si Abhaya at hinarap ang laptop. Isang maleta lang na kasuotan ang dala niya at ang isang maleta naman ay puro gamit laban sa pakikibakbakan pero ang totooo, hindi naman niya magagamit lahat ng iyon. May ini-send sa kaniya na files si Jackylyn. Binuksan niya iyon, para lang umasim ang kaniyang pagmumukha nang makitang mukha ito ni Hudson na walang kangiti-ngiti. Ano bang trip ng gagang iyon? 

“What's this?” reply niya sa email nito. 

“Si Doctor Hudson Herrence Hayes. Ang lalaking dahilan pala ng lahat ng pinagdadaanan mo at kung bakit ka napunta sa poder ni Yx.” 

Matagal siya bago nakasagot, hindi na siya umimik. Alam niyang curious ito sa lahat ng bagay at hindi niya masisisi ang kaibigan kung bakit. Hahayaan na lang niya ito. 

“Back out na ba this? Sabihin mo lang at gora bells tayo paalis,” may laugh at loud na emoticon ito sa dulo. 

May gana pa itong magbiro sa kaniya. Kung nasa tabi niya lang ito baka napiktusan niya na ang babae, “No. Nandito na tayo kaya panidigan na. Ang gawin mo lang gaga ka, dalian mo sa pag-track at pagkuha ng lead para makaalis na tayo.”

“Copy captain!” 

Ini-off niya ang laptop at hinarap ang dalawang baril na nasa ibabaw ng side table. Napangiti siya ng mapait. First training niya sa isla, halos sumuko ang kaniyang katawan sa subrang hirap. Ilang bala ba ang nasayang sa bawat tira niya na hindi namam tumatama sa target. Lahat ng iyon, at kung bakit siya nandito ngayon ay dahil sa malaking galit niya sa lalaki. Panahon nga naman, siya na naman ang balak yatang paglaruan but not this time. She'll make sure, siya ang maglalaro kay tadhana at magwawagi. 

Tumunog ang kaniyang cellphone kaya mabilis niyang sinagot ang tawag. “Speaking...” bungad niya kay Yx. 

“How's the first day? Any trouble?” 

Napairap siya sa kawalan, “Why did you gave me this assignment? Alam naman natin pareho ang nakaraan ko 'di ba?” 

“Abhaya Kiene, nasa poder ka niya bilang private bodyguard hindi bilang babaeng sinaktan niya noon. I thought you are okay with it. I never heard you disagree so I thought you already moved on.” 

Natigilan siya. Tama ito. Sa kaniyang inasta, parang pinapakita niya lang na hanggang ngayon ay hindi pa siya nakalimot o ang tamang tanong, nakalimot nga ba talaga siya? Napabuntunghinga siya at nagpaalam na sa binata. Hindi niya hahaluan ng personal ang trabaho. Sinisigurado niyang mapapabagsak niya ang binatang Doctor balang-araw. 

Want to know what happens next?
Continue Reading
Previous Chapter
Next Chapter

Share the book to

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Latest chapter

Dominant Series 2: Luscious (Tagalog)   Special Chapter

Natatawang pinagmasdan ni Abhaya ng palihim si Hudson na mabubuang na yata sa paghahabul sa tatlo nilang makukulit na tsiketing sa maluwang na bakuran ng kanilang mansiyon. Dalawang taon pa lang ang mga ito pero ang tatabil na at ang daming tanong. Hindi yata naubusan ng tanong lalo na ang nag-iisang prinsesa nila habang 'yun dalawang prinsipe nila ay tahimik lang ang isa at ang isa ay napaka-hyper. Tipong kinukulit nito ang isang kapatid nitong lalaki at doon pa lang bibigay ang isa para makipaglaro at sabay nitong paiiyakin at awayin ang nag-iisang babaeng kapatid. "Harper, Hnleigh! Come on baby, stop running. Daddy is tired. Mabubuang na yata ako." Agad naman tumigil ang dalawa at nagtitigan. Kumindat 'yun isang kambal nilang si Harper na subrang kulit at maloko sa kambal nitong si Hnleigh na sunod-sunuran lang sa gusto ng kapatid. "Daddy! They are running inside the house! Oh my daddy. They're so

Dominant Series 2: Luscious (Tagalog)   Chapter 40 - To Infinity And Beyond

Napangiti si Abhaya habang pinagmamasdan ang si Hudson na ngayon ay seryusong nagmamaneho. Nakatuon ang atensyon nito sa daan pero mayamaya lang ay napangisi ito at napailing-iling. "Thingking something?" amused na tanong niya. Ngumiti ito nang lumingon sa kaniya at ginanap ang kaniyang isang kamay at hinalikan iyon. "I still can't believe that you are mine again." "I can run away again and hide." Humigpit ang hawak nito sa kaniyang kamay. "Yeah, and I'll chase you again and again." "But what about Zerus? Pagkakaalam ko, gustong gusto niya ako." pang-aalaska niya. Alam niyang matindi ang galit nito sa binata. Iba rin magselos ang isang Hudson. "Damn! Don't mentioned that simpleton, he'll rot in jail." Hindi siya sumagot. Hinalikan lang niya ito sa pisngi at humilig sa balikat nito. "Love..."

Dominant Series 2: Luscious (Tagalog)   Chapter 39 - Hudson POV III

War was been declared. Kung siya rati ang hinahabol ngayon naman siya ang humahabol sa kaniyang kaaway. Hindi na siya mapapaikot tulad ng ginawa nito. Mahilig itong maglaro at ngayon siya naman ang maglalaro. Ang taya? Buhay. Natapos niya ang away sa pamamagitan ng tulong ng mga tanginang kaibigan niya. Basta patayan, laging present ang mga ito. Pero sa tuwing dumadaan sa isip niya ang huling engkwentro nila ng pinaka-mastermind sa Mexico, nakakaramdam siya ng kalungkutan. Part of it ay kasalanan niya kung bakit ang laki ng galit nito. “You killed my son, and you deserve to die.” nakangising saad nito kahit bugbug sarado niya ang mukha. Tuliro siyang napatitig dito. Hindi niya maintindihan ang pinagsasabi ng hayop na ito na ilang beses ng sumundo sa kaniyang buhay. “The fuck are you talking about!” Isang suntok pa ang binigay niya rito. Napaubo ito at n

Dominant Series 2: Luscious (Tagalog)   Chapter 38 - Hudson POV II

Island of Algiers, New Orleans. 03:13 AM. August 30, 2018 Napatitig si Hudson sa suot na wristwatch , hinihintay niya ang tamang pagsalakay. Gamit ang motorboat na ninakaw lang niya mula sa kung saan para makalusot sa kabilang isla ay naghintay pa siya ng isang oras. May dina-download pa siyang plano. “Saan ka?” Si Cuhen. “Hell, dude.” “Fuck you. Make sure you come home else, I'll burn the entire hell.” “Idiot. Gotta go! See ya when I see ya again!” Walang sabing pinatay niya ang cellphone. Hindi niya pinasama si Theon, hindi ito kasama sa away niya kaya hinayaan niya itong maghintay sa kotse kahit kating-kati itong sumama—— siya na ang umayaw. Hindi pwede. Mabilis niyang pinaandar ang sasakyan pandagat na gagamitin sa oras na iyon. He arrived

Dominant Series 2: Luscious (Tagalog)   Chapter 37 - Hudson POV

Hindi mapigilan ni Hudson ang mga luhang kumawala sa kaniyang mga mata. Habang pinagmamasdan ang pinakamagandang babae na ngayon ay marahan naglalakad sa pulang carpet, na kanina lang ay pinaliguan ng mga tsikiting ng mga puting rosas. His queen, the love of his life, the one whom he gonna spend his life with. After years of chasing, here they are at mangangako sa harap ng Diyos na mamahalin ang bawat isa mamaya sa altar. “Dude she's really beautiful,” anas ni Farhistt. Pabiro pa siyang siniko. “Thanks man but you still owe me a punch. Hanggang ngayon nanggigigil pa rin ako sa tuwing naaalala ko ang pag-kidnapped mo sa kaniya.” “Correction; tulong. Hindi kidnapped.” Hindi na siya sumagot dahil nasa harapan niya ang dalaga. He was fascinated by her beauty at sandaling tumigil ang oras nang maglapat ang kanilang mga mata.

Dominant Series 2: Luscious (Tagalog)   Chapter 36 - Petals

Biglang natigil sa pag-iyak si Abhaya nang maramdaman niya ang kamay na humaplos sa kaniyang buhok. Mabilis siyang napalayo kay Hudson at doon niya nasilayan na buhay ito at ang lapad ng ngiti. Kumikinang pa ang mga magagandang mata nito na parang nanalo sa lotto sa sobrang saya. Natuliro siya bigla at hindi alam kung ano ang gagawin nang oras na iyon. Akala ba niya at... Napatingin siya sa buong silid na iyon at lahat ay nakangiti sa kaniya. Nakababa na ang mga mask ng mga ito at kitang-kita niya ang kasiyahan at kilig sa mga mukha ng mga ito na parang nasa pelikula sila. Isa na ro'n sina Yx, Cuhen, Azael, Zyd, Theon at ang iba ay hindi niya na kilala kung sino ang mga ito. Kung gano`n, ang lahat ng mga nangyayari ay palabas lang lahat? Mabilis niyang pinahiran ang mga luha sa kaniyang mata. Umakyat ang dugo sa kaniyang ulo at bago pa siya kainin ng hiya at galit niya, mabilis niyang tinakbo ang pintuan papalabas sa nakakahiyang silid

Dominant Series 2: Luscious (Tagalog)   Chapter 31 - Let Her

NAGMULAT siya ng mata nang mag-ring ang kaniyang cellphone. Si Cuhen. Agad niyang sinagot ang tawag ng kaibigan. “What's up dude?” “It's Ellah,” saad nito sa kabilang linya. Matagal siya bago nakapagsalita. Napaunat siya ng u

Dominant Series 2: Luscious (Tagalog)   Chapter 30 - Last

Walang naging problema kay Abhaya. Sunod-sunuran ito sa lahat ng mga gusto niya pati sa kama. She's that kind of innocent but wild na isa sa mga nagustuhan niya pagdating sa performance nito. Sa kaniya lang ang babae. Walang pwedeng tumikim dito hangga't hindi siya nagsasawa.

Dominant Series 2: Luscious (Tagalog)   Chapter 29 - His Point Of View

“What happen here?” bungad ni Hudson sa mga nagkukumpulang nurse sa hallway. Napasigaw naman ang mga ito sa biglaan pagbungad niya. Namutla lahat ng mga hitsura nito at mabilis na nagtulakan kung sino ang unang magsasalita. Bigla siyang kinutuban kaya mabilis siya

Dominant Series 2: Luscious (Tagalog)   Chapter 28 - Loath You

“Please come back...” “I need you...” Gustong tingnan ni Abhaya kung kanino nanggaling ang boses pero mas pinili niyang huwag gawin. Nanatili siyang nakapikit at kasabay ang pag-flash back ng mga nakaraan.

More Chapters
Download the Book
GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy