Download the book for free
Chapter 8
Author: _Rannie_"It may comfort us a bit to realize that Jake is now reunited with his beloved sister, Jessica. And that someday we'll always be together again, when we cross over to the other side," muling humagulhol ang ina ni Jake. Kasalukuyan itong nagsasalita sa harap, katabi ang asawa at dalawang natitirang anak.
Iilang kamag-anak at kaibigan ni Jake ang nakapagbigay na ng kanilang saloobin ukol sa yumaong artista. Lahat ay hindi makapaniwala sa nangyari rito. Walang sino man nag aakakalang mamamatay siya ng maaga. Ako nga rin e, kahit pa alam ko ang totoong nangyari sa kanya. Akala ko makakaligtas ito. Hindi niya pa sana oras e, kailangan niya pang bawiin ang binitawan niyang salita noon. Magsisisi pa dapat ito, lilinisin niya pa ang narumihang pangalan ng pamilya ko!
Tumingala ako at maarteng hinawakan ang sentido. Paulit-ulit na iniisip kung dapat bang magsisi sa ginawa, o kung tama bang ideya ang pagsipot sa huling araw ni Jake dito sa mundong ibabaw?
Dumako ang aking tingin sa nakakatandang kapatid ni Fergus. Kahapon lang ito dumating galing sa Paris kasama ang mga magulang. Mr and Mrs. Da Silva was standing next to him. Parehong umiiyak ang mga ito. Reah Da Silva looks classic in her sleek bob haircut, a side part with sideswept bangs made her look soft instead of severe. She's wearing black velvety dress and strappy heels. Well, she has good taste. Idagdag pa ang asawa nitong nagmistula niyang palamuti.
Both Fergus and Argus was dashing with dark and gray suite. Argus wavy hair and tender eyes made me wanna go near him. Kung totoong naging magkasintahan sila ni ate, hindi na ako magtataka kung bakit. Ibang-iba ang dating nito sa kapatid.
Fergus was ruthless and hard. I can never forget his dark eyes, clenched jaw, and vicious grimace.
Lihim akong umirap at umiwas ng tingin. I can never forget what this family have done to my sister and parents. I can never forget their wickedness!
I yawned, saka inip na pinaglaruan ang buhok. Kailan ba ito matatapos? Inaantok na ako.
"Pay respect," Fergus suddenly whispered on my neck. Napansin pala nito ang ginagawa ko.
"Sir, alam mo po bang idolo ko iyang si Jake?"
"Ummm..." walang gana ako nitong binalingan.
Sunod-sunod akong suminghap, pagkatapos ay nagsimulang umiyak.
"Alam mo po bang pinipigilan ko lang ang aking mga luha? Hindi mo na dapat ako pinuna pa sir!" marahas kong hinila ang coat nito, mas lalo pang nilakasan ang pag iyak.
Dahilan para matigilan ang ama ni Jake na magsisimula pa lang sana sa pagsasalita. Lahat ng panauhin ay napatingin sa akin. Hindi lang dahil sa eksaherada kong pag iyak, kundi sa kulay ng bestidang suot na naiiba sa kanila. I am wearing white silky dress and a silver Valentino. My wig was tied in half ponytail. Smokey eyes, black lipstick, I kinda look baddass. Hindi na maitatanggi pa ang kaibahan ko sa iba.
Dahan-dahang inalis ni Fergus ang kamay ko sa kanyang damit, saka pasimpleng lumayo.
"San ka sir?" naiiyak kong tanong dito. "Sorry po...sorry. Idol ko lang po talaga kasi si sir Jake. Hindi ko po matanggap na wala na siya," hinging paumanhin ko sa mga panauhin.
May ibang natatawa, kadalasan ay nanatiling seryoso, may mga nakataas pa ang kilay habang sinusuri ng mabuti ang aking kabuuan. Maganda po ako, mukha lang baliw pero maganda po ako...
-
Pinabalik ang lahat sa ikalawang tahanan ng mga Moralde matapos ang seremonyas. Bukod sa tahimik, nagustuhan ko rin ang ganda ng paligid. Lalo na't malapit lang ito sa dagat.
Hindi ko na alam kung nasaan si Fergus. Nawala nalang ito bigla sa tabi ko kanina. Baka hinila na ng mga kaibigan nito, hindi ko lang napansin dahil sa dami ng tao. At pare-pareho pa ang kulay ng suot.
Minabuti kong tahakin ang daan patungo sa dalampasigan. Nakakaumay din kasing pakinggan ang hagulhol ng ibang bisita. Wala naman silang magagawa kahit ilang beses pang ngumawa.
Nagiging marahas ang panghapong hangin, isinasayaw nito ang laylayan ng aking damit, ginugulo ang suot na wig. Kung hindi hahawakan ay paniguradong matatanggal ito.
Ngumuso ako at pinasadahan ng tingin ang malawak na anyong tubig. May mga bangka sa malalim na bahagi nito, minamanyobra ng mga mangingisdang nakikipagsapalaran sa gitna ng karagatan.
Wala sa sarili akong napatingin sa kanan. Hindi lang mga sasakyang pandagat at mga tao ang aking namataan, pati na rin ang isa sa hinahanap kong demonyo. Kaya pala hindi ko ito mahanap sa loob, nandito lang pala ito. Mag-isa, malungkot ang mga mata. I craned my neck and eyed him grimy.
Dominic Roque was standing alone beside his SUV. Nakatungo ito, pinaglalaruan ang mga buhanging humahalik sa makinis na sapatos.
Isang magandang ideya ang biglang sumagi sa aking isipan. My lips rose for a smile. Sandali ko itong pinaglaruan, saka humalukipkip.
Muli kong pinasadahan ng tingin ang paligid. Nang makita ang naglalayugang tanim ng bulaklak ay mas lalo lang napangiti. Nakikiayon sa akin ang pagkakataon.
Agad ko itong tinungo. Sumuong sa likod nito, siniguradong walang taong makakakita, kapagkuwa'y hinubad ang damit. Isang black v-shaped sleeveless top at black pleated skit ang una kong isinuot bago pa man ang puting bestida. This is more convenient than bringing paper bag with me.
Hinubad ko narin ang aking wig at contact lenses, binura ang itim na lipstick, saka dinukot ang paboritong kolorete sa bulsa ng palda. Red... stands for blood and lust.
Itinago ko muna ng maayos ang mga kagamitan bago muling lumabas sa likod ng halaman para puntahan si Dominic. He's lonely, maybe I could do something about it. Natawa ako sa sariling naisip.
"Hey," walang paalam akong pumwesto sa tabi nito. "Hindi bagay sa isang katulad mo ang mag-isa," I laughed sensually.
"Ano ba sa tingin mo ang bagay sa akin?" he looks uninterested.
Woah! This is so unlikely him. From what I remember, sabi ni ate ito raw ang pinakamaloko at babaero sa apat. Now that I am this close to him, I see he looks more in trouble than sad. Mukhang naamoy na yata nito ang nalalapit na pagbagsak. Kaya ngayo'y hindi na magawang magsaya pa.
Don't worry honey. Magkikita rin naman kayo agad ni Jake. Lalo na ngayong nandito na ako. Just hang in there for a moment...
"Ako," diretsahan kong sagot.
Walang emosyon niya akong binalingan.
"Wala ka nang ibang magawa?"
Imbis na panghinaan ng loob, mas ginanahan pa akong akitin ito. No one says no to Kiesha Amira. Kung gusto ko, kukunin ko!
"Sorry to say this pero wala na e. Bukod sa isa," marahan kong hinawakan ang kanyang dibdib. I caressed it, down to his flattened stomach.
I bit my lower lip and smiled at him seductively.
"You know... We're both sad here because of what happened to Jake. He was a very good friend..."
Fuck him!
I paused for a moment.
"You know him?" his eyes went to my chest.
I crouched a bit, so he could see it more. Hindi naman ako madamot.
"Hmmm..." pinaglaruan ko ang suot nitong neck tie. "Alam ko rin ang ginawa niya," I looked at him intently.
"What do you mean?"
I snaked my arms on his neck and pulled him closer, saka inilapit ang mukha sa tenga nito.
"I'll keep my shot. Hindi ko sasabihin sa iba ang ginawa niyo eleven months ago. Sshhh..." I whispered, marahan pang kinagat ang tenga nito. "No one will know."
Gulat ang agad kong nakita sa mukha niya. Nakaawang ang kanyang bibig, namumutla at hindi makatingin ng diretso.
Mahina akong sumipol bago tumalikod. You are obviously guilty honey... Maglalakad na sana ako palayo, ngunit bigla nitong hinawakan ang aking kamay.
"Let's talk."
See? No one says no to Kiesha Amira.
I let out a satisfied smile... Rock it!
-
Nakiusap siyang lumipat sa lugar na walang ibang makakarinig. Mabilis naman akong pumayag. I actually like the idea.
"Eleven months ago, Sunday at exactly seven in the morning..." panimula niya.
Kung saan-saan nito ibinabaling ang kanyang tingin, hindi mapirmi sa kinauupuan, parehong nanginginig ang mga kamay at paa. Tila may kinakatakutan.
Pinili nitong huminto sa gilid ng national highway. Kita pa rin mula rito ang malawak na dagat. Ibinaba ko ang bintana upang damdamin ang maaliwalas na simoy ng hangin.
"Nagkasundo ang lahat na mag usap para sa gagawing bakasyon," dugtong niya pa.
"Saan kayo papunta?"
"Sa Isla Carmela."
I tilted my head to the other side. Ngayon ko lang narining ang islang iyan.
"Maliit na isla malapit sa Hilaga."
Marahil ay napansin nito ang katanungang tumatakbo sa isipan ko. Dahan-dahan akong tumango.
"Sa bahay ni Spencer ginanap ang pagpupulong. Ako ang unang dumating, kasunod si Jake, ang magkapatid na Da Silva, ang ate mo at iba pa naming kaibigan. We are ten in total-"
"Kasama niyo si Argus?"
"Hmmm," muli na naman itong napatingin sa paligid.
Hindi ko kayang balewalain ang kanyang pagkabalisa.
"What happened to you?" my brows furrowed.
"Nadawit lang ako. They blackmailed me..." pati ang boses niya'y nanginginig na rin.
"Who?" I shifted on my position.
He was so uneasy. "Alas diyes kami natapos. Agad na nagsiuwian ang iba, bukod sa akin, si Jake at si Kianna," he paused for a moment. A tear escaped his eyes. "She was so happy, sitting beside Spencer...Her lover."
I knew it! Magkasintahan nga si ate at ang Spencer na iyon noon. Hindi ko lang makumpirma dahil wala naman siyang sinasabi tungkol sa estado ng relasyon nila. Iniisip ko nalang noon na malapit na magkaibigan lang sila.
"Nagyaya si Jake ng inuman. Agad naman kaming pumayag. We were talking casually that time," ibinaba niya narin ang bintana sa kanyang banda.
"Tapos biglang umalis si Spencer... Ilang minuto itong nawala. Nang bumalik ay may dala itong droga, kasama si Fergus."
"You took drugs and raped Kianna," that's more of an assumption than a question.
Hindi siya sumagot, ginulo ang kanyang buhok at iilang mura ang pinakawalan.
"Hindi niyo lang sinira ang pangalan niya, pati ang buhay niya, at mga taong nakapalibot sa kanya. You denied her in front of everyone!" marahas kong hinawakan ang kuwelyo nito.
"Hindi ko ginustong gawin iyon..." he shook his head. Nagsisimula na itong umiyak. "I never want that to happen! We..." pinunasan nito ang kanyang mga luha at ilang ulit na suminghap. "Regretted everything, Jake and I. She's so good to us! Hindi ko naman alam na aabot sa ganoon ang lahat, hindi ko alam na kaya nilang gawin iyon sa kanya."
"Si Spencer at Fergus?" nanghihina ko siyang binitawan at galit na binalingan ang dashboard. Ilang beses ko itong sinipa at sinuntok.
"Walang hiya kayo! You killed her, damn you!" malakas ko siyang sinampal.
Sinasalag lang nito ang kamao ko. Hinahayaan akong ibunton ang lahat ng galit sa kanya.
"Sorry...sorry," paulit-ulit niyang sabi.
"You don't know how badly I wanted to tell them the truth. Pero palagi akong pinapangunahan ng takot, not just for my life... But for my family, my reputation, and my son."
Napaiyak na rin ako sa galit. Ngayon lang ako muling umiyak ng ganito matapos ang malagim na sinapit ng pamilya ko. Ngayon ko lang muling naipalabas ang lahat ng hinanakit at puot na meron ako.
Alam ko na naman talaga kung sino ang mga may kasalanan. I just wanted to know what happened and what they actually did to my sister. Pero ngayong personal na umamin si Dominic, bakit ang sakit-sakit? Akala ko kapag nalaman ko na ang totoo magiging malaya na ako, ang puso ko...Pero bakit? Bakit ako nasasaktan ng ganito? Bakit hindi ko matanggap?
Pabalya akong lumabas ng sasakyan at malakas na sumigaw.
Nanunuot ang sakit sa aking dibdib. Tuloy-tuloy lang ang pag agos ng aking mga luha, na parang isang gripong mahirap ayusin dahil sa matinding sira. Hindi ako makahinga, nagdidilim ang paningin at matindi ang panghihina.
You will all root in jail! Including you... Fergus Da Silva. You-
Malakas na pagtama ng malaking bagay ang aking narinig. Mabilis akong napalingon sa gilid ko and saw Dominic's car, being crashed by a huge dam truck. He was still inside, covered with blood and so helpless.
My breathing hitched and lips parted.
No...No...He have to survive! Alam kong siya lang ang makakatulong sa akin na makuha ang inaasam na hustisya. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang pagsisisi at kagustuhang itama ang lahat. Siya lang ang natatanging susi para tuluyang mabuksan ang itinagong sekreto. He can make Spencer and Fergus pay for what they've done!
Nanginginig kong sinapo ang aking bibig at lalapitan na sana ito. Pero nakuha ng drayber ng truck ang aking atensyon. Mabilis itong lumabas ng sasakyan, saka tumakbo palayo. This can't be a simple accident...
Walang pagdadalawang isip ko siyang hinabol at mahigpit na hinawakan sa kamay. Galit niya akong binalingan, pasimpleng dinukot ang itinagong kutsilyo sa ilalim ng suot. He almost got me, mabuti at agad akong nakaiwas. Ipinihit ko sa kabilang direksyon ang kamay nito at sinipa ang kanyang hawak na kutsilyo. Napasigaw siya sa sakit.
"Who are you?!" nanggigil ko siyang binalibag. I can hear the cracking sound of his broken arm.
I didn't stop right there. Marahas kong sinipa ang kanyang mukha at ilang beses na sinikmuraan. Tumigil lang ako nang mapansin ang matinding pamimilipit nito sa sakit. He was now spitting blood, may dugo na rin ilong.
"Who the fuck are you?!"
"I-inu-tusan...l-lang po...a-a-ko," nahihirapan nitong usal.
"Sino? Sino ang nag utos sayo?"
Umiling-iling ito. Ilang sandali ay nawalan ng malay.
Malutong akong napamura at galit na sinabunutan ang sariling buhok. I bit my lower lip then run towards Dominic again, nagbabasakaling maililigtas pa ito. Pumasok ako sa front seat at sinubukan siyang hilahin. I felt his pulse, he's still alive! .
I took his phone out of his pocket and dialed 911.
There's no way I'll let him die. He can save my family from shame!
Aksidenteng dumako ang tingin ko sa taong gumawa sa kanya nito. He was now conscious. Dahan-dahan ang kanyang pagtayo, namimilipit parin sa sakit. Muli akong lumabas sa sasakyan upang pigilan itong tumakas.
"Stop!" I shouted at the top of my lungs.
Naalerto ito't mabilis tumakbo sa kabilang dako ng daan. He was almost there, ngunit isang itim na sasakyan ang biglang bumunggo rito.
Muli akong napasigaw sa gulat. Sapo ang dibdib na napaluhod. What the-
Mabilis na humarurot ang sasakyan palayo. Iniwan ang lalaking duguan at walang buhay na nakahilata.
Oh my God!
***
Share the book to
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Latest chapter
Body In Exchange Chapter 45
SPG"Dadalaw ako kay Gee ngayon."I turned to face the window. Agad namataan ang magandang imahe ng mga bulaklak at halaman.The cold wind blows that sent shivers down my spine. Marahan kong niyakap ang aking sarili, saka pumikit. "Ihahatid na kita." "Kahit hindi na. Nandiyan naman si Zion.""Bakit ka pa aasa sa iba kung nandito naman ako?" he asked in baritone."May trabaho ka pa kasing dapat unahin," muli akong umikot paharap sa kanya. Nasa kabilang banda ito ng kama, hawak ang telepono at mga papeles na dadalhin sa opisina. He was dashing in his slim fit suit, underneath with black longsleeve. His slicked-back hairstyle with a side part, made him look really handsome and classic. "Makakapaghintay naman ang trabaho." Lantaran akong napairap. As if I don't know t
Body In Exchange Chapter 44
"Anong klaseng pakana na naman ba ito? Saan tayo pupunta? Bakit parang ang haba naman yata ng paglalakad na 'to? Akala ko ba sa labas lang?"Kagaya ng mga naunang tanong, wala pa rin akong makuhang sagot. I hear nothing else, other than our own footsteps. "Zai?" Ano ba ito, kinakabahan na ako. "Fergus?" Still, no one answered. I'm as if talking to a wind all this time. "Zion? Huwag niyo nga akong tinatakot. Lorie, ano ba?!" my voice was inevitably raised already. I held her hand, trying to feel the warmth that a human being should have. Malay ko ba, baka maligno na pala itong kasama ko. Nasa gitna pa naman ng kagubatan."Answer me please..." pagsusumamo ko. I can't take another step, dahil biglang nag-iba ang pakiramdam. I felt like we are heading to danger.&nbs
Body In Exchange Chapter 43
"Dito ba madalas namamalagi sina Gee noong nasa Villa pa ako?" kuryuso kong tanong habang sinusuri ang bawat detalye ng paligid. "Yup. Ito ang hideout namin," nakatuon lang ang tingin ni Fergus sa mga papeles na kaharap. Bukod sa problema kay Spencer, kailangang niya ring asikasuhin ang problema sa negosyo. Kaming dalawa nalang ang natira dito. Wala si Zai, maging ang mga tauhan. Mas maganda raw kasi iyon para talagang magmukhang abandonado ang lugar. Kampante naman siyang walang susugod dito, dahil tago at malayo sa kabihasnan. "Gumagana ba ang lahat ng narito?" ang mga kompyuter naman sa harapan ang pinagtuunan ko ng pansin. Pinayagan niya rin akong lumabas sa pinaglagyang kwarto matapos ang ilang ulit na pagrereklamo. Hindi naman ako magpapasaway, at mas lalong walang planong tumakas. Para saan pa't alam kong mahahanap niya rin naman. He doesn't have to lock m
Body In Exchange Chapter 42
I woke up feeling weak and drowsy. Kumunot ang aking noo, maliwanag na ilaw sa itaas ang sumalubong kaya muling napapikit. Bahagya kong ginalaw ang aking mga kamay at paa. Kasunod ang buong katawan."You are finally awake," a voice, so quiet and cold had my eyes opening wide.Nanghihina akong bumangon. Unang namataan ang taong hindi ko inaasahang muling makikita. I thought he was killed too."Bakit ako nandito?"The last time I remember, Fergus was with me.Panaginip lang ba iyong nangyari?Pero paano ako nakarating dito? I don't remember coming here with this man. Nagtataka kong itinagilid ang aking ulo. I am expecting to wake up in the hospital. Covered with white sheet, smelling the whimsical scent of medicine.Subali't iba ang nabungaran. Walang nakatusok na karayo
Body In Exchange Chapter 41
Iba sa inaasahan ko ang nangyayari sa paligid. Walang barilan, sigawan, maging habulan. Katahimikan ang naghari, bagay na hindi ko magawang baliwalain. Ano ang nangyayari sa labas? I got up from my sit. Dala ang baril na muling naglakad papunta sa pinto. Bigla itong bumukas, iniluwa ang hindi pamilyar na tauhan. My brows slightly furrowed, nagdududa siyang pinasadahan ng tingin. "What happened outside?" I tried to act cool. When in fact, I am starting to get distracted by his overall appearance. May nakikita akong kakaiba sa kilos at paraan ng pagtitig niya. "Wala naman po," mahinahon niyang tugon. "Nasaan sina Zion?" "Umalis, may pupuntahan daw." Dahan-dahan at mabibigat ang kanyang mga hakbang palapit sa akin. "Bakit ka nandito?" I lifte
Body In Exchange Chapter 40
"Hindi ko na palalampasin pa kung muli kayong kikilos na wala ang pahintulot ko," mariing usal ni Fergus sa mga tauhan nito. Nakayuko ang lang sila, parehong pagsisisi at lungkot ang nakarehistro sa mukha matapos mabalitaang patay na ang iilang kasama. I felt the same, isali pa ang galit sa sarili at sa mga kalaban.Inis kong sinabunutan ang aking buhom, saka padarag na umupo sa sofa. Kakababa ko lang galing sa kwartong pinaglagyan kay daddy. He's still unconscious and hopeless. Umasa nalang umano kami sa himala, ani ng doktor na kinuha ni Fergus para tumingin dito. "Pasensya na po sir," hinging paumanhin ni Oliver. "That can't change everything. Mas lalo niyo lang pinalaki ang gulo at ang kaso ni Kiesha-""Wala silang kasalanan sa nangyari Fergus. Plano ko ang lahat, sumunod lang sila," putol ko sa sasabihin niya. I crossed my legs and heaved a deep s
Body In Exchange Chapter 39
"Mabuti naman at nakita mo ang ID namin," natatawa kong usal. Kapagkuwa'y inabot kay Gee ang fake Identification Card na hindi ko alam kung paano niya ginawa sa limitadong oras lamang. May lahing alien yata itong kaibigan ko. "You are always we
Body In Exchange Chapter 38
Nagkagulo umano sa kulungan kanina. Aksidenteng nasaksak ng isang preso ang daddy mo sa pag-aakalang kasama siya sa riot." Awtomatikong tumulo ang aking mga luha. Pati ba naman ang ama ko mawawala? Ni hindi pa nga namin nakakamit ang hustisya. Marami pa kaming g
Body In Exchange Chapter 37
"Nagpatalo ka kasi, ayan tuloy," hanggang ngayo'y natatawa pa rin ako habang binubura ang make up ni Fergus. Iniwan naming may nakaukit na tanong sa isipan ang iba sa bahay nina manang Liz, matapos ang ilang sandaling pag-uusap kanina. "Maga
Body In Exchange Chapter 36
"Ang ganda mo," hindi mapigilang puna ni Gee habang tinitingnan akong kumakain ng strawberry jam. Nakapwesto ito sa kaharap na upuan, nakapangalumbaba at matamis ang ngiti. "Bagay sa iyo ang mahaba at itim na buhok. You l
