Buch kostenlos herunterladen
Chapter 4
Tan Jiro AlvezNapakabongga nga naman talaga ang kaganapan ngayon sa Dome. Punong-puno ng mahika ang buong paligid. Napakasarap din sa pandinig ang malamyos na musikang nagmumula sa orchestra.
Ang mga fairies at maliliit na wind pixies ay walang tigil sa pagsasaboy ng dust particles sa hangin. Napakasaya! Sa buong buhay ko, ngayon pa lamang ako dumalo sa ganitong klase ng pagdiriwang. Napapawang na lamang ang aking bibig dahil sa pagkamangha. Hindi ko aakalaing sa lugar kong 'to mararamdaman ang magkahalong saya at labis-labis na excitement.
“Sam, dalian mo. Mamaya ka na matulala at mamangha riyan,” sita sa akin ni Caya at iginaya sa pinakaharap, kung saan naghihintay ang ilang Celestial Zodiacs sa amin.
Ilang minuto pa ang nakalilipas, unti-unti nang nagsara ang malaking bakal na pinto ng Dome Magia. Sandaling tumigil ang orchestra sa pagpapatugtog at lumapag sa entablado ang isang lalaki- si Archmaster Leonard. Lulan siya ng isang magic carpet. May suot siyang mahabang pulang kapa sa kaniyang likuran at may hawak-hawak na mahabang staff. Wow, he looks awesome!
Few moments later, Archmaster started to speak. His voice is amplified by a magic item which appears to be a microphone.
“An ethereal evening to everyone. Mages, wizards, fairies, pixies and every creature in this hall, an exquisite night to all of us. Tonight, we will be celebrating the homecoming of Ashburn Samyah Imperial, the daughter of late Archgoddess Lisa,” Archmaster mentioned then averted his gaze to my direction.
Everyone look at me and I feel awkward about it. I hate being the center of attention.
“And now, the 12 members of Celestial Zodiacs are completed and united. This night will also be the moment when I shall bestow the Celestial Weapons of the chosen 12. Therefore, this is a triple celebration,” Archmaster Leonard declared.
The Celestial Weapons piqued my interest.
“To start with, let me present to you the 12 Celestial Zodiacs of Caelum Academy. As I call your name, it is expected of you to step on the stage,” Archmaster Leo proclaimed.
Walang sinuman ang gumawa ng ingay sa amin at hinihintay na muling magsalita ang Archmaster. Inaabangan kung sino ang unang tatawagin sa aming labindalawa. Malapit lamang kami sa may entablado.
“Capricorn, the goat of the Zodiacs, Mr. Niklais Nicolas Erikson,” hayag ni Archmaster.
Tumuntong naman sa stage ang isang lalaking naka-bow tie ng pula. May panloob siyang asul na long sleeve at pinatungan ng black tux. There is goat mark with two twirling horns in his neck. His French crop hairstyle suits him. Medyo malamya ang kulay ng kaniyang balat at mapupungay ang mga matang tila nang-aakit.
“Aquarius, the water-bearer of the Zodiacs, Ms. Almirah Shine Salvatore,” Archmaster continued.
Sunod namang tumapak sa entablado si Almirah. Ngayon ko lang napansin ang kaniyang damit. Ipinapakita nito ang kaniyang cleavage at walang dudang may maipagmamalaki ang kaniyang dibdib. Maganda rin ang hubog ng kaniyang katawan at kitang-kita sa itaas ng kaniyang kanang dibdib ang nakaukit na isang sirena. Nasa ibaba lamang ito ng kaniyang collar bone.
“Pisces, the fish of the Zodiacs, Mr. Lotus Iunick Akiyo.”
Mahinahong lumapag naman sa stage ang isang lalaking katamtaman lang ang pangangatawan at hindi rin gaanong katangkaran. Maamo ang kaniyang mukha at simple lamang ang kaniyang pormahan.
May isdang marka sa ibabang bahagi ng kaniyang kaliwang mata. Malinis siyang tingnan at napakahinhin kung gumalaw. Dinaig pa niya ang isang babae. He's cool and well-composed.
“Shemay! Ang guwapo niya. Manhid nga lang,” dismayadong wika ni Caya sa tabi ko.
Kanina pa siya nagsasalita ngunit hindi ko gaanong naririnig dahil sa sobrang lakas ng hiyawan at ingay sa loob.
Sumunod namang tinawag ang pangalang Glade Ivan Ironclad, ang Aries ng Zodiacs. Ngunit, lumipas ang ilang segundo at walang sinuman ang pumunta sa stage. Nagsimulang umingay ang paligid at napuno ito ng mga bulungan.
“Si Master Glade, saan kaya siya nagpunta?”
“Pansin ko lang, wala rin si Master Raid.”
“Hindi kaya nag-date na ‘yong dalawa? O 'di kaya nagtanan na?”
“Gaga! Hindi sila talo. Pareho silang may espada.”
Ilan lang iyan sa mga naririnig kong tsismis dito sa loob ng Dome. Kalokohan! Kung anu-ano na lang mga pinagsasabi nila sa dalawa. Mas malala pa pala sila sa akin. Pero teka, tama ba ang dinig ko? Glade Ivan Ironclad? Hindi ba iyon 'yong lalaking kinasalpukan ni Raid kanina at tinamaan ng takong ko? Tae, kasalanan ko yata kung bakit sila nahuli.
Napabuntong hininga na lamang si Archmaster at napailing. Batid niya sigurong napagsarhan ng pinto ng Dome si Glade.
“Let’s not waste our time to people who aren’t here. Let’s have Ms. Deborah Castro. She's the chosen Taurus, the bull of the Zodiacs,” the Archmaster ushered.
I stop for a moment and take a gaze at the spotlight. A girl wearing a single slit silver-white dresss step on the stage with elegance and poise. Mapupula ang kaniyang mga labi at halatang napaghandaan ang kolorete sa mukha. May nakapulupot na scarf sa kaniyang leeg at ipinakita sa mga madla ang makinis niyang hitang may nakaukit na ulo nang isang mabagsik na toro.
Maraming kalalakihan ang humiyaw at isinigaw ang kaniyang pangalan. Malaki ang kurba ng ngiti sa kaniyang labi saka ibinaling ang tingin sa akin. Bigla tuloy akong kinilabutan. Ramdam ko ang tensiyon sa kaniyang mga titig. Ano bang mayroon sa babaeng ito at tila may malaki siyang galit sa akin?
“Ms. Caya Velareigh Beckett, the Gemini of the Zodiacs,” pagtawag ni Archmaster sa aking katabing babae.
Bigla naman akong kinabahan dahil baka ako na ang susunod na tatawagin. Matapos makatuntong ni Caya sa entablado, ako na nga ang sumunod na tinawag. Hindi ako nagkamali, gaya ng aking inaasahan.
“Cancer, the crab of the Zodiacs, let’s welcome Ms. Ashburn Samyah Imperial.”
It feels like I can’t move my body due to sudden nervousness. I tried to compose myself for a moment, then, gathered all the courage to stand. Naglakas-loob akong inihakbang ang mga paa patungo sa taas ng entablado.
Nasa unang hagdan pa lamang ako paakyat ng stage nang biglang nayanig ang buong dome at muntik na akong matapilok. Medyo malakas ang ugong na iyon at nagmula ito sa bukana ng Dome.
Napako kaming lahat nang makita ang sinapit ng pinto ng Dome. Nagkaroon ito ng malaking butas, at nasira ang kalahati nito.
May dalawang taong prenteng-prenteng nakatayo sa pintuan ng gusali. What the fudge? Wala na yatang ibang alam ang dalawang ito kundi manira at magpamalas ng katarantaduhan.
“Yoww everyone! How could you start a party without us?” Glade blabbered with his loud voice. Nagsimulang maglakad nang maangas sina Glade at Raid sa gitna at tila ba walang nangyari.
“Kayong dalawa, wala na ba kayong ibang alam kundi gumawa ng kalokohan?” iritadong sigaw sa kanila ni Archmaster.
Napakamot na lamang si Raid sa kaniyang batok at ngumiti nang alanganin. Nag-peace sign naman si Glade kay Archmaster Leonard at ngumiti nang nakakaloko.
Napa-face palm na lang ang ilan sa amin at wala sa sarili akong napabuga ng hangin. Ano bang mayroon sa dalawang ito? Maluwag na yata ang turnilyo sa mga utak nila.
Wala namang nagawa si Archmaster Leonard kundi paupuin na lamang sila sa tabi ng mga kasama namin na hindi pa natatawag. Tahimik akong tumabi kay Caya sa stage at diretso lamang ang aking mga matang nakatingin sa harapan.
Ngayon ko lang napagtantong napakarami pala namin dito sa loob. Halos mapuno ang buong Dome Magia sa dami. Napadako ang tingin ko kay Raid at nahuli kong nakatingin din pala siya sa akin. Hindi siya umiwas ng tingin, imbes ay pinanliitan niya ako ng mga mata saka ngumisi.
Ano na naman kayang kamaniyakan at kagaguhan ang naiisip ng ugok na ito? Dahil sa kaniya, hindi ko na nagawang makinig pa sa sinasabi ni Archmaster.
Nagulat na lamang ako nang mapansing halos lahat na ng Celestial Zodiacs ay nakatuntong na rito sa entablado, maliban sa kaniya. Ganoon ba katagal ang pagtitig ko sa kaniya at hindi ko namamalayan ang takbo ng oras? Bakit hindi ko magawang hindi mag-iwas ng tingin sa kaniya?
Marahan kong inalog ang aking ulo at saka inirapan si Raid. Ibinaling ko na lamang ang aking atensiyon kay Archmaster at hindi na pinansin pa ang lalaki.
“Leo, the lion of the Zodiacs, Mr. Raid Lyndon Semyonovich,” pagtawag ni Archmaster sa pinakamaniyak na lalaking nakilala ko.
Tumayo siya at kumaway sa madla bago umakyat sa stage. Wow, grand entrance lang ang dating. Akala mo naman kung sinong artistang may napakaraming fans.
“Chosen Twelve, gumawa kayo ng linya pahalang at tanggapin ang aking basbas,” utos sa amin ni Archmaster.
Sumingit si Raid sa gitna namin ni Niklais at pinausod pa ang lalaki para magkasiya siya sa gitna namin. Umayos kaming lahat ng tindig at hinintay si Archmaster na magsalita.
“I, Leonard Mayhem, the seventh Archmaster of the Magic Ministry, calling all my brethren, ancestors and celestial guardians to bless these 12 Celestial Zodiacs in every battle that they may had. Lend them your strength and help them to overcome every enemy they may face. I bestow them the 12 Celestial Weapons retrieved from the ancient world of Guardians. With these weapons and in the name of Supreme Guardian Lumia, I hereby declare victory upon them,” mahabang litaniya ni Archmaster.
Habang nagsasalita siya, umiilaw ang mga marka ng Zodiac sign sa aming katawan. Nakadama ako ng mainit na pakiramdam ngunit hindi ako napapaso.
“12 Celestial Weapons, I summon thee. Let there be light and let us see. Choose your user with great responsibility. Show yourselves!”
Biglang nabalutan nang nakakasilaw na liwanag ang buong lugar kaya napatakip na lamang ako ng aking mga mata. Ngunit sandali lamang ang liwanag na iyon at isang pulang balahibo ng ibon ang lumitaw sa aking harapan. Nangunot saglit ang aking noo at napaisip.
Ito na 'yon? Ito na ba ang aking celestial weapon? Isang balahibo ng ibon? Paano ito naging sandata? Iniisip ko pa namang isang pana o hindi kaya isang uri ng magic wand katulad nang nasa sa Horry Potter.
Ngunit, napatigil naman ako sa pagrereklamo at napaawang ang bibig nang bigla na lang magbago ang anyo ng balahibong nasa harap ko at naging isang panang nababalutan ng apoy. Nagbago ulit ito at naging isang parang magic wand na may maliit na apoy sa dulo nito. Ilang saglit pa ay bumalik din ito sa dati nitong anyo. I'm speechless! This feather is awesome!
Kaya nitong magbago ng anyo ayon sa aking kagustuhan. Sobrang nakamamangha! Nagpatalon-talon ako dahil sa sobrang tuwa at tila batang inabutan ng candy.
Nasa kalagitnaan ako ng aking kasiyahan nang mapansing kong ako lang pala ang parang tangang nagdiriwang dito. Alanganin akong ngumiti sa kanila. Seryoso lamang nila akong tinitigan at saka bumalik sa pagsusuri ng nakuha nilang celestial weapon.
Inaanalisa ni Raid ang isang asul na espada na may magkabilaan ang talim. May nakaukit na isang ulo ng leon sa hawakan nito.
“Raid, iyan ang Blade of Pride. Tagumpay ang dala nito sa kaniyang user,” hayag ni Archmaster sa lalaki.
Napadako naman ang aking tingin kay Caya. May hawak siyang isang berdeng panang may mga puting pakpak sa magkabilang dulo, kung saan nakakabit ang isang gintong bakal na sinulid. May palaso itong matalas sa dulong may kawit at mahaba ang gintong baras ng bakal nito.
Samantalang si Suzaine naman ay may hawak na latigo. Binabalot ito ng gintong liwanag ngunit hindi naman ganoon kahaba.
“Ang sandata ni Caya ay tinatawag na Bow of Chastity. Kaya nitong magpakawala ng napakaraming palaso sa isang bagsakan lamang. Habang ang hawak naman ni Suzaine ay ang Divine Lash. Humahaba o umiiksi ito ayon sa kagustuhan ng gumagamit,” pagpapatuloy ni Archmaster.
Ang astig naman. Nakakamangha talaga ang mundong ito. Napakaraming bagay na nagtataglay ng mahika.
Nagitla ako sa pag-iisip nang muling magsalita si Archmaster at nakatuon naman ngayon ang kaniyang atensiyon kay Acanta at Almirah.
“Pinili ka ng Ordan, Acanta. Isa itong magical orb na kayang humigop ng mga masasamang kaluluwa. Si Almirah naman ay pinili ng Aquaria. Isang waterpot na sinasabing taglay ang kapangyarihan ng Underwater Queen.”
Sa kabilang banda, tinitimbang ni Deborah sa kaniyang kamay ang isang malaking battle axe. Habang, si Glade naman ay nilalaro ang kaniyang baston. Iwinawasiwas pa niya ito sa ere at saka sinasalo rin lang kapag bumabalik ito sa kaniya.
Naagaw rin ng aking atensiyon ang batang si Marc. Ipinapakita niya sa kaniyang alagang palaka ang kaniyang hawak na sibat. May korteng buwan ang magkabilaang bahagi nito, malapit sa matulis nitong dulo. Mahaba ang hawakan nito at mukhang napakatibay.
“Battledore ang tawag sa hawak ni Deborah. Ang sandata naman ni Glade na kanina pa niya pinaglalaruan ay tinatawag na Bastias. Samantalang, si Marc naman ay pinili ng Crescent Spear,” paglalahad pa rin ni Archmaster.
Seryoso namang tinitingnan ni Nicanor ang isang baril na kawangis ng isang shot gun. Ikinasa niya ito at itinutok sa mga madla. Nahintakutan naman ang mga estudyanteng nanonood sa amin ngunit hindi niya naman itinuloy ang pagkalabit sa trigger nito.
Matamang pinagmamasdan lang ni Lotus ang kaniyang patalim. Isa itong dagger na may mga nakaukit na kaliskis ng isda.
Ang huli sa napansin ko ay si Niklais na may nakasuot na itim na bagay sa kaniyang parehong braso. Parang mga kanyong bakal ito na may nakangangang dragon sa unahan nito.
“Nicanor, pinili ka ng Doomsday. Huwag mong gawing biro ang paggamit nito dahil kayang-kaya nitong sunugin ang isang buong kagubatan sa isang putok lamang. Ang hawak naman ni Lotus ay tinatawag na Pitsvain. Habang si Niklais ay pinili ng suot-suot niyang Dragon Cannon sa kaniyang mga braso,” mahabang wika ni Master.
Hindi ko inaasahang ganito kalakas ang mga sandatang ibinigay sa amin. Muli ko namang ibinaling ang aking atensiyon sa aking celestial weapon. Kanina pa ako nito iniikutan. Tuwang-tuwa ko itong inabot ngunit bigla na lamang pumasok ito sa loob ng aking katawan.
“The Feather of Metamorphosis has chosen you, Ms. Ashburn. Good for you. Its main ability is Changeover. It can transform from one thing to another no matter what the user wish to have. It does not only change its state or form but, it can also acquire the ability of other celestial weapons. Well, that is one of the strongest weapons among the 12. Kaya huwag na huwag mong hahayaang mawala ito sa iyong pangangalaga,” rebelasyon ni Archmaster tungkol sa aking sandata.
Napatulala na lamang ako dahil sa kaniyang sinabi. I'm speechless.
“Now that you have your Celestial Weapons, go back to your table and let the party begin!” masiglang hayag sa amin ni Archmaster at opisyal na sinimulan ang pagdiriwang.
Biglang napuno ng hiyawan at kasiyahan ang buong Dome. Sumabay din ang malakas na tugtugin ng musika at nagsimula nang sumayaw ang karamihan.
Nakaupo lamang ako sa mesa naming Celestial Zodiacs habang pinapanood ang mga sumasayaw. Nakaramdam naman ako ng pagkailang nang mahuling maraming lalaking nakatingin sa akin ngayon. Bakit ba? Anong tinitingnan nila sa akin?
Hindi ko na lamang sila pinansin. Nagulat naman ako nang may kumalabit sa akin. Napatingin ako sa kanya at napangiti.
“Ate! Ate, pwede ba kitang isayaw?” nahihiyang wika sa akin ng batang si Marc. Ang cute ng batang 'to.
“Sige ba,” nakangiting saad ko. Iniabot niya sa akin ang kaniyang kamay saka lumuhod. Ang bata-bata pa niya ngunit napaka-gentleman na.
“Hoy bata, tabi. Kami ang magsasayaw ni Ash. Doon ka sa kaedaran mo,” biglang segway ni Raid at marahas na tinabig si Marc. Napakasama niya talaga.
“Akong nauna sa kaniya. Huwag kang mang-agaw.”
Hindi naman natinag ang bata. Nagulat na lamang ako nang inundayan niya ng suntok sa tagiliran si Raid at napatilapon palabas ng Dome. Sumipol si Marc at biglang lumabas sa kaniyang bulsa ang kaniyang alagang 'Poly'. Bumalik ang kaniyang alaga sa normal nitong laki.
Dali-dali itong lumipad palabas ng Dome para saluhin si Raid. Hinila ng bata ang aking kamay at iginaya sa gitna ng dancefloor. Palihim na lamang akong napatawa dahil sa ginawa ni Marc.
Buch teilen mit
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Aktuellstes Kapitel
Celestial Zodiacs: The Chosen Twelve (Tagalog) Chapter 27
Agad akong niyakap ni Caya nang makalapit siya sa akin. Mainit sa pakiramdam ang yakap na ito. Wala akong nararamdamang anumang kaplastikan. “Mabuti naman at nakabalik ka na. May masakit ba sa iyo?” alalang saad sa akin ni Caya, matapos kumalas sa pagkakayakap. Tumagal nang ilang segundo bago ako tumugon sa kaniya. “Ayos lang ako. Don't bother. I'm just tired,” sambit ko sa kaniya. “I think we should take a rest here for at least an hour. You can sleep on my shoulder,” malasakit sa akin ni Caya. “Thank you, Cay,” tanging tugon ko na lamang sa kaniya. Ngumiti siya sa akin at gano'n din ako sa kaniya. Tama. Wala akong dapat pagdudahan s
Celestial Zodiacs: The Chosen Twelve (Tagalog) Chapter 26
Walang anumang ingay na maririnig sa lugar na kinaroroonan namin kundi mga malalakas na pagsabog lamang. Lahat na yata ng mga malalakas naming spell ay nagawa na naming pakawalan. Ngunit, humihinga pa rin ang mga kalaban. Nahuli ko ang pagngisi sa akin ni Livea. Kahit nangangatog ang aking mga tuhod dahil sa sobrang pagod, nanatili akong nakatayo habang matapang na nakaharap sa kaniya. Maaaring kawangis niya ang aking Ina, ngunit hindi ako naaapektuhan. Hindi ko naman kasi nakasama ang tunay kong Ina nang matagal. Sanggol pa lamang ako nang namatay siya. Hindi ko nga alam kung dapat ba akong maging masaya ngayon dahil hindi siya naging kahinaan ko sa labang ito, o maging mlungkot dahil hindi ko man lang naramdaman ang kaniyang pagiging Ina sa akin. Ngunit sa sitwasyon ngayon, kailangan ko munang isipin na kalaban ang turing namin sa isa't-isa. Katawan lan
Celestial Zodiacs: The Chosen Twelve (Tagalog) Chapter 25
Wala akong ibang makita kundi kadiliman lamang. Hindi ko maihakbang ang aking mga paa dahil hindi ko alam kung saan ako patutungo. Kanina pa ako sumisigaw ngunit walang sumasagot sa akin. “Aaack!” Napadaing ako nang biglang may humampas ng matigas na bagay sa aking mga binti. Narinig ko ang malutong na pagkabali ng aking mga buto dito. Mabilis akong napaupo at nagsisigaw dahil sa sakit. “Aaahhh!” muling pagdaing ko nang may humagupit na latigo sa aking likod, ramdam ko ang pagkapunit ng aking damit. Napaiyak na lamang ako dahil sa sobrang hapdi. Napakagat ako sa aking labi habang iniinda ang sakit. Hindi ako makatayo dahil sa aking nabaling binti. Sinubukan kong gamitin ang aking mahika para pagalingin ito ngunit bigo ako. Hindi gumagana ang aking mahika. Anong klasen
Celestial Zodiacs: The Chosen Twelve (Tagalog) Chapter 24
Matapos naming mag-alay ng dasal para sa kaluluwa nina Mama Arianna at Ira, bigla na lamang bumukas ang lagusan patungo sa susunod na palapag. Isang palapag na lang at mararating na namin ang pinakatuktok ng tore. Hindi namin alam kung paano ngunit nabawasan ng tatlong palapag ang tore at naging pito na lamang ito. “Hintayin na lang muna natin dito ang iba pa nating mga kasama. Mas mabuti kung sama-sama tayong lahat. Nasa ikalimang palapag tayo at nasa ibaba natin sila. Siguradong dadaan sila dito bago tumungo sa susunod na palapag,” suhestiyon naman ni Raid sa amin. Tanging pagtango lamang ang isinagot namin sa kaniya. Tama nga naman siya, mas maigi kung magkakasama naming harapin ang mga kalaban. Tumabi ako kay Deborah na nakasandal ngayon sa pader habang nakaupo sa sahig. Yakap-yakap niya ang kaniyang mga tuhod at kanina pa walang kibo. “Deb--” Agad akong napatigil sa pagsasalita nang bigla siyang tumayo. Mariin niyan
Celestial Zodiacs: The Chosen Twelve (Tagalog) Chapter 23
Halos mawalan kami ng balanse sa pagtayo dahil sa paulit-ulit na pag-alog ng sahig. Dumadagundong ang buong silid dahil sa matinding labanan nina Deborah at Ira. Parehong Earth attribute ang kanilang mga mahika. Ngunit kahit gaano pa kalakas si Ira, kayang-kaya na siya ngayong tapatan ni Deborah.“Paanong nabuhay ang isang patay na dagang tulad mo? Humiwalay na ang iyong Zodiac at celestial weapon sa iyong katawan kaya paniguradong patay ka na kanina. Pero paano?” takang tanong ni Ira. Umangat sa ere ang Battledore, na hirap na hirap kong natanggal kanina sa likod ng aking ama. Tinatawag ito ng babaeng demonyo. Siya na ngayon ang bagong may-ari nito kaya nagagawa niya itong kontrolin ayon sa kaniyang kagustuhan. Nakakapagtaka lamang dahil pinili siyang maging tagapangalaga ng Taurus. “Gusto mo talagang malaman kung paano ako nabuhay? Hindi ko maaaring sabihin sa'yo ang mga impormasiyon, ngunit gusto kong pagmasdan mo ito, Ira.
Celestial Zodiacs: The Chosen Twelve (Tagalog) Chapter 22
Nakatulala lamang kami habang mag-isang nilalabanan ni Ardor sina Ira at Gloria. Kayang-kaya niyang kontrahin ang anumang spell ng kaniyang mga kalaban. Nakakamangha ang kaniyang liksi, mahika at talas ng pandama. “Ano pa nga bang aasahan sa isang Guardian na naging demonyo dahil sa paggamit ng ipinagbabawal na mahika? Isa ka nga talagang karapat-dapat na kalaban. Nagtataka lamang ako kung ano ang naging hidwaan niyo ng iyong kapatid para dumating siya sa puntong ikinulong ka niya sa Mt. Vermilion,” banggit ni Ira, habang manu-manong nakikipagsagupaan ang mga kamao kay Ardor. “Walang sanang hidwaang nabuo sa pagitan naming magkapatid. At wala rin sanang digmaang sumiklab sa Ataraxia kung walang bathalang nagmamanipula ng buong sitwasyon. Siya ang dahilan kung bakit nangyari ang lahat ng iyon. Gamit ang kaniyang mahika, kayang-kaya niyang baguhin ang tadhana, takbo ng oras at panahon-- Slashing Magic: Claw Slicer,” pagsasalaysay ni Ar
Celestial Zodiacs: The Chosen Twelve (Tagalog) Chapter 17
Magkakasunod-sunod na spell ang aming pinakawalan patungo sa kalaban. Ngunit, lahat ng ito ay nagawa niyang ilagan nang walang binibigkas na anumang engkantasyon. Tae! Anong klase ng mahika ang tinataglay niya? Napatigil kaming lahat sa pag-atake dahil sa pagod. Ilang sandali l
Celestial Zodiacs: The Chosen Twelve (Tagalog) Chapter 16
Inis kong sinigawan si Raid, kahit pa napakalapit namin sa isa't-isa. Mabilis akong nakatanggap ng reklamo sa kaniya dahil sa aking ginawa. Paano ba naman kasi, muntik na akong mahulog dahil sa bilis niyang magpatakbo ng kaniyang celestial spirit habang iniilagan ang mga baging na umaatake sa ami
Celestial Zodiacs: The Chosen Twelve (Tagalog) Chapter 15
Napaigtad kaming pareho ni Deborah sa aming kinaroroonan nang biglang dumilim ang kalangitan. Sinakop ng itim na ulap ang itaas Academy. Isang malaking itim na tore ang bumaba mula sa langit. Napapalibutan ito ng mga nasusunog na tinik at baging. Sa isang kisapmata lamang, nasira ang
Celestial Zodiacs: The Chosen Twelve (Tagalog) Chapter 14
Humarap sa akin si Deborah at hindi ko inasahan ang sumunod niyang ginawa. Napaawang na lamang ang aking bibig dahil sa labis na pagkagulat. Bigla niya akong dinamba ng yakap at saka umiyak sa aking balikat. “Ate Ash!” malungkot niyang sambit, at saka impit siyang napahik
