Téléchargez gratuitement le livre sur l'APP
Chapter 2
Auteur: @niñahoshi'sKinaumagahan ay napagpasyahan kong magsimba.
Nagayos ako at nagluto na din ng breakfast sa kitchen para kay Ash, hindi pa ito gising at puyat na naman panigurado Kaya hinayaan ko nalang itong magpahinga.
Pagkatapos kong magluto ay kumain na rin ako bago napagpasyahang magayos at pumunta ng simbahan. Nagcommute lang ako kaya ko naman magcommute at ayaw ko ding maisturbo ang ibang driver doon.
Natapos naman ng maaga ang misa, bago pa man makalabas ng simbahan ay may nakita akong isang babae. Mukhang nangangailangan ito ng tulong sa sobrang daming dala. Nilapitan ko ito at tintulungan.
Nung una ay tumatanggi pa ito ngunit bumigay din ito sa pangungulit ko.
"Salamat talaga, nagkasabay sabay lang kasi yung mga pinakuha e."
"Naku! Walang anuman kahit sino naman ang makakita sayo na ganun tutulungan ka e." Sabi ko rito at pinakawalan ang isang ngiti.
"Ako nga pala si Sophie, nice to meet you." sabay abot ng kamay nito.
"Calista, Calista kesh. Nice to meet you too." sabay tanggap sa kamay nito.
Nang makilala ko si Sophie ay nagpaalam na din akong uuwi na.
Nang makauwi ako sa bahay, naabutan kong nasa sala si Ash at nanonood.
"Kesh, have you eaten before you leave?"
"Yes girl, bakit?"
"I see, wala lang." then she laugh.
"Weirdo, sige bihis muna ako." sabi ko rito at pumanhik na papunta sa taas.
Pagkatapos kong magbihis ay saktong dating din nila tito galing sila ng U. S you know work.
Hinug nila ako pagkatapos ko silang salubungin.
Natapos ang isang araw ng wala man lang kaming ginawa ni Ash kundi ang magchikahan at nagreview, gumawa ng assignment echeneme.
Kinaumagahan, maaga akong nagising. As usual lol.
Inayos ko ang gamit ko at chineck kung kompleto ba o may kulang pa sa dadalhin ko.
Bago ko pa man makalimutan ang uniform ko para sa work ko later ay pinaalala na ito ni Ash.
"Hey girl, uniform mo nakita ko dun sa cabinet. Wala kang work?" she asked.
"I have, nakalimutan ko lang kunin." sabi ko rito at nagmamadaling kinuha ang uniform na naroon.
Naga-part time job ako sa isang coffee shop malapit sa school.
Monday, Wednesday and Friday ang schedule ko doon kaya nagaadjust din ako minsan sa time lalo na kapag may important groupings ay di na ako nakakapasok sa trabaho which is naiintindihan naman ng manager ko.
Pero syempre bawas din sa sahod ko bawat absent ko.
Pagkatapos ni Ash na magayos ay hinatid kami sa school.
"Aantayin pa ba kita mamaya girl?"
"Mauna ka na girl, No need."
"Okay."
Andito kami sa cafeteria and after this may dalawang subject pakong papasukan bago dumiretso sa coffee shop na pinagtatrabahunan ko.
Pagkatapos naming kumain ni Ash sa cafeteria at magchikahan ekeneme.
Naghiwalay din kami nito ng landas magkaiba ang schedule namin obviously.
Natapos ang klase ko sa araw na yon.
May ibang assignments na ibinigay, buti na nga lang ay walang groupings or groupwork today.
"Kesh! Ikaw na sa counter." sigaw ni Iris.
Isa sa mga katrabaho ko.
Nagmadali akong pumunta sa counter.
"Yes sir? What's your order sir?"
"Espresso, Medium size." sambit nito sa malamig na tono.
"Okay. I'll repeat sir, One Espresso, Medium."
Tumango lamang ito at nagbayad na. Umalis ito ng counter at umupo sa isang table.
Pagkatapos magawa ang order nito ay mabilis ding naiserve ni Iris.
Kapag schedule namin ni Iris ay madalas kami lang dalawa. Minsan naman ay may napapahalong isa.
Ako ang lagi nilang inaassign sa counter. Marunong daw kasi akong makipagusap ng maayos sa costumer ewan ko ba sa kanila.
Minsan ay pinagoovertime kami dito kapag kinakailangan.
Maraming nangyare sa araw na iyon. Umuwi akong pagod at gutom sa bahay.
"Hey girl, you okay?" nagaalalang tanong nito.
"Yeah, pagod lang." ngiti ko rito.
"Eat your dinner na, tapos na kami kanina e natagalan ka e."
"Madaming costumer e kaya natagalan."
"I see, akyat na ako ha magshoshower." sambit nito.
Tumango nalang ako at nagtungo sa kusina nagmadali akong kumain para makapagpahinga na.
Bago ako matulog ay nahalf bath na muna ako at nagtoothbrush.
Kinaumagahan ay ganun uli ang nangyare.
Maaga akong nagising at pumasok na kasabay si Ash yun nga lang ay may group project kami. Ayos lang naman kasi Tuesday naman.
Pumunta kami sa bahay ng isang classmate ko para sa groupings.
Nagsimula kaming magbigay ng idea sa isa't isa tungkol sa topic na ibinigay sa amin.
Mag aalas syete na ng gabi namin natapos yung group project na ginawa namin sabi ng papa ng classmate namin ihahatid nalang daw kami kasi delikado na. Ayos lang din naman sakin kasi alam kong wala na akong masasakyan ng ganto ng oras kung magcocomute ako.
Nakarating naman ako ng ligtas sa subdivision nila Ash nagpasalamat agad ako sa classmate ko at bumaba na.
"Hey darling, How's your school?" bungad ni tita ng makita ko ito malapit sa may gate.
"Okay naman tita." sabay ngiti ko dito. Umamba ito ng beso kaya nilapit ko ang pisnge ko dito.
"Halika na sa dining, kakain na tayo."
"Susunod ako tita, magpapalit lang ako ng damit."
Nang matapos akong magpalit ng damit ay sumabay ako kumain kala Ash.
"Hey babygirl, Sasali ka ba sa fashion show nyo next week?" bungad na tanong ni tito kay Ash.
"Yes, Of course!" she giggles.
"I see, how about you darling?" tita asked.
"Hindi tita, tsaka baka this weekend uuwi ako kala mama."
"Oh okay, bago ka umuwi sa inyo ipagshopping mo muna family mo darling. Don't worry, my treat." then she winked at me.
"Naku, tita wag na kasho-shopping ko lang nung nakaraan treat nyo rin po wag na tita nakakahiya na." nahihiyang sagot ko dito.
"Isipin mo nalang gift ko sa kanila yun. Ano ka ba, hindi na kayo iba sa amin." sabay ngiti nito.
Sabagay, okay na din yun at alam ko ding di na naman ako makakatanggi diba.
Masaya kaming kumain habang nagkwekwentuhan tungkol sa kung saan saan.
Friday ng gabi nagpaalam agad ako kay tita na uuwi na ako para kinaumagahan ay nandun na ako.
Sumakay ako ng Bus pauwi sa bahay namin.
Walong oras ang byahe kaya nagpahinga muna ako at umidlip sa bus.
Naalimpungatan ako ng may tumabi sa inuupuan ko.
Lalaki ito pero parang kilala ko hindi ko alam kung saan ko ito nakita pero alam kung nakita ko na ito.
"Hey wait nameet na ba kita?"
"No, I don't know you."supladong sagot nito.
Biglang nag flashback yung pangyayare sa mall nung nakaraang araw.
"Hoy! Ikaw nga, yung bumangga sakin sa mall tapos di ka man lang nagsorry." inis na singhal ko dito.
"Hey, I don't know you. And what's hoy? What's bumangga?" iritang sagot nito habang nakakunot ang noo.
Nung narinig ko yung accent ng pagsasalita nya alam kong may lahi ito ang cute ng boses nya.
"Hey miss, what's hoy?" curios na tanong nito.
"Wala ka ng pake dun. You should say sorry. You're annoying grr."inis na sambit ko dito.
"I don't know you okay? But sorry even if I can't remember what i did to you." sambit nito.
Nanahimik nalang ako at di na ito pinansin kinuha ko ang earphone sa small bag ko at sinalpak ito sa cellphone.
Bago ko mapindot ang kantang gusto ko ay may narinig akong ring ng cellphone. Chineck ko kung akin yung ngunit nagkamali ako. Imbes na pindutin ang kantang gusto ko ay pinakinggan ko nalang ang sasabihin nito.
"Konichiwa?" mahinahong sagot nito.
Wow Japanese. Naaamaze ako sa pagsasalita nito.
"Hai, I'm on my way. " naririnig kong sambit nito.
"I'll call you later, Bye bye."
Pumikit ako para di nya mahalatang nakikinig ako at pasimpleng pinlay ang kantang kanina ko pa nais na pakinggan.
Maya maya ay tinapik ako nito.
"How many hours will take this ride?"
"Eight hours. Why?" kunot noong tanong ko dito.
"Nothing, I just want to know."
"Oh okay."
"By the way, what's your name?" he asked.
Napakunot ang noo ko sa tanong nito ngunit sinagot ko nalang din ito.
"Calista Kesh Suarez. How about you?"
"Akio Itsuki Akiyama." he said.
"I see." pagtugon ko dito ng matapos na ang usapan masyado ng awkward.
Mga ilang minuto rin ang nakalipas ay dinalaw ako ng antok at umidlip pansamantala.
Nagising ako ng may maramdamang gumalaw sa may pisnge ko. Nakita kong nakasandal na ang ulo ko kay Akio kaya mabilis ko itong inayos at humarap sa may bintana.
"I'm sorry." I said.
"It's okay."
Mabilis ding lumipas ang oras at nakarating na rin ako sa terminal. Nakasabay kong bumaba si Akio ngunit hindi ko na pinansin ang presensya nito.
Pumara ako ng tricycle para makauwi na sa bahay namin. Bago pa man umalis ang tricycle na sinasakyan ko ay nakita ko si Akio na nakatingin sa Akin. Umiwas lamang ako ng tingin rito.
Pinatunog na ni manong ang makina ng tricycle ngunit bago pa man ako umalis ay narinig ko ang sigaw ni Akio.
"Hajimemashite!" he shouted.
Hindi ko nalang ito pinansin bukod sa hindi ko ito narinig ng maayos ay hindi ko din naman alam ang meaning noong salitang yun.
Nang makarating ako sa tapat ng bahay namin ay kumatok ako sa pinto. Maaga pa at paniguradong tulog pa ang mga tao rito.
Alas kwatro pa lang ng madaling araw kaya malamang sa alamang tulog at namamahinga pa ang mga tao
rito.
Bumungad sakin ang nanay ko.
Sinenyasan ko ito na wag maingay upang matuloy ko ang pagsorpresa ko sa tatay at isa kong kapatid.
Niyakap ko na lamang muna ito at dahan-dahang nagtungo sa kwarto ng kapatid kong si Charmaine.
"Surpriseee! Goodmorninggggg!" malakas na sigaw ko para magising ang mga ito.
Hindi naman ako nagkamali at nagising ang mga ito.
"Ate naman aga aga eh. Wait a-ate?" nauutal na sagot nito at gulat na gulat.
"Hindi charm. Kuya, kuya moko." natatawang biro ko dito.
"Ate naman e, hindi ka naman kasi nagsabing uuwi ka ngayon."
"Surprise pa ba yun kung sinabi ko charm naku."
"Anak naman, aatakihin ako sa puso sayo." biro ni papa.
"Sorry na pa gusto ko na kasi kayong makita kaya umuwi na ako baka bukas ng gabi ay uuwi na din ako." malalim na hininga ang pinakawalan ko pagtapos kong sambitin ang salitang yun.
"Edi pagod ka nyan?" nagaalalang tanong ni mama.
"Fashion show kasi namin sa lunes ma. Kasali kasi si Ash kaya need nila ng tulong dun. Wag kang magalala ma kaya ko." matamis na ngiti ang pinakawalan ko.
"Sa susunod anak magsabi ka kung uuwi ng hindi ako nagugulat. " natatawang biro ni papa.
"Oo nga pala, pinagshopping kayo ni tita Amanda. Regalo nya daw sa inyo."
Binigay ko ang mga shopping bags na hawak ko kala mama at charm.
"Naku anak! Sabihin mo kay Amanda salamat nagabala pa sya."
"Tingnan mo ate ang ganda ng damit oh!" tuwang tuwa na sambit ni charm.
"Pag sumahod ako bibilhan pa kita nyan. Gusto mo ba?" sabay pakawala ng ngiti rito.
"Wag na ate, baka kulangin ka sa allowance mo e."
"Ano ka ba? Magbi-birthday ka na din naman e regalo ko nalang."
"Kahit yung mumurahing damit nalang ate." pagpupumilit nito.
Nginitian ko na lamang ito at 'di na sumagot alam kong iniisip nito ang gastusin ko pero okay lang naman para sa kanila naman yun at minsanan lang.
Nagpahinga muna ako kahit saglit dahil pagod sa byahe.
Nagising ako alas syete ng umaga. Nagayos ako bago bumaba sa kusina at hanapin si mama.
"Charm? Si mama?" tanong ko rito.
"Nasa palengke ate. Hindi ka na nya ginising para magpaalam at pagod ka daw."
"Ah sige. Nag almusal ka na ba?"
"Oo ate ikaw nalang hindi." tumango ako rito bago bumalik sa kwarto at kinuha ang coin purse ko. Bibili nalang ako ng meatloaf at gatas magluluto nalang muna ako.
Naglakad ako papunta sa malapit na tindahan.
"Aling marya? Pabili po!"
"Ano iyon iha? Nakauwi ka na pala." tanong nito.
"Babyahe din ho ako mamayang gabi mabilis lang po may pasok pa po kasi ako." sambit ko rito.
"Ah ganun. Ano nga ang bibilhin mo?"
"Isang meatloaf po tsaka isang gatas." sabay abot ko rito ng bayad.
"Teka lang iha kukuha lang ako at nasa loob ang pinamili ko."
Habang nagaantay ako nagulat akong may tumawag sa akin.
"Hoy Calista Kesh!" malakas na sigaw nito.
Translation:
Konnichiwa- Hello (mas ginagamit ito bilang pagbati ng good afternoon or good noon)
Hai- Yes/okay.
Hajimemashite! - Nice to meet you (for the first time)
Share the book to
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Latest chapter
A Writer's Dream Chapter 28
Pagkatapos ng klase ko ay nagtext na si Akio na nasa parking lot na ito. Inayos ko mga gamit ko bago bumababa. Sinalubong ako ni Akio sa parking lot at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse. "Thank you." Pumasok siya sa kotse at nagmaneho, hindi ko alam kung saan ako nito dadalhin. Nagkwentuhan kami habang nasa byahe, pero putol putol rin. "Saan nga pala tayo pupunta?" tumingin ako sa kaniya. "Sa penthouse ko," he smirked. "Uh, anong gagawin natin dun?" napakurap kurap ako. "Secret." (yiee, may iniimagine yung nagbabasa ble.) Napatulala ako sa kawalan, itinuon ko ang atensyon ko sa panonood ng mga sasakyang nadadaanan namin, at mga batang naglalaro sa lansangan. Nang dumilim na ang paligid, tsaka lang ako natauhan na nasa parki
A Writer's Dream Chapter 27
Umaga na ng magising ako chineck ko ang ref kung kinain na ni Ash ang cake na ginawa ko. Strawberry flavor iyon, favorite niya kaya alam kong hindi niya iyon mahihindiian. HTama nga ang hinala ko, napangiti ako ng makitang kalahati nalang yung cake na nasa cake.Pagtalikod ko ay naroon si Ash, na halos bumalik na sa pinanggalingan niya ng makita ako, pinagtaasan ko ito ng kilay."So bati na tayo?" natatawang tanong ko."Hindi." tumalikod ito."Unfair kinain mo yung cake na ginawa ko." pagbibiro ko."Heh!"Inasar ko ng inasar si Ash ng araw na iyon hanggang sa hindi niya na mapigilan ang pagtawa niya.Ilang araw ang lumipas nakauwi si Akio ng pilipinas.Akio: Are you free this evening?Me: Hmm, yep.
A Writer's Dream Chapter 26
Tatlong araw mawawala si Akio nagpaalam ito sa akin na may business trip sila. Pumayag naman ako roon, Sino ba naman ako para pigilan siya? Oo girlfriend niya ako pero business iyon Sabado ng umaga napagpasiyahan kong sabihin kay Ash na babalik na ako sa part time ko. "Hindi nga pwede, baka may mangyare na naman sayo." inis na aniya. "Hindi nga promise," itinaas ko ang kamay ko na animo'y nananampalataya. "No! Unless maaga ka na uuwi." napakamot ako sa ulo. "Hindi nga eh alam mo namang may class ako eh. " napanguso ako. "Hanggang 5 pm ka lang Calista! Malilintikan ka sa akin, hindi ko na palalagpasin pag may nangyare pa sayo!" sigaw nito at tuluyang umalis sa harap ko. Napailing nalang ako at chinat si Iris para sabihin ito. Mukh
A Writer's Dream Chapter 25
I checked my phone, I saw Akio's message there. Akio: Where are you? I smiled. Me: School. Why? Pinatay ko ang cellphone ko at itinuloy ang pagbabasa at pagsagot sa assignment na bukas pa naman ipapasa, mas mabuti ng may ginagawa ako habang nagaantay kay Ash. Akio: Kumain ka na ba? Saan ka banda? Napakunot ang noo ko sa tanong nito. Me: Nope, inaantay ko pa si Ash palabas na yun. Nasa may open field ako, bakit? Hindi na ito nagreply kaya hinayaan ko nalang ang cellphone ko na nakapatay. Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Akio na papalapit sa inuupuan ko agad akong yumuko at nagsulat ng kung ano na maski ako ay 'di na maintindihan kung ano iyon. Agaw pansin sa ibang estudyante ang pagpunta niya rito. May hawak itong p
A Writer's Dream Chapter 24
Hindi na nagparamdam si Nate makailang linggo ang lumipas nalaman ko nalang isang buwan ang nakalipas na nasa ibang bansa na siya ng tumawag ito. Isa pa 'tong buang na 'to. Nakaharap ito sa laptop niya habang kausap ko. Habang ako nagsusulat ng report na ibinigay sa akin. "Bakit hindi mo sinabi na aalis ka na?" itinigil ko ang pagsusulat ko at tiningnan ko ito. "Ayoko sabihin sayo baka mamaya hindi lalo ako makaalis." tumawa ito na siyang pinanliit ng mata ko. "Naku Nate, wag ako mambobola ka nalang ako pa. Susko, tsaka bakit hindi ka aalis aber? Akala ko ba gusto mong magaral?"pinagpatuloy ko ang ginagawa ko. "Joke lang, seryosong seryoso ah! Kamusta pag aaral?" tanong nito. "Ayun naghahabulan sa mga reports tsaka projects." sumulyap lang ako sa kaniya at ibinalik ang tingin sa papel na ginagawa ko.
A Writer's Dream Chapter 23
Nagising akong walang bumating Ash sa akin, alam ko na masama pa ang loob niya sa akin. Kinuha ko ang cellphone para icheck ang facebook ko. Bumungad sa newsfeed ko ang post ni Nate na halos puro picture ko, ang iba pa roon ay puro nakasimangot at inis na mukha. 'Gonna miss this girl.' Siraulo talaga yun. Nakatag ito sa akin kaya nakikita ito ng ibang friends ko. Nagcomment ang ilang kakilala namin sa probinsya. Agad kong pinindot ang comment section at nagcomment roon. 'Punyeta ka Nate, wag kang magpapakita sa akin pupuruhan kita.' 'Idelete mo yan!' Padabog kong binitawan ang cellphone ko sa kama at bumangon na. Naghilamos ako at nagbihis bago pumunta sa kusina, naabutan ko roon si Akio na nagluluto. Umupo ako sa high chair at inilapag ang laptop ko
A Writer's Dream Chapter 6
Kesh POV Nagising ako ng matamaan ng sinag ng araw ang mukha ko. Nakayakap ako sa isang puting malambot na unan. Inilibot ko ang paningin ko. Nasaan ako? Nasaan si Ash? Biglang sumakit ang ulo ko. Argh ito na ba a
A Writer's Dream Chapter 5
Maayos naman ang nangyare sa isang buong linggo ko. Saturday morning inaya ako ni Ash na magshopping para raw sa susoutin namin mamaya. Puro nalang shopping walang katapusang shopping basta si Ash. "Kailangan pa ba talagang magshoppin
A Writer's Dream Chapter 4
The day before fashion show. Dumiretso kami sa salon at kinuha yung mga gowns and dresses na gagamitin ni Ash para sa fashion show. Kinuha namin to sa bahay ng classmate ko. Iba pa ang pinasukat ni Ash nung nakaraan. Pinasukatan din ako ni tita para sa susoutin sa araw
A Writer's Dream Chapter 3
"Hoy Calista Kesh!" malakas na sigaw ng isang lalaki. Nilingon ko ito at hindi ako nagkamali na sya yon. "Hoy Lucas Nathaniel Villacorta! Ang aga aga napakalakas na ng bunganga mo." pabalik na sigaw ko rito. Lumapit
