loading
Home/ All /Dark Secret | Filipino/Prologue
Dark Secret | Filipino

Prologue

Author: Mxgchef
"publish date: " 2020-10-04 00:19:07

       “Saan na naman kaya nagpunta ’yon?” aniyang paikot-ikot, hindi mapakaling nagpapalakad-lakad. Hindi alam kung magtutungo ba sa kaliwa o sa kanan. 

       Pagkalabas kasi sa Quarters agad niyang hinanap sa buong paaralan ang kasintahan. 

“Sinabi ko na kasing magpaalam, e. Bakit ba ang tigas ng ulo niya,” nakangusong bulong sa sarili, sabay labas ng kahon na hugis triangulo mula sa bulsa ng kulay mapadpad na pantalon, puno ng ngiti sa labi.

       Matapos iyon ay nagpaikot-ikot pa siya hanggang makasalubong ang lalaking nakayukong nagkakalikot ng telepono.

      “Dammier, nakita mo ba si Sindy?” Pigil sa kanang braso nito habang palinga-linga sa paligid.

      “Oh, ikaw pala, ano’ng atin?” anitong nakangiti, patuloy pa rin sa pagpindot ng telepono, hindi alintana ang katanungan niya.

       “Puwede ba—saan galing ’yan,” nakakunot-noo na aniya, hindi makapaniwalang tingin ang ipinupukol niya rito. Pilit inaapuhap ang mga kasagutan sa nakikita.

       “Shhhh! Sekreto lang natin ’to,” pahapyaw ngiting-tingin nito bago nagpatuloy sa ginagawa. 

      “‘Pag may nakakita niyan sa ’yo—”

      “Naks, kailan ka pa naging concern sa mga pinaggagawa ko? Ikaw ah, huwag mo sabihing—”nangingiti itong umi-iling habang nakatunghay sa kaniya.

      “Tigil-tigilan mo nga ’ko sa mga kalukuhan mo, Dammier, hindi ako natutuwa,” sagot niya nang tuluyang maunawaan ang nais nitong sabihin bago nagkunware na may hinahanap sa paligid.

      “Sus, himala ata na bumabait na ang Hari ng kasamaan,” ngising iling pa rin nito.

       Hindi niya mawari kung anong ipinupunto ng kaibigan pero batid niyang may bumabagabag sa pag-iisip nito.

      “Alam mo, Adminicous, kanina ko pa ’to hawak tapos ngayon mo lang napansin? Sus, mukhang nawawala na ’yong kaibigan ko, ah. Ilabas mo nga siya,” hindi papaawat na biro nito. Niyugyog pa siyang walang habas.

      “Ano ba? Wala akong panahon sa mga biro mo, Dammier. Bahala ka sa buhay mo kung mahuhuli ka, wala akong pakialam,” iritableng tapik niya sa kamay nito.

     “Bro, easy lang, masyado kang seryoso,” nangingiting pagsuko nito bago isinilid sa bulsa ng pantalon ang telepono. “Well, wala ka namang laging hinahanap kundi siya,” may lamang wika pa nito.

      “Teka, sandali, ano bang ipinupunto mo?” nakakunot-noo niyang sagot dito. Naka-pamaywang na siyang bakas ang pagka-irita habang pilit pinapakalma ang sarili.

      “Adminicous—ang punto ko lang, sana, mapanindigan niya ang pagkakakilanlan sa ’yo,” anito sabay tingin sa malawak na dako ng lugar.

     “Ano? Pagkakakilanlan sa akin? Bakit? Dahil ba hindi ako nababagay sa kaniya?” nanggagalaiting turan niya, hindi makapaniwala sa mga salitang naririnig mula rito.

      “Hindi ko intens'yon na ganyan ang maramdaman mo, ang akin lang naman,” seryosong paliwanag nito. Akmang hahawakan pa sana siya.

     “Ano’ng sa akala mong ginagawa mo, Dammier? Tangyna, kaibigan kita, tapos ano? Gusto mo siyang mapunta sa ’yo? Akala ko maiintindihan mo ang nararamdaman ko dahil magkaibigan tayo pero mukhang nagkamali ako,” puno ng hinanakit na sumbat niya rito, sabay tapik sa kamay nitong hindi pa dumadantay sa kaniya.

      Hindi niya matanggap na rito mismo manggagaling ang mga salitang iyon. Iyong inaakala niyang makakaunawa sa kaniya ay siya pang mukhang nagtra-traydor sa harapan niya.

Kaya naman, bagamat, bakas sa mukha niya ang galit pero pilit niyang pinipigilan ang mas nagliliyab na kamao para dito.

      

       “Hindi sa ganoon, Adminicous, ang punto ko lang naman, sa—”tuluyan ng sumabog ang kanina pa niya pinipigilang emosyon. Agad niya itong sinunggaban at hinablot ang kulay itim na kuwelyo.

      “Tangyna! Ano’ng ginagawa ninyo? Malayo pa lang kami rinig na rinig na namin kayo, ah?” nagsisigaw na tinig mula sa tumatakbong lalaki.

      Mula sa peripheral vision niya, kilala niya kung kanino nagmumula ang tinig na iyon. Base sa tantiya niya kapag ganitong oras ay patungo na ang mga ito sa Cafe Dewon.

      “Hayaan mo sila, Sylier, kung gusto nilang magpatayan, ’di magpatayan sila. Ayaw mo noon live in action,” nang-uuyam na segunda ng isa na siyang pamilyar din sa kaniya.

      “Hindi ako gaya mo na tatayo at manonood lang, Xhander!” sagot ng naunang lalaki na siyang nagpakumpirma ng hinala niya.

      Nawala lang siya sa pagpapakiramdaman sa mga ito nang tuluyang pumagitna sa kanila si Sylier. Dahil dito, pagkakataon naman ni Dammier para ayusin ang suot na kuwelyo na siyang hawak-hawak kanina, ngunit agad din bumalik ang nagbabagang galit niya rito nang makita ang pag-iling at pagngisi nito.

      “Tangyna! Dammier, magpakalalaki ka, lumapit ka rito babasagin ko ’yang mukha mo! Ano bang sa akala mo—na hindi ko alam? Huwag ako! Sindy is mine, wala akong pakialam kung anong gusto mong sabihin!” nagbabagang hiyaw niya rito na siyang hindi alintana ang pangingialam ni Sylier sa gitna nila.

      Dahil sa itinuran niya, mas lalong napangisi si Dammier, dahilan upang madagdagan ang init ng ulo niya rito, pero maagap ang panggi-gitna muli ni Sylier.

      “Lumapit ka rito, babasagin ko ’yang mukha mo!” hiyaw pa niyang ayaw pa-awat.

      “Yow, easy lang, masyado kayong mainit. Tangyna! Babae lang ’yan nagkakaganyan kayo?” singit ni Xhander na siyang hindi na bago sa kaniya, madalas ito ang huling nagsasalita pagdating sa gulo.

     “Xhander, puwede ba? Huwag ka ng dumagdag pa,” banta niya nang mapatingin sa dako nito.

    Napapakagat labi pa itong nai-iling na nakangisi sa kaniya, “Sindy Sanchez, huh!”

    “Alam kong ginagamit mo lang siya dahil kay Cris. Bakit? Dahil sa kasalanan ko sa ’yo?” putol ni Dammier sa dapat niyang isagot kay Xhander.

    "There goes again—fine, I know right,” ngising sagot ni Xhander na siyang nagpakunot-noo sa kaniya nang bahagya.

    “Ano, Adminicous? Ako ang kaaway mo ’di ba? Sagutin mo ako!” singit ni Dammier sa pagkagitlang mababakas sa mukha niya, habang nakatingin kay Xhander na nakakalukong nakangisi. 

     Noon pa niya nararamdaman ang kakaibang aura sa dalawang ito pero hanggang ngayon malabo pa rin sa kaniya ang lahat. Kaya naman ibinaling niyang muli ang mga mata kay Dammier; naka-suksok na ngayon ang dalawang kamay nito sa bulsa ng pantalon.

    “Ano? Suntukan na lang? Gago ka pala! Lumapit ka ulit, dadagdagan ko iyang basag ng mukha mo!” Tuluyan ng bumalik sa kanila ni Dammier ang sagutan.

    “Dammier, ano ba? Tama na, utang na loob,” pigil-diin na singit ni Sylier nang maramdamang nag-iinit na naman sila. Ginulo-gulo pa nito ang buhok, hindi mawari kung pa-paano puputulin ang mas gumugulong sumbatan sa pagitan nila ni Dammier.

    “Let him, Sylier,” nakangising sabi ni Dammier na siyang mas nakapagpainit lalo ng dugo niya.

    “Tangyna, Dammier! Ano’ng sinabi mo?—At huwag mo madamay-damay si Cris dito,” aniyang idinuro-duro si Dammier ngunit hindi makaalis dahil sa mahigpit na pagbabantay ni Sylier. Pilit siyang nagpupumiglas upang makadaan ngunit ayaw siyang padaanin nito.

    Gayon din, lahat ng nakaka-saksi sa mga nagaganap ay puno ng katanungan kung ano bang nangyayari sa kanila, maging ang bulungan ay umaalingawngaw na sa paligid ngunit wala na siyang pakialam pa.

    “Ganyan nga, sige lang, mag-away lang kayo,” puno ng kasiyahang sabi ng nilalang. Nakatayo ito sa ’di kalayuan habang nakasuot ng uniporme gaya sa mga estudyante ng Las Santidos; kitang-kita sa pagmumukha nitong nasisiyahan sa mga kaganapan.

    “See, concern ka pa rin sa kaniya. Akala ko nagbago ka na, makasarili ka pa rin pala,” natatawang sagot ni Dammier nang hindi pa rin siyang makalapit dito. Mababakas ang pa-simple nitong pang-aasar habang naka-halukipkip.

    “Shit! Adminicous!” hiyaw ni Sylier nang makitang nadamba na niya si Dammier habang pinagsusuntok sa mukha.

    “Tang-ina, kaibigan kita! Traydor ka!” banat niya sa nangangalit na mga ngipin, ngunit agad din siyang mapatayo-palayo nang yapusin siya ni Xhander; amoy na amoy niya ang uri ng pabango nitong ito lang ang gumagamit.

     “Bitiwan mo ako, Xhander. Dammier!” Pagpupumiglas niya ngunit ayaw siyang bitiwan nito.

     Samantala, kitang-kita naman niya ang dahan-dahang pagbangon ni Dammier mula sa pagkakatihaya, na siyang inalalayan na ni Sylier.

    “Adminicous, ano ba? Tama na! Tangyna! Babae lang iyan nagkakaganyan kayo? Tama na ang mga pagpapanggap!” umalingawngaw na hiyaw ni Sylier nang hindi na malaman kung paano sila patatahimikin.

    Bakas na bakas na ang galit sa pagmumukha nito habang napapahawak sa ulo na napapayuko, ginulo pa nito ang buhok na siyang mas nagpagulo ng dati na nitong magulong buhok.

    “Ano? Ano’ng sinasabi mo?” utal niyang turan nang maguluhan sa mga sinasabi nito.

    “Nagsalita na si ’di makabasag pinggan,” natatawang iling ni Xhander na siyang nagpakunot-noo sa kaniyang napatingin dito.

    “Dammier, isa ka pa! Huwag na tayong maglukuhan dito. Lahat tayo may kaniya-kaniyang itinatago. Ikaw rin, Xhander,” nanlilisik na bigkas ni Sylier dahilan upang bumaling muli ang tingin niya rito.

    Tuluyan na itong napahilamus sa mukha habang bakas na gulong-gulo sa mga nagaganap, maging ang mga nakakapanood sa kanila ay pawang hindi rin makapagsalita at naghihintay ng susunod na magaganap.

    Gayon din, nakatayo lang si Sylier habang nasa magkabilang baywang ang dalawang kamay; nakatingin sa kalangitang puro naglalakihang sanga kasabay ang pagbuntong-hininga.

     SA HINDI kALAYUAN naman ay may babaeng naglalakad patungo sa kulay puting-bughaw na hukuman. Nakatingin siya sa kulay kalimbahin na bulaklak na nakapalibot sa lugar.

     “Sindy,” umalingawngaw na sigaw mula sa babaeng tumatakbo. Hingal na hingal itong napahawak sa mga tuhod.

     “Nandito ka lang pala, kanina pa ‘ko nagpapaikot-ikot dito. Saan ka ba kasi nagpupu-punta?” ani Ciera matapos mahimasmasan sa hingal.

      Agad itong napayakap sa kaniya na nananatiling nakatulala. Sinipat pa nito ang kabuuan niya; patalikod, paharap at sa magkabilang gilid ng katawan. “Okay ka lang ba talaga?” nag-aalalang wika nito.

    Binaling pang muli nito sa magkabilang gilid ang mukha niya ngunit nananatili lang siyang walang karea-reaksyon.

    “Halika na nga lang, natutulala ka na naman,”  pagsukong anito; hindi pa rin kasi siya umiimik. Kaya naman binalewala na lang nito ang panlalamig niya at hinatak sa kung saan, na siyang nagpahila naman ng walang tutol.

   “Hon!” umi-echo na tinig mula kay Adminicous dahilan upang tuluyang manlaki ang mga mata niya at mapatingin dito na parang nabunutan ng tinik matapos makita siya, ngunit agad siyang tumalikod at pumikit, pero hindi nakaligtas sa paningin niya ang pagkagulat sa mga naroon.

    “Saan ka ba nagpupu-punta? ’Di ba sinabi ko sa ’yo na huwag kang lalayo. Alam mo bang sobra mo akong pinag-alala?” mahinahon at kababakasan ng pagka-miss na hinaing nito na  agad ipinulupot ang mga braso sa kaniya.

   “Hon, sandali,” utal na wika niya makalipas ng ilang sandali. Pilit siyang nagpupumiglas at tinatanggal ang mga brasong nakapulupot sa magkabilang braso.

    “Bakit, Hon?” hindi makapaniwalang anito. Bakas na labis itong nagugulumihanan sa ipinapakitang reaksyon niya, ngunit sa kabila noon, mas isinubsob pa nito ang mukha sa kanang balikat; pilit nilalanghap ang amoy niya na siyang alam niyang nagpapahina rito tuwing malapit siya.

    “Patawad,” nanginginig na wika niya makalipas ng ilang minuto, dahil sa narinig tuluyan itong napabitiw sa kaniya na siyang ikinasikip ng dibdib.

    “May problema ba tayo? Bakit ka umiiyak?” natatarantang turan nito. Kitang-kita ang naguguluhang ekspresyon nito ngunit tanging simpleng ngiti lang ang sagot niya rito. Sobrang bigat ng dibdib niya habang tinitingnan ang mga nalulungkot nitong mata at mukha.

    Gayunpaman, sa kabila nang maraming katanungang nais nitong itanong; base sa bibig nitong nagdadalawang isip bumigkas ng salita, nananatili itong kalmado gaya ng ginagawa nito lagi.

    “May nangyari na naman ba? Sinabi ko naman sa ’yo na nandito lang ako, ’di ba?” sa halip na turan nito. Pilit pa rin na iwinawaglit ang mga katanungang nagsusumiksik sa kaibuturan ng pag-iisip.

     Sa kabila ng pinapakitang katatagan, nakatago ang mabigat na dalahin sa mga mata nito, kaya upang maibsan ang bigat ng dibdib kinabig at hinalikan siya nito na agad niyang pinaunlakan habang nag-uunahang nagpapatakan ang mga luha.

      “Don't cry, I'm here,” alo nito sa kaniya, sabay punas ng mga luhang patuloy dumadaloy sa mukha. Pagkatapos ay agad siyang niyakap gaya ng palagi nitong ginagawa. 

     “Pinatay mo ang kapatid ko,” utal na aniya kahit mabigat ang dibdib. 

     “Sindy,” magkakasabay na tinig mula kina Shierra, Dammier, Sylier at Xhander na wala ng nakauma matapos iyon.

     Tuluyan din na napabitiw sa pagkakayakap sa kaniya si Adminicous habang kababakasan ng kaguluhan sa mga nangyayari pero agad niya itong niyakap nang mahigpit.

    “Hon, bakit,” hindi makapaniwalang tanong na ipinupukol nito.

     Nanginginig na siyang nakatayo habang nakatunghay sa kaliwang kamay na nababahiran ng pulang likido.

     “Patawarin mo ako,” tanging nasambit niya matapos mahimasmasan sa pagkakatulala na ngayon ay umaatras ng lumuluha.

     Kaunti na lang din ay matutumba na siya habang walang sawang nagpapatakan ang mga luhang hindi makapaniwala sa mga nagawa. Gayon din, isa man sa mga naroon ay walang naka-imik.

    “Ganyan nga, magaling,” anas ng nilalang mula sa kabilang dako. Bakas na bakas ang kasiyahan sa pagmumukha habang nasa puwestong naninigarilyo na.

    Samantala, nang tuluyang hindi makayanan ni Adminicous ang lahat, agad na itong napaluhod na nakahawak sa kaliwang dibdib, kung saan naroon ang nakausling bagay na kumikinang habang patuloy dumadaloy ang masaganang likido.

    “Patawarin mo ako, mahal na mahal kita,” utal niyang sabi kasabay ang tuluyang pagbagsak malayo-layo sa nobyong nakaluhod na rin.

    Nakatingin lang din si Adminicous sa kaniya na pumapataka na rin ang mga luha—ngumiti pa ito ngunit hindi umabot sa mga mata.

    “Killing you is a way of saying I do really love you. Mahal na mahal kita kaya binigay ko lahat. Sana mapatawad mo ako,” humihikbing turan pa niya bago tuluyang pumalahaw ng iyak hanggang sa nahirapan na rin huminga, ngunit sa kabila ng nararamdaman dahan-dahan siyang tumayo at lumapit kay Adminicous.

    Itinulak niya ito na siyang dahilan ng pagbagsak sa lupa kasabay ang paghatak sa patalim na nasa puso nito, dahil dito, tuluyang umalingawngaw ang kirot sa tinig ng nobyo ngunit walang alinlangan niya rin itong isinaksak sa tapat ng kaniyang puso.

   “Hindi!

   Akin ka lang!

   No! Hindi maari!”

   “K—”

Want to know what happens next?
Continue Reading
Previous Chapter
Next Chapter

Share the book to

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Latest chapter

Dark Secret | Filipino   XX: The Underworld Royal

"Iho! My Dear king," wika ng bagong dating na siyang nagpagulat sa kaniya.

Dark Secret | Filipino   XIX: Hello, Rediless

Sa isang katamtamang laki naman ng silid. Makikita ang isang binatang nakatayo sa harapan ng malaking salamin kung saan nakikita ang buong kabuuan niya katabi ang kama na siyang nasa kaliwang bahagi ng silid. Nakasuot din ito ng kulay malamlam na itim na mahabang damit na hanggang talampakan. Samantala, kulay lila naman na parang kalsada na pa-letrang C ang hugis na tig-tatlo ang pagkaka-desenyo ng damit habang patuloy pa rin na ino-obserbahan ang sarili sa salamin.

Dark Secret | Filipino   XVIII: Young Love

"Okay ka na ba?" sambit ni Brent matapos bitiwan si Sindy sa pagkakayakap. "Ah, pasensiya ka na sa mga nakita mo. Hindi ko gustong makita mo ang mga bagay na tungkol sa pamilya ko, Brent," sagot niya nang mahimasmasan habang pinupunasan ng magkabilang likod ng palad ang mukha na may umaagos pang mga luha.

Dark Secret | Filipino   XVII: Regrets of Me

"Ate, gising na," nambubulabog na wika ni Maria habang hinahatak ang kumot niya. Nakatalukbong kasi siya habang nakadapa. "Ano ba, Maria? Umalis ka nga. Putragis naman, e," nanggigil na sagot niya sa kapatid na siyang patuloy pa rin sa ginagawa. "Ate, umalis na sina Inay at Itay. Kailangan mo nang magising, 'di ba pupunta pa tayo nila Kuya Brent sa bayan?" Makulit na panggigising sa kaniya ni Maria. Simula kasi nang mamatay at mailibing ang kapatid lagi na itong nakadikit sa kaniya. At sila na rin ang magkatuwang sa mga gawain. Hindi na rin ito naglalabas pa at nakakapagtaka na naging maayos na'ng pakikitungo nito sa kaniya. Gayon din, hanggang ngayon hindi pa rin siya pinapansin ng ina na siyang mas ikinalulungkot niya. Mabuti na lang at nandiyan ang ama na siyang nakakaunawa sa nararamdaman niya. Hindi kas

Dark Secret | Filipino   XVI: Death of Her

Nang hapong iyon ay hindi magkadakumahog ang taumbayan sa pagtulong sa mag-anak na Sanchez. Palibhasa, likas sa probinsiya ang kaugalian na pagkakawanggawa. Kung kaya kapag may kasal, birthday, namatayan o anumang handaan ay nandiyan ang mga magkaka-kapitbahay para tumulong sa bawat isa. Pati ika nga nila, may pakpak ang balita, kaya kahit anuman okasyon ay nakararating sa mga karatig-bayan ang mga kaganapan—dala na rin ng pagkakakilanlan ng bawat angkang

Dark Secret | Filipino   XV: Group of Friends 2

Pagkarating ni Brent sa kaliwang bahagi nadatnan niya sina Elaine at Jheo. "Babe, ayoko na rito! Please, umalis na tayo," nagpapanik na iyak ni Elaine habang pilit na hinahatak ang nobyo.

Dark Secret | Filipino   IX: The Creature

Makalipas ng ilang oras nakarating din siya sa kanilang tahanan kasama ng ina at kapatid na si Maria—sinundo kasi siya ng mga ito sa dakong iyon. Bitbit ng ina ang mga natuyong damit na nakatupi sa loob ng palanggana habang dala naman ni Maria ang

Dark Secret | Filipino   XII: Group of Friends

Dark Secret | Filipino   XI: Death of Me

Matapos makapasok sa loob ng kubo napatingin siya sa orasan na nasa itaas ng hagdan. Pa-akyat naman si Maria dito n

Dark Secret | Filipino   X: Symbolism and The Council

Sa kailaliman naman ng lupa'y walang sawang sumasabog ang naglalagablab na kulay kahel mula sa bawat sulok ng silid.

More Chapters
Download the Book
GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy