Download the book for free
05
Author: YuniverseeeSa sinabi niya hindi ko na namalayan na nasa isang mall kami. Hindi naman ganon kalaki pero sapat na para pagbilhan ng mga damit, gamit o kung ano-ano pa.
Siguro sa isang taon, isang beses lang akong makakapunta dito. Pag bibilhan ko ng regalo ang pamilya ko. Pero ngayon wala namang okasyon. Napatingin ako sa katabi ko na seryoso sa pagmamaneho.
Bigla siyang tumigil at maayos na naipark ang kotse. Tinanggal niya ang seatbelt at ako rin. Pag labas ko, naisip ko nanaman ang sinabi niya. Ako? P.A? as in personal assistant niya? Ang dami ko ng obligasyon pero kung makakadagdag to sa sweldo ko, why not? Coconut.
Sinuot na ni Sir ulit ang sunglasses niya. Samantalang ako ay nasa likod niya. Mahahalata talaga na amo ko siya dahil sa dating niya. Pumasok na kami sa mall. Laking gulat ko ng pumasok siya sa women's section.
Agad naman akong sumunod sa kanya. Tumigil siya sa mga damit na pang corporate attire. Parang naiintindihan ko na ang gusto niyang mangyari. Napatakip ako ng baba at tumingin sakanya. Sakto namang tumingin siya sakin.
"Choose." Iyon lang ang sinabi niya at umupo na nakapandekwatro sa bench.
Agad naman kaming nilapitan ng isang saleslady.
"May new arrival po kaming corporate dresses, skirts, sleeveless and coats ma'am." Aniya. Hindi parin ako makapaniwala, Wala akong nasagot.
"Take them all out. I wanna see them." Si Sir na ang nagsalita para sakin.
Umalis naman ang saleslady para kunin daw iyon sa storage room. Agad naman akong lumapit sa kanya pero nanatili akong nakatayo sa gilid niya.
"Sir, hindi naman na po kailangan non." Sabi ko at nilingon niya ako.
"You need to be presentable in front of the clients." So ibig sabihin, parati akong nandon kung may I me-meet siya! So ibig sabihin ay parati na kaming magkasama!? Naiisip ko palang yun ay parang naiiyak na ako!
"Hindi po ba okay to?" Takang tanong ko sabay turo sa sinuot ko.
"Para kang manang." Iyon ang komento niya. Sarap niya tirisin! Kainis! Manang ba naman, sa ganda kong to!? Manang!?
Biglang dumating ang saleslady at may dala na siyang rack. Nakasabit doon ang mga damit. Natakip ko ulit ang baba nung nakita kong gaano ka iksi at ka hapit iyon sa katawan ko.
"Sir, masyado naman iyang revealing." Bulong ko sakanya.
"Anong gusto mo? Matataas na palda? Maluluwag sa blouse? Para ka ng nanay." Sagot niya, napairap nalang ako. Bwesit talaga!
Itinuro niya sa saleslady ang mga gusto niyang kulay. Naglalaro lang ito sa kulay Black, Pink, White, Brown, Gray. Ang dami niyang pinili, mapa dress, sleeveless, skirts, shorts tsaka coats.
Tinulak na ng saleslady ito sa fitting room, wala na akong nagawa kundi ang sumunod. Ng naiwan ako sa fitting room, napailing iling ako, hindi ako sanay na makita ang hita ko. Wala naman akong mga galos o ano pero hindi lang ako sanay.
Sinukat ko na iyon isa-isa. Una kong sinukat ay ang itim na shorts, panloob na puti at coat na itim. Mas lalong naging halata ang kaputian ko dahil sa suot.
Pati sa dress na hapit na hapit sa katawan ko, sleeveless siya at may pares na itim rin na coat or pwede rin siya sa puti. Maganda naman siya tignan. Pero parang nasobraan sa sexy.
Sunod Kong sinukat ang pink na skirt, puting sando tsaka pink na coat. Ang mga skirt at dresses ay di man lang lumalagpas sa tuhod ko. Gusto ko ng maiyak pero wala akong magagawa. Sunod kong sinukat ang iyon.
Hanggang sa gray na dress, sleeveless rin siya. Napasinghap ako ng hangin bago sinuot ang coat ko. Nagulat ako ng may kumatok sa pinto.
"Faster, we're gonna be late." Boses iyon ng amo kong mokong. Kahit na naiinis ay sinunod ko siya.
Sa laking gulat ko nabuksan niya ang pinto ng fitting room! Buti nalang talaga pahubad palang ako ng coat! Agad ko itong tinabon sa sarili ko.
"Just wear that." Aniya at tinalikuran na ako.
As in!? Ngayon!? So ayon wala nga akong magawa diba? Kaya lumabas nalang ako. Pagkalabas ko may sandals na siyang kaharap. Ilan sa ka mga ito ay may heels!
Ano ba!? Personal assistant o gagawin niya akong Modelo!? Talaga lang ha!
Inutusan niya akong sukatin lahat, mga nasa lima lang rin ang kasya sakin. Lahat iyon, binili niya.
Ewan ko pero parang ang swerte ko na malas. Alam niyo yun, swerte ko kasi may mga damit na akong ganito tapos ang malas ko naman kasi siya pa ang amo ko. Hay!
"Thomas Jon Castillo." Aniya at nilahad ang card. May binigay sa kanyang resibo. Ah! Thomas Jon... Pala.
Dala-dala ko ang mga paperbags ng mga damit na nabili namin. Pagkalabas ko pinagtitinginan kami ng mga tao na animoy celebrity. Nakasuot na rin ako ng itim na heels. Buti nalang hindi ako natatalisod kung hindi mahahampas ko to sa pagmumukha ng Thomas nato.
Hanggang sa labas talaga ng mall pinagtitinginan kami. Pinalagay niya sa likod ng sasakyan niya ang mga paperbags kaya sinunod ko naman ito. Pagkapasok sa sasakyan agad akong umupo at napahinga ng malalim. Nakakapagod. Tinignan ko ang cellphone ko kung ano na ang oras. Dalawang oras nalang bago mananghalian.
Napatingin si Sir Thomas sakin, at binaba sa phone ko. May kinuha siya sa taas niya. Nilahad niya ang isang phone na may 'apple' na logo pati IPad, sa pagkakaalam ko mamahalin ang mga iyon.
Namilog ang mga mata ko habang nakatingin parin sa kanya palipat lipat sa hawak niyang mga gadgets.
"From now on, you'll use that." Yung sinabi niya at biglang pinatong sa hita ko! Buti nalang hindi man lang nagka physical contact!
Pinaharurut niya na ang sasakyan. Alam ko na kung saan siya patungo. Sa Isa sa mga famous resorts ng Siargao. Parang gumaan ang pakiramdam ko ng unti unti kong nakikita ang tubig ng dagat, ang hanging tinatangay at winawagaygay ang mga puno, ang mga taong nagsa-saya, napaka relaxing nitong tignan.
"Kung ano ang napag-usapan. Isulat mo sa IPad nayan." Turo niya sa IPad na nasa hita ko parin. Nahihiya ako, kung sasabihin ko ba o hindi. Pero dapat lang, baka hindi ko magawa ng maayos ang trabaho ko.
"Sir, umm.." nakakahiya talaga! Bakit ba kasi ito pa!? Pwede namang kwaderno nalang!
"Just press that, then click the icon that says the notes. Then just type." Yun ang sinabi niya. Sinunod ko naman, pag open niyon ay hinanap ko ang 'notes'. Buti nalang nahanap ko na bago pa kami naka park.
Sabay kaming lumabas, sinensyas niya ang buhok ko kaya agad akong napatingin sa salamin. Ang gulo! Bakit ngayon niya pa sinabi. Pumasok ulit ako para ayusin! Bwesit talaga siya! Ngayon pa sinabi!
Di ko namalayan na hinintay niya pala ako habang nakapamulsa, kinuha ko na ang mga gagamitin ko. Naglakad na siya ng nakitang ayos na ako.
Sinundan ko siya papunta sa isang restaurant na malapit lang sa dagat. Ang ganda ng lugar! Ang presko pa ng hangin. Halos nakikita ko ay naka summer attire. Parang kami lang ang masyadong pormal. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao, si Sir Thomas parang wala lang pakealam. Taas noo lang siyang naglalakad hanggang sa may matanaw kaming kumaway sa kanya. Isang tipid na ngiti ang ginawad niya at dumiretso doon.
Hinanda ko na ang iPad, inisip ko nalang na parang kwaderno ko iyon. Nilagyan ko ng petsa, araw tsaka location kung nasaan kami.
"Thomas, hijo. It's good to see you." Bati sa kanya ng isang matandang lalaki na naka summer attire lang, suot ang mamahaling relo at mga alahas niya.
"It's good to see you too, sir." Malaming na sagot naman ni Thomas. Napasulyap ang matanda sakin. Yumuko lang ako at ngumiti sa kanya.
"Oh, come. Sit, sit." Aya niya samin at umupo rin siya sa katapat namin. May kaharap siyang laptop, mga papel at phone niya.
"You really have grown hijo." Aniya naman kay Sir Thomas tsaka napatingin sakin.
"Guess, life is really short Sir." Sagot niya naman.
"Yes, yes, good thing you already found your match." Sabi naman ng matanda sabay tingin sakin. Ha!? Match? Ano!? Ako ba yung ibig niyang sabihin!? Match!? Kay Sir Thomas!? Ngi!
"You two look good together." Dagdag niya. Kung may tubig lang akong iniinom, sigurado akong nabulunan na ako ngayon.
Share the book to
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Latest chapter
A PARADISE IN MY WORLD (FILIPINO) 20
Buong hapon ko hindi pinansin si Sir Thomas, tumatango lang ako sa mga sinasabi niya at pa minsan minsan ang tipid ng sagot ko.Nag gabi nalang hindi ko pa siya pinansin, bahala siya diyan. Minsan ang labo niya rin kasi kung ano ano sinasabi. Tapos ang gulo pa, tas biglang nanununtok.Kinabukasan maaga akong nagising para ipaghanda siya ng breakfast. Pumanhik na ako sa taas, tsaka
A PARADISE IN MY WORLD (FILIPINO) 19
Kinabukasan ay maaga nanaman akong nagising, wala sa bokabularyo ko ang ma late. Dating gawi parin.Nag prepare ako ng breakfast niya at hinatid iyon sa taas, tapos nagpadala ulit siya ng breakfast. Mukhang sasanayin ko na ang sarili kong sabayan siya kumain.May pupuntahan kami ngayon, sa Resor
A PARADISE IN MY WORLD (FILIPINO) 18
Nagpahanda si Sir sa resort at sa mansyon kahapon, masaya naming na diwang iyon. Puro bati ang ginawa ni Sir sakin. Kahit na alam kong, yung pag post lang ng pictures sa social media ang nagawa ko pero ini-insist niya parin na malaking tulong na daw iyon.Palagi niya akong sinasabihan na ang galing ko daw, may marketing skills daw ako. Nako ini-echos pa ako.
A PARADISE IN MY WORLD (FILIPINO) 17
Nagpatawag ako ng tauhan galing sa mansyon para sunduin kami at kunin ang kotse ni Sir Thomas. Pano ba naman kasi to si Sir Thomas, nagkalat ng masyado. As in literal na kalat. Yung nagkalat ha talaga yung kalat na grabe talaga. Yung parang nagwawala na siya ganon. Sobrang lasing na lasing siya kung ano ano nalang pinagsasabi."Nako naman&n
A PARADISE IN MY WORLD (FILIPINO) 16
Nang matapos ang basketball namin kahapon ni Sir ay nagpahinga na kami at nagpagpasyahan niya rin kung saang bar.Sana talaga hindi ako pumayag sa deal nayun! Tamo tuloy! Papasok ako sa bar mamaya! Ang isang Maria Kleain Fuentes!? Yung mabait na anak ni Jiro at Maria!? Papasok sa bar!? Hindi ako makapaniwala.
A PARADISE IN MY WORLD (FILIPINO) 15
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Hindi pa ako naligo dahil mangingisda ako ngayon. Pagkalabas ko nagulat ako ng makita si Sir sa kitchen. Naaninag ko naman na medyo madilim pa sa labas."Good morning sir." Bati ko ng makita siyang nakatingin sakin. Tinignan niya ako na parang inaalam kung saan ako papunta.
A PARADISE IN MY WORLD (FILIPINO) 10
Kinabukasan paika-ika akong naglakad. Kagabi pa talaga to. Nag-alala
A PARADISE IN MY WORLD (FILIPINO) 09
Inis akong umahon sa pool at hinubad ang coat ko pati sandals. Bwesi
A PARADISE IN MY WORLD (FILIPINO) 08
Gaya ng nasa schedule, ng malapit na mag alas nuebe tumulak na kami
A PARADISE IN MY WORLD (FILIPINO) 07
Agad akong tumalikod. Narinig ko rin ang mga yabag niya palayo. Feel
