Téléchargez gratuitement le livre sur l'APP
Chapter 2
Auteur: MrsDarcy"Mella ikaw anong gusto mong drinks?" Tanong ng Ate Grace nya ng makarating na sa isang mamahaling restaurant sa Tragora Mall.
"Strawberry shake nalang Ate" Sagot nya at umayos ng upo. Pansin nya ang ilang mga matang pasulyap-sulyap sa kinauupuan nila. Alam naman nya kung bakit, halos naman lahat ng nakakakilala sa kanila eh tinatapunan talaga sila ng tingin, lalo na ang Ate Grace nya pero hindi naman pansin ng Ate nya ang mga mapang husgang matang nakasunod rito.
"Mike dito!" Tili ng Ate Lanie nya. Nakita nya si Mike ang boyfriend nito na taga kabilang bayan. Hindi na rin nya alam kung pang ilan na ba si Mike sa mga naging boyfriend ng kapatid, dahil highschool palang ito mahilig na itong magpapalit-palit ng boyfriend, wala kasing tumatagal na lalaki dito dahil masyado itong maarte at ma luho sa katawan at mayayaman lang ang sinasamaan nito para makuha nito ang luho sa katawan. Sa nakikita nya kay Mike tanggap na nito kung ano ang ugali ng kapatid nya dahil mahigit isang taon na ang relasyon ng dalawa at sana nga si Mike na ang huling lalake sa buhay ng Ate Lanie nya sa edad nitong bente tres masasabi nyang marami ng karanasan ang kapatid pagdating sa mga lalake. Alam nyang isa din ang Ate Lanie nya sa mga pinag tsitsismisan sa Bayan nila at madalas nyang marinig na katulad din daw ito ng Ate Grace nya at Ate Joan na pa iba-iba ng lalake at mahilig dumikit sa mga may pera. Ang Ate Joan naman kasi nya hindi sila kasal ng kinasama nito dahil sa pagkakaalam nya may naunang pamilya ang kinasama nito at nabuntis lang ang Ate Joan nya kaya nakisama na si Arman sa kapatid, at alam din nyang sa panahon ng kabataan ng Ate Joan nya ginamit din nito ang ganda at katawan para kumita hanggang sa mabuntis ito ni Arman, Kaya naman usap-usapan ang pamilya nya sa San Miguel ginagamit ng mga ito ang ganda para kumita. Sa tuwing ganitong kakain sila sa labas maraming mga matang nakamasid sa kanila dahil kilalang-kilala ang mga kapatid sa bayan nila. Minsan nakakaramdam sya ng hiya pero hindi nalang nya pinapansin ang mahalaga masaya sila at sama-sama.
"Saan mo pala balak mag OJT?" Tanong ng Ate Grace nya habang kumakain sila.
"Ah... sa Del Castillo Resort sana Ate" mahinang sagot nya.
"Bakit doon? Ayaw mo ba sa VincElla Hotel? May kakilala ako doon" sagot ng Ate nya na tila hindi man nagulat ng banggitin nya ang Del Castillo Resort.
"Oo nga anak huwag na sa mga Del Castillo maghanap ka nalang ng iba" sabat ng Nanay nya habang maganang kumakain.
"Gusto ko po kasing mapag aralan ang ganoong kalaking negosyo"
"Naku ah.. pag ikaw sa mall lang napasok pagka graduate mo tatamaan ka sa akin" sabat ng Ate Lanie nya habang nakapalupot kay Mike.
"Sa Hotel makakapasok si Mella at sigurado ako Manager agad ya " may pagmamalaking sagot ng Ate Grace nya.
"Oo nga matalino tong si Mella eh" dagdag naman ni Ryan at sinubuan pa ang Ate Grace nya sweet na sweet ang dalawa at walang pakialam kung maraming tao sa paligid. Ngumiti nalang sya at tinuloy ang pagkain.
Mabait naman si Ryan sa kanilang lahat, wala itong kiming tulungan sila dahil mahal nito ang Ate Grace nya. Malaki ang agwat ng edad ni Ryan sa Ate Grace nya, hindi rin ito ka gwapuhan at medyo may kakaiba sa style ng pananamit nito, mahilig itong magsuot ng terno ternong kulay at pansin nyang paborito nito ang kulay purple na kakaiba dahil lalaki ito, pero balewala na lahat yon dahil mabait naman ito at nabibigay nito ang lahat ng kailangan ng Ate nya isama pa na pati sila nahahambunan sa natatanggap ng kapatid mula kay Ryan.
Matapos silang kumain namasyal pa sila at kung anu-ano nanaman ang mga pinagbibili ng Ate Grace nya para sa mga kapatid at sa Nanay nila. Wala namang reklamo kay Ryan at tila natutuwa pa ito dahil masaya ang Ate Grace nya.
"Pupunta ako sa washroom" paalam nya sa mga ito habang namimili parin sa loob ng kilalang boutique.
"Sige txt nalang kita kung asan kame" sagot ng Ate Lanie nya na nagsusukat ng jacket.
"Oo sige" sagot nya at mabilis ng naglakad palabas ng boutique.
Habang naglalakad napatingin sya sa magandang sapatos sa may show window ng Charles and Keith boutique. Napangiti sya. Ilang beses na ba nyang nadaanan ang sapatos na yon at sa tuwing madadaanan nya napapangiti sya.
"Pag may trabaho na ko mabibili rin kita" bulong nya at nagtuloy na sa paglalakad nang bigla syang bumunggo.
"Ouch! Hey! Use your eyes bitch!" Galit na sita sa kanya ng nakabunggo.
"Sorry, pasensya na" paumanhin nya sa babaing nakabunggo.
"Duh!" Maarteng sagot nito sabay palantik pa sa mga kamay nito na mukha bagong manicure pa ang mga kuko. Maganda ito at mukhang may kaya sa buhay, halata sa pananamit at kilos.
"You done?" Tanong ng lalaking lumapit sa kanila.
"Yes, babe let's go" yaya nito at kinawit sa braso ng lalaking bagong dating ang mga kamay. Napasulyap sya sa lalaki, ganoon din ito sa kanya, nagkatinginan sila at pakiramdam nya huminto ang ikot ng oras ng makilala kung sino ang lalaking nakatayo sa harapan nya at nakatingin sa mga mata nya. Nanlaki ang mga mata nya ng makilala ang lalake at buti nalang mabilis syang nakabawi bago pa makahalata ang kaharap.
"What happened?" Tanong ng lalake habang sa kanya parin nakatingin.
"Nothing babe, let's go I need to buy something" maarteng sagot ng babae at hinila ito. Naiwan syang nakatulala at nakasunod ng tingin sa dalawa. Nakita nyang sinulyapan sya muli ng lalake kaya naman mabilis syang nag iwas tingin at nagtuloy na paglalakad.
Pagdating nya sa washroom kaagad syang pumasok sa cubicle, napasandal sya sa pinto at humugot ng malalim na paghinga. Totoo ba ang nakita nya? Totoo ba na nakita nya si Aiden Del Castillo sa San Miguel? Ibig bang sabihin nito bumalik na si Aiden Del Castillo sa bayan nila?
Hindi sya maaring magkamali si Aiden Del Castillo ang nakita nya, hinding-hindi nya makakalimutan ang gwapong mukha nito, kahit pa sabihing mahigit limang taon na ang nakakalipas mula ng huli nyang makita ito sa bayan nila. Sa pagkakaalam nya pinadala sa America si Aiden ng Papa nito para doon tapusin ang pag-aaral nito, at nangyari yon matapos ang malaking eskandalong kinasangkutan ng pamilya nya at ni Aiden.
"Aiden Gabrielle Del Castillo" sambit nya sa pangalan nito at napapikit ng mariin sa mga mata. Ano nang mangyayari sa kanila ngayon bumalik na si Aiden sa bayan nila?
Share the book to
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Latest chapter
CARMELLA Chapter 22
CarmellaMuntik pa nyang malagla ang hawak na cellphone ng makita ang lalaking nakatayo sa may pintuan ng kubo. Nakakunot ang noo nitong nakatingin sa kanya. Napalunok sya habang titig na titig sa lalakeng ang buhok ay aabot sa batok na nito na may pagka wavy at magulo. Nakasuot ito ng itim ng t-shirt at maong na halos punit na sa magkabilang tuhod. Wala itong sapin sa mga paa. May hawak itong malaking baril na ginagamit sa panghuhuli ng mga ibon. Matapos nyang masuri ang kabuuan nito, bumalik ang mga mata nya sa mukha nito. Napalunok sya muli ng mapagmasdan mabuti ang gwapong mukha nito. Iniisip nya kung sino ito at bakit tila ngayon lang nya ito nakita sa San Miguel. Well, nasa dulo na nga pala sya ng San Miguel malayo mula sa kanila."Anong ginagawa mo rito?" Kunot noong tanong nito na Umagaw ng atensyon nya at mabilis nyang iniwas ang mga mata dahil baka mahalata nito ang pagsuri nya rito."Ah...
CARMELLA Chapter 21
Carmella"Wow Ate ang ganda" bulalas nya ng makita ang gown na isusuot ng kapatid sa kasal nito."Maganda ba?" Tanong nito at pinatong ang gown ang katawan at inikot-ikot."Maganda Ate sobra" sagot nya at mabilis na niyakap ang kapatid. Masaya sya para sa Ate nya dahil natagpuan na nito ang lalaking magmamahal rito at tanggap kung ano mang nakaraan ng kapatid. Nagpapasalamat syang nakatagpo ang kapatid na tunay na magmahal rito. At sana ganoon rin ang Ate Lanie nya at kung papalarin pati sa sana sya makatagpo ng tamang lalaki para sa kanya. Sa naiisip nya biglang pumasok sa isip nya si Aiden mabilis syang napailing ng ulo."Pag ikaw kinasal mas maganda pa dito ang gown mo" sabi ng Ate Grace nya habang pinapakita sa mga kapatid ang gown."Paano ikakasal yan wala ngang boyfriend" sabat ng Ate Lanie nya habang nakapalupot kay Mike, at pinagpapasalamat na rin nyang nagkabalika
CARMELLA Chapter 20
Aiden"Damn it" mura nya matapos mailayo ang sarili kay Carmella. Sinulyapan nya ito na nanatiling nakaupo sa upuang rattan. Nakasaboy ang mahabang buhok nito at ang iba'y tumatakip na sa magandang mukha nito. Ang mga mata nitong puno ng tanong habang nakatingin sa kanya, ang mga labi nito'y nakabuka pa at hindi nya masabi kung anong klaseng pagkokontrol ang ginawa nya para huwag itong hilahin sa upuan at idikit sa dingding at halikan ito hangga't gusto nya. Napapikit sya at tila hinahanap ang sarili dahil aaminin nyang nawala sya sa sarili ng mahalikan ang malalambot na labi ni Carmella na magmula ng mahalikan nya kahapon ay hindi na nawala sa isipan nya."Shit" mura nya at mabilis na tumalikod. Naglakad palapit sa pinto."You are leaving again" tinig ni Carmella na nagpahinto sa paghakbang nya at liningon ito."Gaya ng ginawa mo kahapon, matapos mo kong halikan sa batuhan iniwan mo ko" p
CARMELLA Chapter 19
CarmellaPagdating nya sa Resorts kaagad nyang ginawa ang report na hindi natapos kahapon dahil sa pag-aaway nila ni Liza."Mella, pinapatawag ka sa HR" sabi ni Lyn isa ding OJT pero hindi sya nito pinapansin ngayon lang. Marahil nautusan lang ito na tawagin sya."Sige salamat" pasalamat nya at tumayo na mula sa pagkakaupo. Alam nyang ang tungkol sa awayan nila ni Liza ang pag-uusapan at siguradong nagsumbong ito na sinaktan nya ito and no douby humabot na kay Aiden ang nangyari at sigurado syang paaalisin na sya nito dahil sa pagkakalat nya sa Del Castillo Resorts.Magdamag syang gising kagabi sa dami ng gumugulo sa isip nya at aaminin nyang isang dahilan na roon ang paghalik sa kanya ni Aiden. Nais nyang malaman kung bakit sya hinalikan nito, at kung bakit pagkatapos ay basta nalang syang iniwan nito. Nagsisisi ba ito dahil nahalikan nya ang isang tulad nyang mababang uri ang tingin ng b
CARMELLA Chapter 18
Aiden"Aiden! We need to talk!" Bungad ng Mama nya ng makapasok na sya ng bahay. Wala talaga syang balak umuwi ng bahay, nais nyang sa cottage magpalipas ng gabi dahil maraming trabaho at marami syang iniisip kasama na roon ang paghalik nya kay Carmella na buong araw na gumulo sa isip nya. Ewan nya kung bakit nya hinalikan si Carmella, kung dahil ba naaawa sya rito dahil nahihirapan na ito sa buhay, dahil nakita nya itong umiiyak at aaminin nyang tears make him weak, oh dahil baka naman nais talaga nyang mahalikan ang mga labi ni Carmella."Good evening Ma" bati nya sa Mama at humalik sa pisngi. Nakataas ang kilay nito at alam nya ang dahilan. Kung hindi lang sya nito pinilit na umuwi hindi talaga sya uuwi ng bahay. Mula ng bumalik sya ng San Miguel bihira syang umuwi sa bahay nila, madalas sa Resorts sya nag iistay o di naman kaya sa condo unit nya sa Tragora Condo ilang kilomentro lang ang layo mula sa Resorts.
CARMELLA Chapter 17
Carmella"Bakit ka nakasakay sa kotse ni Aiden?" Mataray na tanong ni Liza habang nasa isang kubo at gumagawa sya ng report para ipasa mamaya sa HR."Hindi ba sinabihan na kita na huwag mong akitin si Aiden, dahil akin si Aiden!" Taas boses na sabi nito. Inikot lang nya ang mata at tinuloy ang pagsusulat."Sumagot ka pang kinakausap kita!" Sigaw nito sabay tabig sa mga gamit nya sa mesa."Ano bang problema mo!" Inis na sigaw rin nya at tinulak ito."Haba! Matapang ka ah!" Sabay tulak din nito sa kanya."Huwag ka ngang nagtatapang-tapangan dyan eh lahi naman kayo ng kaladkarin! Kaya ka nga nandito para masilaw mo si Aiden. Mga tulad ni Aiden ang tipo nyong magkakapatid hindi ba? Mayaman para maut-utan, tulad ni Grace peneraan ang Papa ni Aiden!" Sigaw nito na nagpawala sa pagtitimpi nya at malakas na sinampal ito sa pisngi. Tumagilid ang ulo n
CARMELLA Chapter 16
AidenPagpasok sa opisina hinihagis nya ang susi sa kotse at pabagsak na umupo sa swivel chair at inikot yon paharap sa salamin na bintana, kung saan nakikita nya ang halos kabuuan ng Del Castillo Resorts.Pagbalik nya kagabi sa Resorts
CARMELLA Chapter 15
Carmella"Sino yon Mella?" Nakangusong tanong ng Ate Lanie nya ng salubungin sya nito sa pinto. "Sinong naghatid sa iyo?" usisa nito habang nagkanda haba-haba ang leeg nito sa pagtanaw sa labas."Kaibigan lang" matamlay na sa
CARMELLA Chapter 14
Aiden"Ma, I'm sorry, I can't make it, ang dami pang trabaho dito sa Resorts" sagot nya sa ina ng tawagan ito kinagabihan. Nakailang tawag na ito sa kanya sa cellphone nya at sa Secretary nya pero hindi na nakausap dahil sa dami ng inaasikasong mga pape
CARMELLA Chapter 13
Present."Mella kumusta naman ang unang araw mo sa Del Castillo Resorts?" Tanong ni May ng makasabay ito sa School Cafeteria."Ok lang" tipid na sagot nya. Ayaw sabihin sa kaibigan na unang araw palang nya pinapalayas na sya ni Aiden. Inaasahan naman nyang mangya
